Chapter 2

1.6K 110 13
                                    

Chapter 2

Hanggang sa maka uwi ako ng bahay,  hindi nawala ang inis ko sa lalaki na yun.  Sino ba siya para sabihing nagkulang sa tela at ang panget ng legs ko?  Wala ba siyang taste?  Hindi niya lang alam na matagal na akong nililigawan ng isang Teen's Magazine sa school ko sa maynila ng High School tapos sasabihin niya lang na ang panget ng Hita ko?!  Bakla siguro siya tss...

"Ate nasan ang remote ng TV? " biglang tanong ni Cielo. 

Nasa Sala kaming dalawa ng kapatid ko, si Mama at Daddy naman ay nasa Garden.

"Gamitin mo yang mata mo,  hindi puro bunganga! " bulyaw ko sa kapatid ko.  Natahimik naman ito.

"Ate... " naiiyak na sabi nito.

Napatayo ako ng makita ang nagbabadya niyang luha.

"Sshhh...  Sorry Cielo,  mainit lang ang ulo ni Ate,  sorry bunso di na mauulit. " alo ko sa kapatid ko at niyakap. 

Wag lang talaga magpapakita sa akin yung lalaki na yun!  Naku!!  Pati yung kapatid ko nadadamay eh. 

Nang tumahan na ito, ako na mismo ang nagbukas ng TV para makapanood na ito.  Mukhang nakalimutan na nito ang pag sigaw ko sa kanya dahil naaaliw na ito sa pinapanood nitong Ben10.

Nang mag Alas otso ng gabi,  nagpaalam na ako kela Mama na mauuna ng umakyat.

Pagpasok ko nag half bath muna ako at nag sepilyo bago nahiga sa kama.
Nag vibrate ang cell phone ko dahil sa isang text. Galing sa isang unknown number ang mensahe at sinabing nakapasa ako sa Entrance Exam at pwede na daw ako pumasok bukas.

Hindi ko pa naba back ang message na iyon ng may dumating na namang bagong mensahe.

From: Unknown Number.

Miss Celestine Chavez?

Same number pa rin ang nagtext,  isa ata ito sa mga faculties ng school.
Agad akong nag reply.

To: Unknown Number.

Yes?  Ma'am?

Mabilis itong nag reply.

From Unknown Number

Ma'am?

Bakit, Sir ba dapat? ?  Nangti trip ata itong mga faculties na ito. Tss.  Binalik ko na ang cellphone ko sa sa bedside table bago natulog.

****************

Kinabukasan tinanong ako ni Mama kung may pasok daw ako,  sinabi ko na Oo pero next week na ko papasok. Napagalitan pa nga ako dahil unang araw ko pa naman sa klase.

Nasa sala ako ngayon,  nagmumukmuk dahil sa sobrang bagal ng signal. Tumayo ako para sana lumabas,  baka mas malakas ang signal sa labas.

"Saan ka pupunta? " Tanong ni Mama ng nasa pinto na ako.

"Diyan lang po,  maglili waliw sa labas. " Sabi ko,  tango lamang ang naging sagot ni Mama.

Simula ng dumating ako dito sa Probinsya nung nakaraang araw, ngayon pa lang ako lalabas, mag iikot sa paligid. Hindi naman masama pala dito sa Probinsya, nasanay lang talaga ako sa syudad, yung tipo kahit saan ka tumingin, puro Building lang makikita mo, hindi tulad dito, na mga bahay na isang palapag lamang at sa malayong dulo ay makikita na ang nagtataasang bundok.

Naglalakad ako sa Kalsada na wala namang masyadong sasakyan dumadaan, may nadadaanan akong mga bahay, pero tahimik ang paligid.

Pagliko ko sa daan,  may nakasalubong akong mga babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lamang.  Mukhang pauwe na ang mga ito galing sa University na papasukan ko sa susunod na linggo.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora