Chapter 14 Part 1

1K 58 5
                                    

Chapter 14 Part 1

Huminto ang sinasakyan namin sa isang kakahuyan.  Bumaba ako at luminga linga sa paligid.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.  Lumapit sa akin si Dravin at hinawakan ako sa braso.

"Aakyat tayo." Nakangiting pahayag niya.

"What?! Wag mo akong pagtripan Montero! Baka mamaya ay may mabangis na hayop diyan." Akmang babalik ako ng sasakyan ng pigilan niya ako.

"Trust me."

Dalawang salita. Sa dalawang salitang iyon ay napapayag ako. Kailangang kong magtiwala sa kanya.  Ano ba kaseng gingawa namin dito.

"Pero baka maabutan tayo ng dilim"  sabi ko.

"Saulo ko na ang lugar na ito. Dito ako madalas dalhin ni Mommy nung bata pa ako."   Napasinghap ako sa narinig.  Patay na ang Mommy niya?  "I'll tell you later."

Namangha ako ng makalabas kami ng kakahuyan.  Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad namin.  Dahil nasa mataas kaming lugar kitang kita ang mga kabahayan sa baba. Pati ang bayan sa malayo ay kitang kita din.  Namataan ko din ang aming paaralan sa kalayuan.

"Ang ganda!" Hindi mapigilang puri ko sa lugar.  I heard him chuckled.

"Parehas tayo ng reaksyon ng dalhin ako ni Mommy when I was 15." Napalingon ako kay Dravin.  Nakatingin lang din ito sa tanawin.  Bakas sa mata nito ang lungkot at pagka miss sa Mommy niya.

"She died because of breast Cancer" Malungkot na pahayag nito. Umupo ito sa damuhan ganon din ang ginawa ko.
"She didn't tell us,  that she's sick.  She keep it to herself." Halos gumaralgal ang boses nito. Natahimik lamang akong nakinig sa kanya. "We always watched sunset after my class when I was in high school.  My mom loved sunset." Sobrang lungkot ng boses nito. Kahit hindi ako sumagot alam kong alam niyang nakikinig ako. Hindi ako marunong mag comfort ng tao,  kaya wala akong ginawa kundi ang yakapin siya.

"I know she miss you too." Bulong ko.

Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sa kanya, He answer my hug.  He put his head in my shoulder.  Hindi ko alam kung umiiyak siya.  Pero parang hindi naman.

"After her funeral,  my dad sent me abroad." He went abroad?  Kaya pala yung Profile Picture niya sa Facebook ay kuha mula sa ibang bansa.

"Sobrang lungkot ko nun.  Araw araw kong nami miss si Mommy. Until One night, I dreamed.  She said, binabantayan niya ako lagi lagi.  So I moved on. The When I was 16 bumalik na ulit ako dito sa Pilipinas."

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ganon pa rin ang pwesto naming dalawa.  Walang pagbabago.

"Cellie?" Mahinahong tawag niya.

"Hmmm?" I moan.  He eventually look at me.  Amused is visible in his eyes. "What?" I spat.

"Are you trying to seduce me?" Tanong nito.  Lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap nito.

Hinampas ko siya sa braso niya.  Whooo tigas ah.  "Kapal mo tsk. Bakit ba kase?" I ask.  Nag iwas ako ng tingin dahil sobrang lapit ng mukha niya.

"Will you be my girlfriend?"

********************

To be continued

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now