Chapter 18

1.1K 39 5
                                    

Chapter 18

"I love you.." bulong nito.

Mas lalo akong nalungkot sa sinabi niya. I want to be with him, I love you too Dravin.

But I can't, I can't say those words, lalo na't hindi naman kami permanente dito. Mas lalo lang siyang masasaktan lalo na't pag nalaman niya na,  kaya mas mabuti ng ganito.

*******************************

Apat na buwan na ang nakakalipas, masayang masaya pa din kami ni Dravin,  pero sa tingin ko ito na ang pinaka nakakalungkot na linggo sa pananatili ko dito,  dahil sa weekend ay babalik na kaming maynila. Wala akong oras para sabihin kay Dravin, dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko.

"Hey.  Anong iniisip mo?" Tanong niya,  nandito ulit kami sa bundok, simula nun ay lagi na niya akong dinadala dito, napaka sarap at presko ng hangin, malaya nitong nililipad ang buhok ko, napakalamig ng pag dampi nito sa aking balat,  isa itong lugar na to ang mami miss ko.

"Hmmm...  Wala naman, ine enjoy ko lang ang katahimikan, baka kase mamaya mag ingay kana." sabi ko at sinabayan ng pekeng tawa.

"Tsk.. Naiingayan ka na ba sakin? Hmm?" nakasimangot na sabi ni Dravin.  Natawa ako sa itsura nito.

Lumapit ako sa kanya at yumakap tinitigan ko ang gwapo niyang mukha.

His appearance alone was seductive. Dravin features were alluring. His raven black hair, which glisten in the sunlight illuminating from me,  and his face carefully structured. As if God had molded him just to spoil my eyes. He had a proud nose and a thin pair of lips that was in a form of a smirk. His tight jaw was an angular shape that was filled with little stubbles. His pale skin looked so...right.

He returned my hugged tightly.  Oh I really love this man.  Sana ay ganito na lang palagi.

"Alam mo bang ilan beses ko ng napapanaginipan na iniwan mo ko. Kaya araw araw kita nami miss eh Haha." Napalunok ako sinabi nito. Nag iwas ako ng tingin. "Pero alam kong hindi mangyayari yun,  hindi mo ko iiwan di ba?" Nakangiting tanong nito, Arrgghhh I don't want to break his heart, ako nalulungkot para sa kanya.

Tumango na lamang ako,  naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"I'm sorry..." bulong ko,  sa tingin ko ay hindi niya narinig.

I'm sorry Dravin,  I'm going leave you.

**********************************

Nauna kaming pumunta ng maynila ni Daddy,  si Mama at Cielo naman ay naiwan muna dahil hindi may inaasikaso pa sila sa school ni Cielo.

Kanina pa tumatawag si Dravin,  pero sabi ko sa kanya na busy pa ako. Hindi ko sinabi na aalis ako,  dahil ayokong makita siyang masaktan,  ayoko na makita niya akong nasasaktan.

"Nakapag paalam ka ba ng maayos sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Papa.  Inayos ko ang shades ko bago sumagot.

"Yes Pa..." mahinang sagot ko.

Dahil sa kakaiyak ko kagabi, kaya ko suot ang salamin na ito,  dahil mugto ang mata ko ngayon. Ka text ko si Dravin kagabi habang umiiyak ako, masayang nagte text siya ng mga sweet messages, na kung sana ay hindi nangyayari to ay kikiligan na sana ako,  pero sa kada mensaheng pinapadala niya ay mas lalo lamang akong naiiyak.

Natulog lamang ako buong byahe, nagising lamang ako ng huminto ang sinasakyan namin. 

"Stop over?" Naiusal ko.

I checked my phone at nanlaki ang mata ko ng makita ang 102 missed call and 84 messages from Dravin.

("Where are you?")

("Hey!")

("Are you still busy?")

("Tawagan mo ako pag hindi kana busy.")

("F*ck! Answer my call!")

("Please... Nag aalala na ako, I miss you!")

At marami pang iba, hindi ko napigilan umiyak dito sa loob ng sasakyan.  I'm sorry Dravin.  I'm sorry...

Nag reply ako sa kanya.

