Chapter 4

1.4K 83 10
                                    

Chapter 4

Hindi mapakali si Isobel sa kanyang kinauupuan dahil katabi niya yung Damon,halata sa kilos niyang gusto niya ang mokong. Nagpakilala na rin yung tatlong kakaibigan ni Isobel na sila Tanya, Maylene at Lea.

Todo pacute din ang tatlo. Hindi ko talaga alam kung bakit nila nagustuhan ito, pati din ang ibang mga babae sa ibang table halatang gusto din si siya,  nakakainis lang.

"Damon,  siya nga pala, siya si Celestine bago nating classmate." imbes na tango, irap ang ipinakita ko sa kanya, buti na lamang hindi nila napansin yun.  "Celestine siya nga pala si Dravin Asher Montero." Nakangiting pakilala ni Isobel.

Akala ko ba Damon ang pangalan niya, bakit naging iba.?

"Akala ko ba Damon ang pangalan niya? " kunot noong tanong ko,  pero sana hindi ko na lang tinanong yun ng biglang ngumisi ng nakakaloko ang mokong.

"Hindi ko alam na interesado ka pala sakin, Miss. " Sabi nito na inempasized talaga ang salitang Miss. Umirap ako sa kawalan.

"D.A means Dravin Asher and Mon for Montero equals to Damon Haha, " Sabi ni Isobel. Tumango na lamang ako at nagpanggap na hindi interesado.

Ilalabas ko na sana ang lunch box ko ng may tumawag kay Dravin. I prefer to call him Dravin better than Damon.

"Damon!  Pinapatawag ka ni Mr. Santillan." Sabi nung lalaki.  Nang mapansin ako bigla itong namula at napahawak pa sa batok parang nahihiya.  Tss alam ko na yang mga ganyang galawan.

"Hi. Ikaw yung bago di ba?  Im Lester, and you are? " nahihiyang pang tanong nito at inabot ang kamay niya para makipag shake hands.

"Im Celes---" aabutin ko na sana ang kamay ni Lester ng biglang may naglayo nito. Inis kong binalingan ang seryosong mukha ni Dravin.

"Pinapatawag ako di ba. Tara na!  Kung kani kanino ka pa nakikipag usap. " inis na sabi nito kay Lester. Wala namang nagawa si Lester,  mukhang takot kay Dravin.

"Girls mauuna na ko,  maybe next time sasabay ako ulit. " Nakangting sabi ni Dravin kela Isobel.  Nanlulumong tumango silang apat halatang ayaw pang umalis ang lalaki.

"Next time ah. " nakangusong sabi ni Tanya.

"Yeah,  next time. Tara! " aya nito kay Lester.  "By the way Sungit,  see you sa Faculty. " Sabi nito bago umalis kasama si Lester.

"Aissshhh sayang!!!  Ito ang unang beses na sinabayan tayo ni Damon mag lunch eh! " Reklamo ni Isobel.

"Hayaan mo na Girl,  may next time pa naman. " Alo ni Lea sa kaibigan.

Nagsimula na kami kumain ng Lunch.  Nang magsalita si Maylene.

"Ano nga palang gagawin niyo sa faculty Celestine? " tanong nito.

"Cellie na lang. " nakangiting sabi ko. "Pinapapunta kami ni Ma'am eh,  hindi ko alam kung bakit. " sagot ko. Tumango lamang sila at hindi na nagsalita pa.

****************
"WHAT?!  no Ma'am, kaya ko po mag aral mag isa.  Makakahabol pa ako sa lesson.  I don't  need a tutor. " inis na sabi ko.

"Miss Chavez,  lower your voice.  Para sayo din naman ito.  You too can benefit each other. Ikaw makakahabol ka sa lesson while Mr. Montero naman matatapos niya na days of penalty niya. "

'Penalty? ' may kaso pala ang mokong.

"You!  Dravin!  Hindi ka man lang ba tututol? " Bulyaw ko sa prenteng prenteng naka upong demonyo.

"Why would I?  Tulad nga ng sabi ni Ma'am may makukuha tayong benefit sa isa't isa pabor sakin yun. And I have time to teach you, so I don't really mind. " paliwanag nito.

Nakuha ko naman ang punto nila,  hindi ko lang talaga matanggap na isang linggo ko siyang makakasama.

Yung makita pa lang siya nagsaglitan ay ayaw ko na,  yung isang linggo pa kaya!!!  Ahhhh!!!!  Gusto ko ng bumalik ng maynila.

**************************

"So bukas huh?  Saan kita tuturuan? " tanong ni Dravin na kasalukuyang sinasabayan ako maglakad.

Kanina sa Faculty wala na kong nagawa kung hindi ang pumayag kesa naman wala akong maintidihan sa mga susunod pang lesson ni Ma'am.

"Library. " Maiksi kong sagot.

Mas lalo kong binilisan ang lakad.

"What time? "

"After Class. "

"What about after lunch too,  vacant naman tayo ahh."

Inis ko siyang hinarap "Ano ka sinuswerte,  fast learner ako kaya kahit isang oras mo lang ako turuan kaya ko. "

"Bakit ba ang sungit mo? " seryoso namang tanong niya. 

"Hindi mo ba naiintindihan ayaw kitang makita,  ayaw kitang kasama, ayaw ko ang lahat sayo. Sana layuan mo ko.! " Sigaw ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad. Tinignan niya ako ng seryoso, hindi ko mabasa ang mukha niya,  kung nasaktan ba siya sa mga nasabi ko. 

"Sorry,  Hindi ko alam kung bakit ang sungit mo sa akin, hindi ko alam kung may nagawa ba ko,  pero kung yan ang gusto mo,  sige gagawin ko." Seryoso niyanng sabi.  "And kakausapin ko si Ma'am na iba na ang magtuturo sayo. " Huling sabi niya at tuluyan ng umalis.

Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya.  Na offend ko ba siya?  Well yun naman talaga ang plano ko, pero napasobra ata,  nagi guilty tuloy ako. At bakit nga ba ko inis sa kanya?  Kung about yun sa first meeting namin nung exam ko,  masyado ata akong naging mababaw. Baka nagbibiro lang siya that time.

Ahhhh!!!!  Dravin ang sakit mo sa ulo!!!

Nagpatuloy na ko papuntang next subject ko. Kailangan kong humingi ng sorry.  Pero paano?.

To be continue.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon