Chapter 14 Part 2

1K 54 4
                                    

Chapter 14 Part 2

"Can you be my girlfriend?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya.  Hindi mahanap ang tamang salita para rito. Halo halo ang aking nararamdaman pero mas nanaig ang pagkagulat sa diretsang tanong niya. Ito na naman ang estrangherong pakiramdam na hindi ko mawari. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, mabilis ang pagtahip ng aking dibdib.

Nilipad ang buhok ko ng malakas na hangin.  Napakurap kurap ako.

"Dravin..." Sa wakas ay bigkas ko.

Sa puntong ito ang pangalan niya lamang ang lumabas sa bibig ko.

Lumandas sa mga mata nito ang lungkot na segundo lamang ng mawala din ito.

"Let's go home. Dimidilim na,  baka hinahanap kana ng parents mo." Tumayo ito at pinagpag ang suot na pants. He extend his hands to me, I grabbed it and stand. Pinagpag ko din ang Pang upo ko.

"Dravin..." tawag kong muli sa kanya.

"Hmmm...?"

"Ahmmm... " Walang salita ang lumabas sa mga bibig ko. Hindi alam ang sasabihin.

Argghh Cellie back to your senses!

I heard him chuckled.

"Don't worry Cellie.  I can wait." Nakangiting sabi nito. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata.



Nakatayo kaming dalawa sa harap ng gate ng bahay namin.  Parehong tahimik. 

"Ahm gusto mo ba munang pumasok." Alok ko at itinuro pa ang bahay. Nag iwas ako ng tingin ng nakatitig lamang siya sakin.

"Hindi na,  salamat. Sige na pasok kana." sagot nito.

Tumango ako sa kanya.  "Ingat ka." nakangiting sabi ko. Mula sa kinatatayuan ko,  nahihirapan akong tumalikod. Muli akong lumingon sa kanya.  Seryoso pa rin ang mga matang nitong nakatingin sa akin.

"Pasok  na ko." muli kong sabi at binuksan na gate.

Nagulat ako ng maramdaman ang kanyang kamay sa aking braso.  Agad akong napalingon sa kanya.

"B-Bakit?" Nauutal na tanong ko.  Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay ngumiti.  Ngiting totoo at napaka natural,  napasarap titigan.  Maya maya lamang naramdaman ko na lamang ang kanyang labi sa aking noo.  Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.  Halos makalimutan kong nasa harap kami ng bahay at baka mahuli kami nila Mama.

Nang matapos iyon,  ramdam ko ang pag init ng aking pisngi.  Buti na lamang ay gabi.  Hindi ko talaga inaasahan ang ginawa niya.  Ang puso ko naman ay walang tigil sa pagtibok. 

"Dravin..." mahinang usal ko.

"Good Night Cellie." Nakangiti nitong pahayag.

"G-good night!" At tuluyan na akong pumasok sa loob at nagmamadaling isinarado ang gate.

Napasandal ako sa aming gate, nasapo ko ang aking dibdib dahil sa bilis ng pintig nito.  What the hell is that?! He..  He kissed me twice!  Twice?

Isa lamang ang alam ko and  confirmed I Like him too! Damn! 

***********************

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now