Chapter 10 Part 1

1.1K 70 6
                                    

Chapter 10

"Yung kamay mo Dravin!" saway ko ng maramdaman ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya.
Kahit madilim inirapan ko lang siya.

Nasa sinehan kami ngayon, nagyaya kase siyang manuod ng sine dahil showing daw ang paborito niya palabas.

Kanina kase pag suntok ko sa kanyang tiyan humabol pa rin sa akin si Dravin at bigla na lang akong hinila dito sa maliit na mall dito sa bayan. Nagtatalo pa kami nung una dahil ayaw ko pero napilit niya pa din ako.

Kanina ko pa nararamdam ang paglagay niya ng kamay niya sa likod ng inuupuan ko hanggang sa maramdaman ko ang braso niya sa balikat ko. Ilang beses ko na siyang sinaway pero inuulit niya pa rin.  Hindi naman ako makasigaw dahil baka maka istorbo ako sa ibang nanonood.

Nang muli kong maramdaman ang braso niya sa balikat ko sinamaan ko siya ng tingin.  Tsansing eh!  Kinalaunan hinayaan ko na din,  bubugbugin ko na lang siya mamaya pag labas.

"Celestine!" mahinang bulong nito.  Kinalibutan ako sa husky voice niya.  Binulong niya kase ito sa mismong tainga ko,ramdam ko ang kanyang mainit na hininga .  Pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Bakit?" tanong ko, pilit kinakalimutan ang naramdaman kanina.

Nakatingin pa rin ako sa screen pilit kong nilalagay ang atensyon doon,  pero bwisit lang nasa lalaking nakalingkis sa akin ang buong atensyon ko.

Umling ito at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya.

"Ano ba Dravin!" mahinang saway ko.

"Gusto ko talaga pag tinatawag mo akong Dravin." He said in baritone voice.

Natigilan ako at agad na lumingon sa kanya. Wrong move!  Dahil naka patong sa balikat ko ang ulo niya,  aksidente ko nahalikan ang noo niya. Natigilan siya pero bigla ding ngumisi.

"O-oy!  I didn't mean it.  Alisin mo nga yang ulo mo!" Kunyare ay inis ako pero gusto lang takpan ang pagkakapahiya ko. Buti na lamang at madilim dito dahil sigurado akong namumula na ako sa hiya.

"Isa pa." bulong niya mismo sa tainga ko,  ayan na naman ang parehong pakiramdam kanina lamang.

"Sabi ng hindi ko sinasadya eh!  Napaka manyak mo din pala eh!" inirapan ko siya. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.  Arggghh nakakainis ang lalaking to.

"Sorry... " Seryoso niyang sabi.

Napalingon ako sa kanya dahil sobrang seryoso ng boses niya.
Hindi agad ako nakasagot nakatitig lamang ako sa gwapo niyang mukha.

"Sorry dahil hindi kita pinansin kahapon. May problema lang ako." Sabi nito.

Matagal pa bago ako nakasagot. "Ayos lang,  mas mabuti nga yon, walang panggulo." Nag iwas ako ng tingin. Dahil ang totoo niyan naiinis ako kahapon dahil hindi niya ako pinapansin.

"Na miss mo ko?" tanong niya. Ayan naman ang tono sa boses niyang mapang asar. Inirapan ko lang siya.

"Hindi!" mabilis kong sagot.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.  I stiffen. Hindi agad ako nakapag react, nagugulat sa inaasal niya.

"A-ano ba Dravin!" Saway ko sa kanya dahil bahagya ng lumilingon ang mga tao sa loob ng sinehan.

"I miss you." Seryosong sabi nito na lalong nagpabaliw sa sistema ko.

But I find myself smiling. 'Ano ba Cellie! Back to your senses!' Piping usal ko sa sarili.

Lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin at aaminin kong nalungkot ako doon. Nababaliw na nga siguro ako.

"Cellie? Hmmm?!" Naramdaman ko paghalik niya sa buhok ko.

"A-ano?! Dravin umayos ka!" Mahinang saway ko sa kanya.

"Can I court you?"

Jusko!  Babaliwin talaga ako ng lalaking to.

**********************

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now