Chapter 3

1.5K 84 9
                                    

Chapter 3

Matapos ang huling pangyayari na yun,  hindi na ako muli bumalik sa tambayan na yan,  mahirap na at baka nandun na naman yun.  Ayoko nang magkrus na naman ang landas namin dahil umiinit ang ulo ko.

"Hija,  sukatin mo itong uniform mo,  ngayon ko lang kase nakuha sa pinagtahian ko. " inabot sa akin ni Tita Camille ang Uniporme na kulay dark blue na palda na sa tingin ko ay above the knee ang haba at long sleeves na blouse na may necktie.

"Salamat po sa pag asikaso Tita." Pagpapasalamat ko kay Tita.

"Ayos lang.  Nasaan ang Mama mo? " tanong nito, habang lumilinga linga sa paligid.

"Nag Maynila po, inaasikaso yung mga negosyong naiwan Tita. " Sabi ko. 

Nagpumilit pa akong sumama kanina kay Mama,  pero hindi rin ako napayagan, dahil baka daw hindi niya na ako maibalik dito.

"Sige Hija mauuna na ako. " Paalam ni Tita. Hinatid ko siya hanggang labas,  nang makasakay sa kanilang sasakyan,  pumasok na din ako sa loob.

*********************** :)

Maaga ako nagising ngayon dahil maghahanda na akong pumasok sa school.  Ito ang unang araw ko, kaya kailangan hindi ako ma late.

Nang maisuot ko ang aking uniporme napangiti ako ng bumagay ito sa akin. Mas umikli nga lang palda nito kesa sa inaasahan ko,  pero ayos lang parehas lang naman sa maynila.

Bumaba na ako para mag agahan.  Naabutan ko si Daddy na umiinom ng kape habang nagbabasa ng diaryo,  si Mama naghahanda sa mesa.  Wala pa si Cielo, tulog pa siguro.

"Ma,  sino po maghahatid sa akin? " tanong ko.

"Dadaan dito ang Driver nila Camille,  sumabay kana doon dahil ihahatid din naman si Cedric. " Sabi ni Mama.

"Sino po susundo sakin mamaya? " tanong ko dahil iba naman ang schedule ng out ni Cedric sa akin.

"Mag Commute ka na lang.  Marami namang tricycle doon. " tumango ako sa sinabi ni Mama.

Matapos ang agahan sakto naman ang pagbusina sa labas,  nagpaalam na ako kay Daddy at Mama. Agad akong sumakay sa sasakyan nila.

"Good Morning Cedric. " Bati ko sa Pinsan ko,  na tango lamang ang sagot.  Pag hindi siya ngumiti iisipin ko na talaga na may sama ng loob sakin to.

Nang makarating nagpaalam at nagpasalamat na din ako sa kanila bago bumaba. Pagpasok ko pa lang marami na naman ang nagbubulungan. Bibihira lang ata sila makakita ng bagong mukha dito. Hindi ko na lang sila pinansin. Dumaan muna ako ng registrar para kunin ang transfer slip ko,  para ipakita ko sa mga magiging prof ko. Kinuha ko na din ang schedule ko.

Hinanap ko room 212 CBA Building. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko ito agad.  Pumasok ako sa loob,  natigilan lahat ng mga estudyanteng nandoon.

"Hi. Ikaw pala yung transferee'ng galing sa maynila na sinasabi nila." Sabi ng babaeng nakasalamin.

Hindi ko inaasahan na, maraming nakakaalam na taga maynila, na may transferee.

"By the way ako nga pala si Isobel Entrata ang Class President. " Pakilala nito. Tumango at nagpakilala din.

"Celestine. " maikli kong sagot, nag shake hand kami. Tinuro niya din sa akin kung saan may bakanteng upuan. Umupo ako sa bandang gitna sa gilid ng bintana.

Nilagay ko na lang ang headset ko para makinig ng music,  wala namang kakausap sa akin dito.
Dumadami na din ang mga estudyanteng dumadating.  Magta time na din kase.  Nang dumating ang Prof namin tinanggal ko na ang headset ko.  Inilibot nito ang kanyang paningin hanggag sa huminto sa akin.

"Are you in my class? " tanong nito.  Di ba obvious?

"Yes po. " magalang na sagot ko.

"Late Comers?  Where's you transfer slip? "tumayo ako at binigay sa kanya ang transfer slip. Tumango ito at lumabas muna.

Babalik na sana ako sa aking upuan ng magtama ang paningin namin. 'siya na naman? ' di ko na lang siya pinansin, kahit sa likod ko lamang siya naka upo. Kung minamalas nga naman naging classmate ko pa?  Tss.

Pinilit kong hindi lumingon hanggang sa makarating si Ma'am at sinabing naverify na ako as class student niya.

Napairap ako ng i request ng mga kaklase ko na mag introduce ko ang sarili ko.  Napipilitang tumayo ako sa gitna at tinignan silang lahat iniiwasang makasalubong ang seryoso niyang pagtitig.

"My Name is Celestine Chavez, hope we can be friends. " Sabi ko at umupo na,  iniiwasan ang mga tingin niya.

Teka?  Bat ba ko umiiwas?  Siya nga tong may kasalanan eh.

Nagsimula ng magturo si Ma'am at sa totoo lang wala akong maintindihan, late na din ako sa mga topics nila. 

Maya't maya naramdaman kong parang may ginuguhit na pabilog sa likod ko.  Lumingon ako at nakita ko ang nakangisi nitong mukha. Linayo ko ang chair ko at inirapan siya.

"Thats all for today,  dismissed! " Sabi ng prof agad akong nagligpit ng gamit nang bigla akong tinawag ni Ma'am.

"Miss Chavez and Mr.  Montero please come to my office after lunch." Sabi nito bago niliban ang silid.

Napa awang ang bibig ko sa sinabi ni Ma'am.  May nagawa ba ko?  Nakita niya ba ang pang iirap ko?  At sino naman ang Montero na yun?

"Celestine!  Sino kasabay mong mag lunch? " tanong ni Isobel nang makalapit ito sa akin. "Kung wala,  sabay kana sa amin. " anyaya nito.

"Ok!  Salamat. " Pagpayag ko.  Ayos lang naman sa akin,  mas mabuti na din na may kasama na ako para di naman ako mag mukhang loner.

"Tara! " Masiglang yaya niya,  kasama ang tatlo pang babae na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Sobel! " Napahinto kami ng tinawag si Isobel.  Kumunot ang noo ko ng si Demonyo pala ang tumawag.

"Oh?  Damon, bakit? " Nakangiting tanong ni Isobel.  Damon?  Hahaha Parang Demon lang, bagay sa pagiging demonyo at bastos niya.

"Sasabay sana ako mag lunch kung ayos lang. " Sabi ni Damon.

Dahil sa sinabi niyang yun parang ayaw ko na tuloy mag lunch.

"Sure!  Sure! Tara! " Galak na sabi ni Isobel.

Ganun?  Ang bilis naman niyang pumayag akala ko maghe hesitate pa siya pero nagkamali ako.

Tinignan ko ang mokong,  pero mas lalo lang akong nainis ng kindatan niya ko.

To be continued ---

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon