Chapter 5 Part 2

1.1K 76 8
                                    

Chapter 5 Part 2

Pagdating namin sa library naabutan namin si Dravin na nagbabasa ng Libro.  Natigilan ako sa paglalakad kaya napatigil din si Arvey.

Nang mapansin din kami nI Dravin,  umayos ito ng upo at tumikhim. Lumapit kami sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? " Naguguluhang tanong ko,  dahil sa pagkaka alam ko ayaw niya na akong turuan.

"Tss.  Nahuli lang ako humanap ka na agad ng iba.? " Inis na sabi ni Dravin na akala mo ay girlfriend niya ako at parang pinagpalit ko siya.

"Akala ko ba ayaw mo na akong turuan? " Nakataas na kilay na tanong ko.

"Ikaw ang may ayaw na turuan kita."

Tama nga siya,  ako nga pala ang may kasalanan.

"Damon ako na ang magtuturo sa kanya, pumunta ka daw sa faculty at kausapin si Ma'am. " Sabat ni Arvey. Napatingin si Dravin kay Arvey.

"Walang ibang magtuturo sa kanya kung di ako lamang.  So dude back off. " maangas na sabi ni Dravin habang masamang nakatingin kay Arvey.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now