Chapter 20 EPILOGUE

1.8K 54 3
                                    

Chapter 20 EPILOGUE

"Are you two ok now?" Tanong ni Julia, halata dito na kagigising lamang nito.

Magkahawak kamay kami ni Dravin ng maabutan ni Julia.  Balak ko sanang pakiusapan si Julia na patulugin saglit si Dravin dahil wala pa itong tulog sa paghintay sa akin sa reception area.

"Hi, I'm Damon, Dravin Asher Montero, nice meeting you." nagpakilala si Dravin. He extends his hands to have shake hands with Julia. Julia gladly accept it.

"Finally Nice meeting you Mr. Montero. Alam mo bang laging wala sa sarili itong kaibigan mukhang ikaw ang dahilan." Humalakhak ito ng sinabi iyon.

"Julia!" saway ko.

"Bakit totoo naman ah!"  inirapan ko si Julia, kaya napatingin ako sa Nakangiting mukha ni Dravin. "Sige na, patulugin mo na muna yan, mukhang pagod eh. Kwarto lang ako,  mag moment muna kayong dalawa haha." Tumatawang tumalikod na ito.  Aisshh that girl!  Ilaglag ba naman ako!

Pumasok kami sa guest room, pumasok naman si Dravin sa banyo.  Nang lumabas ito ay bagong hilamos na ito, inabutan ko siya ng malinis na tuwalya mula sa cabinet dito ni Julia. Nakangiting inabot niya ito.

Nanlaki ang mata ko ng isa isa nitong kinalas ang pagkaka butones ng polo nito.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko. Naku hindi pa ako handa..  At ngayon lamang ulit kami nagkita.

"Matutulog tayo, alangan naman matulog ako ng nakaganto." Napaiwas ako ng tingin ng hubarin naman nito ang pantalon nito. Nang muli akong sumulyap ay naka sando at boxer na lamang ito.

'Bakit parang uminit dito?'

Lumapit na ito sa kama, habang ako ay hindi alam ang gagawin.

"I-ikaw na lang ang matulog, sa labas lang ako."

Bago pa man ako makalayo ay nahila na ako nito palapit sa kanya.

"Dravin!" patili kong sambit ng bumagsak ako sa katawan niya.  Agad niya akong kinulong sa mga bisig niya.

"Please..." Halata ang pagod sa boses nito. "I want to sleep with you...here in my arms Cellie." Wala na akong nagawa ng pumikit na ang mga mata nito, kaya hindi maiwasan na matitigan ko ang mga mata niya.

Makapal na kilay, matangos na ilong pati ang perpekto nitong panga at maninipis at mapupulang labi nito.

Ramdam ko pag init ng aking pisngi ng maalala ang paghalik niya sa akin kanina.

Ginantihan ko ang mga yakap niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap nito.

Anong ba kaseng ginagawa niya dito sa maynila?  At bakit magkasama sila ni Cassie?  Naku!  Dravin mukhang marami tayong pag uusapan pag gising mo.

**********************************

Naramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking bewang.  Napangiti ako ng makita ang mukha ni Dravin na halata na bagong gising pero sobrang gwapo pa din.

Nakatayo ako sa balkonahe ng guest room para hintayin ang pag gising niya.

"What are you doing here?" His husky voice filled my ear. Ramdam ko hininga nitong dumadampi sa gilid ng aking tainga.

"Hinihintay kang magising..." Mahinang bulong ko. Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya.  "Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa maynila?  Bakit magkasama kayo ni Cassie?" Nakasimangot kong tanong.

Nagse selos ako sa tuwing naiisip kong magkasama sila nung mawala ako. Akala ko ay ipagpapalit niya na ako dahil sa nasaktan ko siya.

"Obviously, sinundan kita dito. Nagkataon lamang na luluwas din siya ng maynila kaya nagsabay na kami at dito nakatira ang tiyahin niya. So don't be jealous to her. I love you ok." Napangiti ako sa sagot niya,  pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.  Napakasarap lang sa pakiramdam na sinundan ako ng taong mahal ko dito sa maynila.

"I love you too Dravin..."

Nakalimutan ko na ang dapat na pag kompronta ko sa kanya. Dahil kahit ano pa man ang kanyang rason walang oras o araw na hindi ko siya mamahalin,  I will always love him no matter what happen, I want to be with him forever.

Kung hindi man natin gusto ang isang lugar o bagay humanap tayo ng dahilan upang magustuhan natin ito.  Tulad na lamang ng pagtira ko sa probinsya na kahit ayaw ko man ay si Dravin ang naging dahilan kung bakit nagustuhan ko ito.  Masaya akong nakapunta ng probinsya dahil nakilala ko ang gwapong boyfriend kong si Dravin Asher Montero.


THE END.........

A/N: YEY!  DONE NA HAHAHA.  IE EDIT KO PA PO ANG IBANG CHAPTER DAHIL ALAM KONG MARAMING TYPOS DOON. 
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA.
SANA SUPORTAHAN NINYO ANG SUSUNOD KONG STORY ENTITLED "OPERATION: TURN THE NERD INTO A HOT CHICK" THANKS IN ADVANCE.

PLEASE VOTE,  COMMENT AND SHARE.

-HAILMERRY

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now