Chapter 15

1.1K 54 2
                                    

Chapter 15

Hindi ko inaasahan na makita si Dravin sa labas ng aming gate. Prenteng prente itong nakasandal sa kotse nito habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa nito. Sa posisyong iyong, ay lubhang napaka gwapo niya sa paningin. Ngayon ko lang din napansin na bagay na bagay pala ang uniform ng aming university sa kanya. Nagmukha tuloy siyang modelo na sigurado ako na nalamangan sa kagwapuhan at kakisigan.

Mabilis ang tahip ng aking dibdib ng lumapit sa kanya.

"Hi?!," Bati ko. Umayos ito pagkakatayo. "Kanina ka pa? Bakit di ka pumasok?"

Umiling ito. "Kararating ko lang din. Tara?"

Tumango ako, pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makaupo ay umikot ito hanggang sa driver seat. Nang mailagay nito ang susi ay hindi nito agad pinaandar. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ako.

Hindi ko inaasahan ng ilapit nito ang mukha sa akin. Nanlalaki ang matang napatingin sa kanya.

"W-What?!"

Nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ang mainit at magaspang nitong kamay sa hita ko, papunta sa aking bewang. Nahigit ko ang aking hiningi.

"What are you doing Dravin?" Hindi ko alam kung paano ko pa siya natatanong nang maayos. Nakaka hipnotismo ang mga tingin nito, hindi ko na alam ang gagawin.

"Good Morning" Bati niya gamit ang baritonong boses. Kasabay nun ay narinig ko ang pag click ng seatbelt. Nalipat ang tingin ko doon. Nakabalik na din sa dating posisyon si Dravin. Nasulyapan ko pa ang nakasilay niyang ngiti.

Inis na hinampas ko siya sa braso.

"Ouch! What was that!" reklamo nito sa hampas ko, nagsimula na rin itong mag drive.

"Bwisit ka! Minanyak mo ko!" Hinampas ko ulit ang matigas niyang braso. "Ikakabit mo lang pala ang seatbelt, ang dami mo pang ginawa." Kinuha ko ang box ng tissue sa compartment ng kotse at binato sa kanya.

"Aray! Stop it! Baka mabangga tayo. Ayoko pang mamatay! Magpapakasal pa tayo." Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. "Ano bang ikinaiinis mo? You want more than that? Gagawin ko naman yun pag sinagot mo na ako."

Namula ako sa sinabi niya. Nakakainis ang lalaking to, ngayon ay sasabihin niya pang gusto ko pa! Ang kapal ng mukha niya.

"Go to hell!" I shouted. I heard him chuckled.

*****************************

"Dravin!!!!" Sabay kaming napalingon sa may ari ng boses na yun. And guess who? Si Cassie the bitch lang naman. And worst, nakiki Dravin na din ito.

"Salamat sa paghatid kahapon." Maarteng sabi nito at hinawakan pa ang braso ni Dravin. What the hell?

Napatingin din si Dravin sa mga kamay ni Cassie. Tumingin sa akin sa akin si Dravin. Parang ngayon lang napansin ni Cassie na may kasama si Dravin.

"Oh, Hi? Ahm what's your name again?" Kunyaring tanong nito. Ang saya lang sabunutan nito.

"Cellie." Sagot ko. Palihim ko siyang inirapan.

"Ahh, Hi Cellie." bati nito at binaling ulit ang atensyon kay Dravin. Halata naman sa itsura ni Dravin na ayaw niya sa presensya nito.

Nauna na akong umupo sa aking upuan, naramdaman ko ang pagsunod niya. Nakita ang pamilyar na bag ni Cassie sa tabi ni Dravin. Kaya naisipan kong umupo sa tabi ni Cassie. Tinuro ko ang dati kong upuan kay Dravin. Mabuti na lamang ay na gets niya ang gusto kong iparating sa kanya na magpalit kami ng upuan.

"Hindi ba ay si Dravin ang naka upo diyan?" Malanding tanong ni Cassie.

"Nope, this is my original seat, nagpalit lang kami kahapon." Walang ganang sagot ko.

Nakasimangot na nag martsa ito palabas ng pintuan.

Naramdaman ko ang pag sandal ng ulo ni Dravin sa balikat ko.

"You Jelous?" He ask.

Inilayo ko ang balikat ko sa ulo niya, dahilan para malaglag ito.

"In your dreams!" Sagot ko. Siyempre hindi ko aaminin yun. Ayokong bigyan ng pagkakataon si Cassie na landiin si Dravin, kahit alam ko namang walang interes si Dravin sa kanya.

****************************

Nag e enjoy akong panoodin ang mga ka team kong naglalaban ngayon. Hindi ako pinaglaro ni Captain dahil kailangan ko pang matuto ng ilang strategy. Sabi nito ay panoodin ko muna daw sila.

Sobrang galing nila sa larong volleyball. Parang gusto ko tuloy mag back out dahil ako lang ata ang hindi. Nakakamangha ang pagpapasahan nila ng bola, at ang pambihirang lakas ng spike ni Captain.

Napalingon ako ng may tumabi sa akin. Si Dravin.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ba kayong practice game?" tanong ko.

Nakasuot din ito ng Jersey na pang basketball.

"Nagpaalam ako kay couch, may lakad kase tayo." Sabi nito. Inagaw ni Dravin angg hawak kong mineral battle at ininuman.

"Bakit mo yan ininuman, nainoman ka na yan." Sabi ko. Indirect kiss yun! My ghadd! "At anong may lakad tayo? At dinamay pa talaga ako?"

Inihagis nito ang empty bottle aa mga bleachers at imbes na sagutin ang tanong ko ay tinawag nito ang atensyon ni Captain.
Nag time out saglit si Captain at lumapit sa amin.

"Pwede ko muna siyang hiramin, may pupuntahan lang kami." Paalam nito. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta at hindi na ito makapag hintay na matapos ang out ko.

"It's ok. Kanina pa naman ay pwede na siyang umalis." Seryosong sabi ni Captain at bumalik na sa court.

Tinignan ako ni Dravin. "Tara na."

"Saglit lang magpapalit lang ako. Tumango si Dravin at sinamahan ako sa Locker.

*************************

"Saan ba kasi tayo pupunta." for nth time hindi niya pa rin ako sinasagot. 30 min. na siyang nagda Drive at puro kabundukan lamang ang nakikita ko sa paligid.

"Secret. You will know later. " sagot niyang muli. Hindi na ako sumagot at tinignan na lang ang paligid. Puro puno bundok at mga hayop lamang nasa labas, wala man lang mga building hindi tulad sa maynila.

Maynila? Ngayon ko na lamang ulit ito naisip. Masyadong na focus ang atensyon ko sa nararamdaman kay Dravin.
Magda dalawang buwan na ako dito, pero ganun ay mabilis ko na siyang nagugustuhan at alam kong mas lalalim pa ito, at hindi ko alam ang posibleng mangyari.

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan.

"We're here." anunsyo nito.

Bumaba na kami, agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid.

"What are we doing here?" Mahinang tanong ko.

"I'm want you to meet my mom here." seryosong sabi nito. At nauna ng pumasok sa loob ng sementeryo.

To be continued.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now