Chapter 19

1.1K 36 2
                                    

Chapter 19

"Pwede bang mag overnight muna ako?  Please Juls."

Kapapasok lang namin sa condo niya.  Hindi pa rin maalis sa sistema ko ang nga nakita ko.  Bakit magkasama sila ni Cassie?  Sila na ba?  Iniisip ko pa lang kung sila na talaga ay sobrang nasasaktan na ako. Ano kaya ang mga nangyari sa kanya ng umalis ako?  Kamusta na kaya siya? Mga katanungang hindi ko alam kung masasagot pa.

"Sure,  wait tawagan muna natin si Tita.  Ipagpapaalam kita." Nilabas nito ang cellphone.  Tumango ako sa kanya.

"Hello,  Tita!  Kamusta po.....Buti naman po... Hehe,  pwede po bang mag overnight muna si Cellie sa Condo ko?... Yes Tita...  Opo kami lang po...  You know po Girls bonding....  Sige salamat po, Bye Tita! " Lumingon ito sa akin. "Ok na. Basta daw wala daw lalaki. Ok ka lang ba namumutla ka." Concerned na tanong niya.

"Y-yes. Ahm Juls Thanks huh."

"Ano ka ba, para saan pa at naging magkaibigan tayo di ba? Basta tandaan mo lagi mong sundin yang puso mo, ayoko kong nakikita kang nasasaktan friend." Napayakap ako kay Julia,  oww I really love this girl.

"Salamat.. Salamat.. "

************************************

Kinaumagahan ay lumabas ako ng condo ni Julia para bumili toothbrush sa convenience store, dahil sa biglaang pag overnight ko ay hindi na ako nakapagdala pa ng iba pang gamit. Pero mukhang pinagsisihan ko na ang pag baba dahil nakita ko si Dravin na nakaupo sa reception area. Ganun pa din ang suot nitong damit, at bakas sa mukha nito ang pagod at puyat pero sa kabila nun ay ang natural nitong kagwapuhan na talaga namang nakakakuha na ng atensyon ng mga kababaihang nandito sa reception area.

Agad itong napatayo ng makita ako.  Binilisan ko ang paglakad para hindi niya ako maabutan pero naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso.

"Cellie,  can we talk." bakas din sa boses nito ang pagsusumamo. 

Nang marinig ko boses niya ay bigla na lamang nangilid ang aking luha.  God knows how I miss this man. Sa totoo lang ay nang una ko siyang makita dito gusto ko na siyang yakapin pero hindi pwede, hindi pwede dahil unang una ako nanakit sa kanya, alam kong mali ang hindi ko sabihin sa kanya ang pag alis ko,  pero hindi ko kayang makita siyang masaktan, kaya mas pinili kong unalis na lamang nang hindi niya alam.

"W-wala na tayong dapat pag usapan." Hindi ko maiwasan na gumaralgal ang boses ko. Please Dravin leave me now please dahil konting pilit mo pa ay baka bigla na lang kitang yakapin.

"Please..." Dahan dahan ko siyang nilingon. Nangingilid din ang mga luha nito.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Dahan dahan akong tumango, nakita ko ang pagguhit ng saya sa kanyang mga mata. 

Nandito kami sa Garden ng Building ng condo unit ni Julia.  Tahimik lamang ako at hindi alam kung saan magsisi simula.

"I'm sorry..." panimula ko.

"Why?" Ilang sandali ay agad na tanong niya.  "Bakit hindi mo sinabing aalis ka?" Mataman niya ako tinitignan wari'y Tinatansya kung magsasabi ba ako ng totoo.

"Because I need to..." mahinang sambit ko,  hindi ko masuklian ang pagtingin niya kaya mas minabuti kong umiwas ng tingin.

Nasulyapan ko ang bahagya niyang pagtango.

"Pero bakit?... Bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangan biglaan?" namuo ang luha sa mga mata nito.  Nagsimula ng magbagsakan ang aking mga luha.

"I'm sorry Dravin, Hindi ko kayang makita kang nasasaktan kaya mas pinili kong wag na lamang sabihin."

Umiling ito. "Pero mas lalo mo akong nasaktan Cellie..." May diin ang bawat salita nito. "Dahil halos mabaliw ako kung bakit mo ko iniwan!  Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali para biglang iwan mo na lang pero wala akong maisip, kaya inisip ko na baka... Baka h-hindi mo ako mahal."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.  "No!  Of course I love you, hindi ko lang sinabi sayo dahil alam kong iiwan din kita, na baka mas lalo kitang masaktan." Nakita ko ang bahagyang pagkislap ng mga mata nito.

"Y-you love me?" sarkastiko ang naging pagtawa nito. "Mahal mo ko, pero nakayanan mo akong iwan! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Cellie ng mawala ka,  hindi mo alam kung gaano ako naging ka miserable ng hindi ka makita sa loob ng dalawang buwan!  If you really love me, hindi ka magdi disisyon ng ganun kung alam mong masasaktan mo ko."

"Patawad... patawad kung nasaktan kita,  ayoko lang na makita kang masaktan pag sinabi ko dahil baka pagsinabi ko ay baka maglayas na lamang ako sa bahay at sumama sayo, I'm sorry Dravin..." pinunasan ko ang bagong luha na tumulo sa aking mata. "And beside mukha namang naka move on kana,  nandiyan naman si Cassie." Hindi ko maiwasang mag tunog bitter ang boses ko.

"Cassie?" Kumunot ang noo nito. "Move on?  I don't think so.. If I still remember I still have a girlfriend who leaves me in the province." Nakatingin na ito sa akin.

"Dravin..." Pangalan na lamang niya ang naiusal ko.

"We don't have a proper break up Cellie. Now I'm asking you do you want to break my heart and be free?" Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil alam kong sa sarili ko na mahal na mahal ko ang lalaking ito at hindi ko na kayang pakawalan siya. "If yes, I'm sorry Cellie, but I don't."

Nagulat ako sa bigla nitong paglapit at ikinulong ako sa kanyang mga braso. Hindi ko masuklian ang pagyakap niya dahil sa pagkagulat.

"I miss you Cellie. Please wag mo na kong iiwan, dahil hindi ko na alam ang gagawin pag iniwan mo pa ako." Napangiti ako sa mga sinasabi niya. I hugged him back.

"I miss you and I love you Dravin." Lumuwag ang pagkakayakap nito at tumingin sa akin na may malaking ngiti sa labi.

And before I can react I felt his lips touches mine.

TO BE CONTINUED

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant