Chapter 8

1.1K 70 6
                                    

Chapter 8

Feeling ko hindi ako natunawan sa lunch kanina with his Daddy.  Aba!sino ba naman makakain ng maayos habang pinapanood nito, tas biglang tatawa.  May pinagmanahan pala si Dravin,  tsk tsk...

"Tapos mo na ba ang pinapagawa ko?"  tanong ni Dravin habang inaayos ang table para sa pagtuturo niya sakin.

"Ang weird ng Daddy mo." wala sa sariling sagot ko.

"Don't mind him. Ganon lang talaga yung ngayon lang ako nagdadala ng babae dito."

Napaawang bibig ko.  So ako nauna?  Napangiti ako. Hahaha, ang swerte ko kung ganon,  maraming maiinggit na fans niya. Agad akong napailing ng ma realized ang iniisip ko.

"Hindi tuloy ako nabusog, dahil naiilang ako sa Daddy mo." Sagot at lumapit na sa kanya.  Natigilan ito at napatingin sa akin.  "Why?" Nakatitig lang kase ito. Mamaya lamang tumayo ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko, dahil palabas na ito.

"Kukuha ng pagkain,  ayoko na nagugutom ka." sagot nito bago tumalikod. 

"What the! "

**************************** **

Masama kong tinignan si Dravin habang kumakain ako dito sa kwarto niya,  hindi daw ako makaka uwi hanggang hindi ko inuubos lahat ng dala niyang pagkain na pang tatluhan ata.  My Ghadd!!  Papatabahin ata ako ng mokong.  Tsss...

"Stop Glaring." matigas na ingles na sabi nito.  But I still Glare at him.

"If you're done,  I'll bring you home." He said while readibg his note. Kanina pa kami tapos sa tutoring session namin. Nakakapagtaka lang,  matalino pala siya di lang halata Haha.  Napangiti ako sa naisip.

"Care to share your thoughts? Why are you smiling?" kunot noong tanong niya.

Aba! Pansin ko lang kanina pa siya english ng english ahh..

"Pake mo ba?  Naisip ko lang yung crush ko."Pagsisinungaling ko. Napahinto siya sa pagsusulat at mataman akong tinignan. "What!" Singhal ko.

"Crush!? Sinong Crush mo?" tanong niya at tuluyan ng huminto sa ginagawa.  Nasa akin na ngayon ang buo niyang atensyon.

"Pake mo ba? Mas gwapo sayo yun." Sabi ko.  Nakita ko siyang ngumisi. Saka ko lang na realized ang sinabi ko.  Parang sinabi ko na din na gwapo siya.  Aisssshhh!!

"Hoy Dravin!  Wag kang Assuming  wala akong sinabing gwapo ka!" Defensive na sabi ko,  aba mahirap na baka mag assume siya.

"I didn't say anything." parang wala lang na sagot niya. "I like it." dugtong niya pa.

"Like what?" inis kunwaring singhal ko.

"When you call me Dravin." Mahinang sabi niya na sa kasamaang palad hindi ko narinig.

"Ano?!"

"Nah!  Sabihin mo muna kung sino ang crush mo." Sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin,  nang aasar na naman ito eh.

*********************************

"Bakit ka nga pala nabigyan ng Penalty?" Tanong ko.

Nasa kotse niya kami ngayon ihahatid niya ko pauwe. Sobrang yaman talaga ng mokong may kotse pa siyang sarili.  Nakakapagtaka lang bakit hindi niya ito ginagamit sa school.
Tinignan niya ako bago sumagot.

"Hmm..  Cutting classes?  Thrice?  I don't know." Kibit balikat niyang sabi.

"Bakit?"

"Whoooo,  hindi ko alam na interesado ka pala sakin Miss Chavez." Natatawa niyang sabi.

Kinuha ko ang box ng tissue at binato sa kanya.

"Aww!  What the fuck!" Singhal nito.

"Serves you right Jerk! Nagtatanong ng maayos eh! " Inirapan ko siya.

"Chill okay.  I feel bored that's  why I always cut class.  Sobrang dadali kase ng lesson. Walang thrill." nakangising sagot nito.

"Tsk.  Yabang. "

Natawa naman siya sa sinabi ko. Nang marating na ang bahay namin,  agad akong bumaba. Bumaba din si Dravin sa kotse.

"Salamat sa pagtuturo at paghatid sakin." Pasalamat ko. 

Kahit naman kase nagsusungit ako sa kanya marunong naman akong magpasalamat.

"Walang anuman,  pasok kana bago ako umalis." Tumango ako bilang tugon at tumalikod na at pumasok na sa loob ng bahay. Narinig ko naman ang pagtunog ng kotse niya paalis.

*********************************

To be continued :)

Please Vote and Comment :)

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now