Chapter 6

1.2K 72 6
                                    

Chapter 6

Sa sobrang inis ko sa pag tatalo nila kanina, iniwan ko sila at umuwi na lamang,  nakakainis na Dravin na yan!  Pagkatapos niyang hindi ako pansinin nung umaga, tas bigla siyang susulpot.  Tsk tsk.  Nakipag talo pa talaga kay Arvey,  na wala namang ginagawang masama. Aissshhh nasayang lang ang Day 1 ng tutoring class ko.  -.-

"Oh Hija!  Bakit ang aga mo pa? Akala ko ba may tutoring session kayo ng classmate mo? " tanong ni Mama pagdating ko sa bahay. Nasa sala silang tatlo, si Cielo nagsusulat nang kung ano sa papel,  si Daddy nakatingin lang sa akin.  Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.

"Masama po kase ang pakiramdam nung kaklase kong inatasan na magtuturo sakin. " Pagsisinungaling ko.

"Ate look!  I can write my name na." proud na sabi ng kapatid ko.

"Wow!  Good boy Cielo. " Puri ko, pinakita niya din ito kay Mama at Daddy na mukhang tuwang tuwa.

Nagpa alam na ako at pumanhik sa taas.

*******×***********

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa unang subject,  tinanghali kase ako ng gising dahil binasa ko payung pinahiram na notes ni Isobel.

Lakad takbo ang ginawa ko,  para makarating lamang sa classroom ng makasalubong ko si Arvey.  Aiiisssshh not now male late na ko. 

"Hi Cellie, mukhang nagmamadali ka ah, " Bati ni Arvey.  Nakangiti siya ngayon,  at napaka gwapo. Labas na naman ang dimple.

"Oo eh,  pasensya na Arvey,  usap na lang tayo mamaya, male late na talaga ako eh. " Sabi ko. "Sige mauna na ako. "
"Wait Cellie sabay na ko may dadaanan din ako sa CBA building, pwede bang sumabay?"

Tumango na lamang ako at nagsimula ng maglakad. Nakasunod lamang siya.  Nang abot tanaw ko na ang classroom namin at makita na wala kaming Prof na pabuntong hininga ako.

"Mukhang wala din kayong prof? " tanong ni Arvey. Nakalimutan kong magkasama pala kami.

Dahan dahan na kaming naglakad at hindi na nagmadali.

"Wala din ba kayo? " tanong ko.

"May meeting kase ang faculties akala ko ay CAS lamang,  pati pala kayong CBA. "

Nang makatapat kami sa classroom, nakita ko pasimpleng sulyap ng mga kaklase kong babae, yung iba kinikilig.

"Sikat ka pala. " Nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti siya at lumabas na naman ang Dimple niya.

"Hindi ko din alam. " Sabay kaming natawa sa sagot niya. "Anyway Cellie,  can I get your cellphone number?  You know... " Nahihiyang sabi nito. Napangiti ako dahil ang cute niya pag nahihiya.

"Sure. " Nang maibigay ko, nagpaalam na akong pumasok sa loob.

Nahuli ko ang masamang tingin ni Dravin, inirapan ko lamang siya at umupo na sa silya ko.  Lumingon ako sa bintana sa labas andun pa siya, kumaway ako at pabirong tinaboy siya.  Tumawa lamang ito pago umalis.

"Cellie!  Close ba kayo ni Arvey? " tanong ni Maylene, isa sa mga kaibigan ni Isobel.

"Hmm Hindi?  Kahapon ko lang siya nakilala. " Sagot ko.

"Hindi ka sigurado? Ang gwapo niya noh?" Sabi nito lumapit ito sa akin at bumulong.  "Mas gwapo nga lang Damon Hihihi. " Kinikilig na sabi niya.  Nanlaki ang mata ko.  Bago pa ako makapag react naka alis na ito.

Tss.  Mga walang taste.

"Nililigawan ka ba nun? " Nanindig ang balhibo ko ng maglapat ang labi niya sa punong tainga ko,  dahil sa pagkakabulong niya.

"Ano ba?!" gulat na sabi ko at lumayo, nagtinginan ang mga kaklase ko, napaupo ako at nagpanggap na wala lang. Nang wala na ang atensyon nila sa akin inis kong sinulyapan si Dravin. "Wag mo ng gagawin yun!  N-nakikiliti ako! " Namula ako ng ma realized ang sinabi ko. Nainis lamang ako ng makita ko siyang ngumisi.

Hindi ko na siya pinansin.  Isang estudyante ang pumasok sa amin.

"Pinapa Cancel po ang pasok ngayong araw,  pwede na kayong umuwi. " Sabi nito.  Nagsigawan ang mga kaklase ko sa sobrang saya dahil walang pasok.  Alas Diyes pa lamang, maaga pa naman, saan kaya pwedeng pumunta? 

Palabas na sana ako ng may humila sa braso ko.

"May tutoring class tayo ngayon, hindi kita naturuan kahapon kaya babawiin mo ang araw na nasayang ngayon. "

Napabuntong hininga ako ng maalala iyon. Oo nga pala.  Nakalimutan ko.

"Oo nga pala,  sige sa Library na lang."
Nauna na akong maglakad. Napahinto ako ng humarang siya sa dinadaanan ko kaya nauntog tuloy ako sa matigas niyang katawan.

"Ano ba?!" Inis na singhal ko sa kanya.

"Sarado ang library ngayon, dahil wala ng pasok ngayon. " Sabi nitong nakatingin sa mga mata ko.  Bigla akong nailang.

"Edi mabuti,  uuwi na lang ako. " Nag iwas ako ng tingin.

"Sa bahay na lamang namin,  para mas makapag aral kang mabuti,  may internet connection doon. "

Napalingon ako sa sinabi niya.  Hindi ko inaasahan na may internet connection sila, may ganon pala sa bukid na ito? Akala ko ay sa maynila lamang iyon.

"Sigurado ka?  Baka niloloko mo lang ako ah! Naku Dravin! "

"Tara na para makapag simula na tayo. " Hinila niya ako.  Hawak niya ang kamay ko ngayon.  Hindin makapag react ang katawa dahil parang gusto ko din ito.

Sakto lamang ang malaki nitong kamay sa maliit kong kamay.  Bagay na bagay.  Pinilig ko ang ulo ko sa mga iniisip ko.

Sumakay kami ng Tricycle, mukhang kilala na siya ng Driver dahil binati pa siya nito.

"Gerlpren niyo ho? " Tanong ni Mamang Driver. Sinamaan ko ng tingin si Dravin ng ngumisi ito.

"Soon Manong,  soon.. " Sabay silang tumawa na parang wala ako dito.  At anong soon ang pinagsasabi niya.

"Naku Ser bilisan niyo ho at baka maunahan kayo, "

'Ser'?  Tsk.  Whatever.

Di ko namalayan na huminto na pala kami. Nagbayad si Dravin sa Driver bago ito umalis.

Luminga linga ako sa paligid, dahil isang malaking gate lamang ang nandito,  hinahanap ko ang kubo nila.

"Nasaan ang bahay niyo? " taka kong tanong sa kanya ng hindi mahanap ang maliit nilang bahay.

"Are you blind? " matigas na inglis nito at may Accent pa.  Magaling mag english ang taga bukid na si Dravin Tsk.

"Hindi,  bukod kase sa napakalaking mansyon na ito sa harap natin,  wala namang ibang kubo dito,  imposible namang dito ka nakatira. " turo ko sa mansyon.

"Napaka Judgemental mo naman Celestine.  Diyan nga ako nakatira. "

Napabaling ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala.  Seriously???

~To be continue.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon