Chapter 5 Part 1

1.2K 77 9
                                    

Chapter 5 Part 1

Pagulong gulong ako sa kama ko, alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nako konsensya kase ako sa lahat ng sinabi ko kay Dravin.

Alam ko naman na naging masyado akong naging mababaw. Hindi ko din kase alam kung bakit masyado akong naiinis sa presence niya kahit wala pa naman siyang ginagawa.
Aissshhh!! Ang babaw ko talaga! Inis lang talaga ako sa probinsya kaya nadadamay na ang mga nasa paligid ko.

Hindi ko na namalayan nakatulugan ko na ang pag iisip. Kinabukasan maaga akong pumasok. Naaabutan ko siya nakikipag tawanan sa mga ka klase naming lalaki.

Nagmag tagpo ang aming tingin bigla itong sumeryoso at nagpaalam sa mga kaibigan niya. Nilagpasan niya ako na parang wala lang. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi man lang ako maka tyempo para humingi ng sorry.

Umupo na ako sa aking upuan.

"Cellie, ipapahiram ko sayo ang notes ko para makahabol ka sa lesson natin ngayon. " Nakangiting sabi ni Isobel at inabot sa akin ang Binder niya.

Napangiti ako sa pag presenta niya.

"Thank you Isobel. Malaking tulong sa akin nito. "

"Later huh, sabay ka ulit sa amin mag lunch. Oh! Hi! Damon. Kanina ka pa? " Napalingon ako sa kararating lamang na si Damon.

"Yeah." Sagot nito at umupo na sa upuan nito.

"Ay? Anyare sa kanya? " Nagtatakang tanong niya. Nagkibit balikat ako at nagkunyaring walang alam.

Hindi ko alam kung tuloy pa ba ang pagtuturo niya sakin mamaya. Ah basta pupunta na lang ako sa Library, bahala na siya sa buhay niya kung darating siya o hindi.

Dumating si Ma'am at nagsimula na magturo. Kahit anong gawin o pilit kong intindihin ang mga tinuturo niya hindi ko maintindihan. Tama nga si Ma'am kailangan ko ng magtuturo sa akin.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wag lilingon. Pero taliwas ang ginawa ng katawan ko sa iniisip ko. Nilingon ko siya at naabutan ko siya nakatingin sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya nag iwas ito ng tingin at bumalik sa pakikinig. Napangiti ako sa nakita.

*****************

Nasa library ako ngayon habang binabasa ang pinahiram na note ni Isobel. Wala pa rin Dravin, hindi ko alam kung dadating ba siya o hindi.

Ayos lang sa akin kung hindi na, may kasalanan pa ako sa kanya. At kung dadating din siya makakahingi din ako ng sorry.

Siguro simula ngayon iiwasan ko na ang mag sungit. Kahit namang ipakita ko araw araw na ayoko sa probinsya wala pa din akong magagawa.

Maghahanap na lang ako ng dahilan para gustuhin ko dito. Dahil pag ang gusto ko ay nandito, maaaring hindi ko na nanaising umalis dito.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa, 15 minutes na siyang late. Mukhang hindi na siya dadating. I don't care! Makakapag aral naman ako mag isa tss.. Mababaw din siya! Aisshh kainis!

Nang tatlumpong minuto na siyang late naisipan ko ng puntahan si Ma'am sa Faculty para sabihing palitan ang magtuturo sa akin.

Naabutan ko si Ma'am na kausap ang isang lalaki na sa tingin ko ay basketball player. Sabay silang napalingon ng makita ako.

"Good Afternoon ma'am. " Bati ko habang nakatayo pa rin malapit sa pintuan. Ang kausap niyang lalaki ay nakatingin din sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ngayon o mamaya na lang pag tapos nilang mag usap.

"What is it Miss Chavez? " pormal na tanong nito. Tinuro ni Ma'am ang bakanteng upuan sa harap ng basketball player.

"Hindi po kase dumating yung tutor na inasign niyo nagmagtuturo sa akin. Pumunta po ba siya dito para sabihing hindi niya na ako tuturuan.?"

"No. I don't know what's with him. He didn't come here. Na text mo na ba? " tanong ni Ma'am.

"Wala po akong number niya. " kunwaring sabi ko, pero sa totoo lang meron. Siya kase daw gmyung nag text na unknown number nung araw na nag exam ako.

"Hmmm.. Pasaway talaga ang Montero na yan. " mahinang bulong ni Ma'am.

"I can volunteer! " Sabay kaming napalingon ni Ma'am sa lalaking ito.

"Are you sure Mr. Claveria? "

"Yes! Wala naman kaming training ngayon sabi ni couch. Matuturuan ko naman siya." Kibit balikat na sabi nito.

"Ok. Miss Chavez this is Mr. Arvey Claveria. And Mr. Claveria this is Miss Celestine Chavez. " Pormal napagpapakilala ni Ma'am. He extend his hand to mine for shake hands.

"Nice to meet you Miss Celestine. This is the first time I saw you here. " nakangiting sabi nito, labas ang dimple. Ah cute.

"Cellie na lang. Nice to meet you too Mr. Claveria. " Sabi ko at inabot na ang kamay niya.

Sabay kaming bumitaw ng tumikhim si Ma'am. "Makaka alis na kayo, and pagnakita niyo si Mr. Montero, papuntahin niyo sakin, maliwanag ba? "

"Yes Ma'am.! " Sabay pa naming sabi ni Arvey. Nakita ko siya napangiti doon at lumabas na naman ang dimple niya.

-------------

To be continue.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon