Chapter 7

1.2K 72 5
                                    

Chapter 7

"Wow!  Sigurado kang dito ka nakatira o naninilbihan ka lang dito?" Nagdududang tanong ko kay Dravin.  Naningkit ang mata ko ng salubungin siya ng isang kasambahay.

"Si Daddy?" tanong nito sa kasambahay.

"Nasa rancho ho ser." Bumaling ito sa akin.  Nagtataka siguro kung sino ako.

"Manang si Celestine classmate ko. Gagawa ho kami ng project kaya siya nandito."

Project?

"Magandang tanghali po." bati ko sa kasambahay. Tumango ito sa akin.

"Manang paki tawag na lang po kami sa kwarto ko pag tanghalian na." Sabi nito sa kasambahay bago ako hinila paakyat.

"Hoy Dravin!  Wala akong sinabi na dito ako kakain." naka ngusong sabi ko.

Pumasok kami sa kanyang kwarto na tatlong beses ang laki nito sa kwarto ko. Wow!  Hindi ko alam na mayaman sila. Akala ko isa siya sa mga taga bukid dito.

"Hindi rin naman papayag si Daddy na hindi nakakain ang bisita sabi nito. Umupo ako sa sofa nilabas ko ang notebook ko para makapag simula na kami agad. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.  Napaka ganda talaga parang nasa maynila ako.

Paglingon ko kay Dravin naabutan ko siyang nagpapalit ng sando kaya hindi sinasadyang nakita ko ang katawan niyang sobrang ganda?! 

Susme! Nagwo work out ba siya, Ilang taon na ba siya at may hubog na ang katawan niya,  papasa na siyang modelo sa maynila.  Siguradong pagkakaguluhan siya doon,  gwapo din naman kase ang mokong.

Napaiwas ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa katawan niya,  napangisi si gago.  Tss...

"Dito ang desktop isearch mo muna ito. " inabot niya sa akin ang papel, binasa ko ito at depinisyon lang naman ang hahanapin so si Google na ang bahala.

Nagsimula na akong magtipa sa keyboard para gawin ang pinapagawa niya, habang si Dravin nakaupo lang sa tabi ko.

Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa likod ng upuan ko, ang isa naman ay nasa hita niya. Nakatingin din siya sa monitor. Sinulyapan ko ang braso niyang may muscle,  matigas kaya ito pag hinawakan ko? Pinilig ko dahil nagiging manyak ako.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya bumaling siya sa akin,  agad kong binalik ang tingin ko sa monitor. Whooo baka isipin niya pinagnanasaan ko siya.

Napangiti ako ng matapos ko na. Wala na sa tabi ko si Dravin dahil naka tanggap ito ng tawag. Dahil wala pa naman si Dravin nag open ako ng account ko,  at buti na lamang Online si Julia,  isa sa mga kaibigan ko sa maynila.  Agad ko siyang tinawagan na sinagot naman nito agad.

"Bessy kamusta diyan? I miss you!" nakangusong sabi nito.

"I miss you too Juls,  miss ko na diyan."

"Nasaan ka?  Sabi mo nung isang araw mahirap humanap ng signal sa bundok." natatawang sabi nito. Inirapan ko siya dahil nang aasar lamang ito.

"Nasa bahay ako ng kaklase ko gagawa lang ng project."

"So ano?  Wala bang Gwapo diyan?" kinikilig na sabi nito.  Kumunot ang noo ko at agad na umiling.

"Wala,  puro mga taga bukid. " Sabi ko at tumango tango kahit ang totoo meron naman talaga.  Baka kase pag sinabi ko bigla na lamang itong mag freak out.

Wala akong narinig na tugon mula kay Juls nakatingin laman ito sa likod ko. Paglingon ko nakapamulsang Dravin ang naabutan ko sinalubog nito ang tingin ko.

"Pasensiya na,  nakigamit lang ako." nag iwas ako ng tingin.  Augh!  I feel guilty,  di man lang ako nagpaalam.

"Hi!" napalingon ako kay Julia. "I'm Julia,  Celestine's friend,  you must be her classmate she's talking about."

"Damon." maikli lamang na sagot nito. Bumaling si Dravin sa akin.  "Baba kana pag tapos mo diyan, nandiyan na si Daddy." sabi nito at umalis na.

"Goshhhh!! Celestina!!  Sabi mo walang gwapo diyan! Goshh He's so Hot!!" Naghi hysterical na sabi nito.  Told you guys magpi freak out ito.

"A-ah di naman kase siya gwapo sa paningin ko."sabi ko sa kanya. "Kahit na!" nagtatampo nitong sabi.

"Sige na Juls maya na tayo usap hinihintay na ko don. Bye na! "

"Sige Bye!  Magku kwento ka ah."

"oo na" Huling sabi ko at pinatay na ang PC. Bumaba na ako at pumunta sa dining area.  Matinis na tawa ang sumalubong sa akin. Tumatawa ang Daddy ni Dravin. Halatang gwapo din ito nung kabataan nito, hawig sila ni Dravin.

"Magandang tanghali po." Bati ko sa Daddy niya, ewan ko kung bakit ako kinakabahan.

"Daddy siya po ang sinasabi ko si Celestine." pakilala ni Dravin sa akin.

"Ah si Fut---"

"Dad!" Putol ni Dravin sa Daddy niya.  Tumawa ito ng malakas.

"Binata na talaga ang unico hijo ko,  oh siya Hija maupo kana." alok nito.  Hindi ko sila maintindin,  feeling ko pinag uusapan nila ako.

"Salamat po."

Tahimik na kaming kumain. Nahihirapan akong lumunok dahil naiilang ako sa tingin ng Daddy niya.

"Dad!  Don't stare at her,  hindi siya komportble. " Saway ni Dravin sa Ama.

"Sorry Hija. Iniisip ko lang kung ano ang magiging itsura ng apo ko Hahahahaha!" kumunot ang noo ko hindi makuha ang biro niya. "Sige Hija kumain ka lang." Alok pa nito,  ngumiti ako nang alanganin at nagpasalamat.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now