To: Dravin Ko <3

I'm sorry...

Sent...

Nangingig ang kamay ko ng mabilis kong pinatay ang Cellphone ko,  at kinuha ang sim card nito,  at tinapon sa bintana. Yumuko ako ng pumasok na si Daddy sa loob ng Kotse. Nagpanggap ako tulog.
Good Bye Dravin...

********************************

"Hey!  Tulala ka naman diyan!?  Ano miss mo na?" Napalingon ako Julia. "Siya na naman ba ang iniisip mo?,  Naku Cellie,  Magpapasukan na siya pa din."

Magda dalawang buwan na ako dito sa maynila, at magda dalawang buwan na din na wala akong communication kay Dravin. Walang araw o gabi na hindi ko siya iniisip. Miss na miss ko na siya.  Napabuntong hininga ako.

"Girl!  I have good news!" Masayang sabi ni Julia.

"Hmm?  Ano yun,  mukhang sobrang saya mo ah."

May kinuha ito sa bulsa niya.

"Tadaaaaa!!!" Napakunot ako ng noo.

"Key? Para saan naman yan?" takang tanong ko.  She smiled widely.

Hinampas niya ako sa braso.  "Ano ba!  Susi ito ng bago kong Condo!!!!" patili na sabi nito.  Nanlaki ang mata ko. "This is my Daddy's gift to me." masayang masaya ito dahil matagal na nitong gusto na magkaroon ng sariling Condo.

"Nice Juls! So kailan natin pupuntahan." humagikhik ito.

"Tomorrow. Are you free?" She asked.

"Of course! I'm excited Juls." Nakangiti kong sabi. Pansamantalang nakalimutan ang problema. Niyakap ko siya sa sobrang pagkagalak.

*********************

"We're here!" Anunsyo ni Julia.  Bumaba ako ng kotse niya at tiningala ang napakataas na building.

Ngayon namin pupuntahan ang bagong condo unit niya. Mukhang mamahalin ang binili ni Tito ka Julia ah, sabagay mayaman naman sila eh.

Sabay kaming pumasok. Umupo ako sa reception area habang si Julia naman ay kinukuha ang Key Card niya. Inilibot ko paningin sa paligid.  Napaka ganda dito, may naglalakihang Chandelier at sobrang linis na paligid.

Napahinto ako ng maanig ang bagong pasok, isang pamilyar na bulto.  Ang lalaking iniwan ko, ang lalaking iniiyakan ko, ang lalaking miss na miss ko na at ang lalaking mahal na mahal ko.

"Dravin..." Naiusal ko. Mabilis na nangilid ang aking luha.  'Anong ginagawa niya dito' iniisil ko pa lamang na sinundan niya ako dito,  sobrang saya ko na.  Pero napawi iyon na mamataan kung sino ang kasama nito.

"Cassie?" Bulong ko. Bakit sila magkasama?  Sila na ba? 

Nangilid ang luha ko.  I deserved this pain, siguro naman ay nababagay lang ito sa akin,  dahil iniwan ko siya, sinaktan ko siya.  Mas lalong nanlabo ang mata ko. Naramdaman ko ang paglapit ni Julia.

"Hey what's wrong?" bakas sa boses nito ang pag aalala.

"Nothing.. Nakuha mo na ba?  Tara akyat na tayo." tumango ito at hindi na nagtanong pa. Nang makalapit sa elevator ay muli ko sinulyapan si Dravin. Nanlaki ang mata ko ng magtama ang paningin namin.

Hinila ko si Julia papasok sa elevator.

"What's wrong?" Nag aalalang tanong ni Julia.

"I'll tell you later!  Let's  go"

Agad kong pinindot ang close button nakita ko ang paglapit ni Dravin,  pero huli na dahil nagsara na ang elevator.

"Tell me now!  May pinagtataguan ka ba?" tanong ni Julia.

"Dravin." Pangalan lamang niya ang nabigkas ko. "Dravin is here..."

"What!? Oh e di dapat masaya ka?"

"She's with someone." Mahina kong sabi.

Hindi na muli itong nagsalita. Bigla na lang tumulo ang luha ko.

To be continued

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now