Chapter 16

1K 50 3
                                    

Chapter 16

"Hi Mom,  she's Celestine Chavez, a city girl but now she's here now.  She's my girlfriend." Tinignan ko siya ng masama. Aba't kailan ko pa siya sinagot?

Dahil ayoko naman masira ang moment na ito ay pinagbigyan ko na.  Dahil hindi naman tinatablan si Dravin ng masama kong tingin.

"Hello po Tita..  Nice to meet you po.  Sayang po ay hindi niyo makikita ang magandang mukha ng girlfriend ng anak niyo." Tila baliw din na pagka usap ko sa puntod.

Napangiti si Dravin sa sinabi ko sa Mommy niya. Alam kong miss na miss niya na ang mommy niya, ang hirap naman kaseng tanggapin na wala na siyang Mommy, nalulungkot din ako para sa kanya.

Sinandal nito ang ulo niya sa balikat ko.  Sa palagay ko ay naging mannerism niya na ang pagsandal sa balikat ko tss.

"Girlfriend na kita?" He asked. I feel his breath near in my earlobes, it gives me goosebumps down to my spine.

Tahimik lamang ako at hindi siya pinansin. Dahil alam kong sa sarili kong sinasagot ko na siya, ayaw ko lamang konpirmahin.

"Mom.. I miss you.." He whispered, malungkot ang boses nito. "I want to see you again."dugtong nito.

Hinawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko ang bahagyang pag lingon niya.

I smiled to him. "Nandito naman ako eh,  hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya.  Seryoso niya akong tinignan wari'y iniisip kung totoo ba ang aking sinasabi.

Naramdaman ko ang pagpulot ng mga braso niya sa aking beywang, mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya.

"Cellie..." He whispered.

"Hmm...?"

"Sana ay hindi mo rin ako iwan. Hindi ko alam ang gagawin ko pag iniwan mo ako." malungkot na sabi nito,  para bang naiisip niya ay iiwan ko siya. Hindi ko din ata kaya.

"Hindi kita iiwan."

Nanatili kami sa ganong posisyon.  Nang magdidilim na ay naisipan na naming umuwi, inihatid niya na ako sa bahay.  Masaya ang naging araw ko ngayon kaya hindi kaduda duda na nakangiti akong nakatulog.

***********************

Nagising ako dahil sa ingay mula sa baba,  boses iyon ni Mama at Tita Camille. Inis akong bumaba. Mabuti na lamang at walang pasok ngayon.  Nang makababa ay naabutan ko si Mama at Tita na nagtatawanan tila ay nanalo sa lotto sa sobrang saya.

Hindi nila pansin ang presensya ko dahil busy pa rin sila sa kanilang pag uusap.

"Mabuti naman kung ganon siguradong matutuwa si Cellie sa magiging balita mo." Napakunot ang noo ko sa tinuran ni Tita.  Anong balita?

"Mabuti na nga lang Camille ay na aprubahan ang request ko na loan,  para pambawi sa nalugi na negosyo sa Maynila.  Sigurado ako matutuwa si Cellie dahil babalik na kami."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. What the hell?  Is it good or bad?  Mabilis kong tinungo ang aking kwarto. Umupo ako sa kama.  Hindi ba dapat ay masaya ako?  Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Ito na,  ito na ang matagal kong hinihiling na makabalik na sa maynila. Pero bakit parang ayoko at pakiramdam ko ay nandito na ang buhay ko?  For Pete's sake!  Two months pa lang ako dito...

Nagulantang ako ng mag ring ang Phone ko. Nalungkot ako ng makita ang pangalan ni Dravin.

Siya... Siya ang dahilan kung bakit nagustuhan ko na dito.  Siya ang dahilan kung bakit ako malungkot dahil ayoko siyang iwan, dahil mahirap mang aminin,  mahal ko na siya.

Muli itong tumunog, kaya napagpasyahan ko na itong sagutin.

"H-hello.." garalgal ang boses ko ng sagutin ko ito.

"Hey are you ok?" ramdam ko pag aalala sa boses niya.

"Oo naman no!  Kagigising ko lang kase.  Napatawag ka?" Pilit kong pina sigla ang boses ko.

"Punta ako sa inyo,  nabo boring ako dito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"No!" agad kong sagot.  Dapat ay hindi niya malaman na aalis na kami.  Kailangan kong itago ito sa kanya.

"Why not?" He asked. Confusion is visible in his voice.

"Ahm.. Ano..  Ako na lang ang pupunta diyan,  makikigamit ako ng internet." Palusot ko.

"Talaga?" masayang turan niya. Tss..  Ang babaw ng kaligayahan niya,  mas lalo ko siyang mami miss eh.

"Oo after lunch ok."

"Yes!  Sige tatawag ako mamaya ah,  eat your breakfast now,  damihan mo ng tumaba ka naman." Alam kong nakangisi siya ngayon.  Iningusan ko lamang siya kahit alam kong hindi niya nakikita iyon.

"Sige na sige na,  bye na." taboy ko habang nakangiti.  Damn!

"Bye Girlfriend!  You hang up first."

Natawa ako sa sinabi niya,  bago binaba ang tawag.  And yes,  Dravin Asher Montero is now my boyfriend. Officially.

**********************

To be continued-

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now