Chapter 17

1K 45 2
                                    

CHAPTER 17

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama,  habang nanonood ng TV sa sala.

I am wearing a short short and a sleeveless top. Pupunta ako ngayon kay Dravin.

"Group project." Maikling sagot ko lamang.

Tumango lamang si Mama, pansin pa rin sa mga mata niya ang saya.

"Sige mag iingat ka,  wag na mag pagabi ok.  I have a good news to tell you later." Malapad ang pagkakangiti na para bang gusto na nitong sabihin ngayon. Mabuti na lamang ay napigilan ko ang pag irap.  Hindi man lang nila alam na alam ko na.

"Hmm?  What is it mom?" I asked.  I add excitement in my voice to make her believe that I am excited.

"Secret, I'll tell you later." Ibinalik na nito ang atensyon sa pinapanood na TV.  Nagkaroon ako ng pagkakataon na irapan si Mama.

Hindi talaga ako masaya na aalis na naman kami.  Kung kailan nahanap ko na kung saan talaga ako sasaya at saka naman kami aalis.  Bakit ba sa tuwing may dahilan na akong manatili sa isang lugar ay saka naman ito binabawe?  Arrgghhh. Hindi ko na alam ang gagawin. Iniisip ko pa lamang na hindi ko na siya makikita ay nalulungkot na ako.

"Hello?" sagot ko sa Cellphone na kanina pa tumutunog.  Pinara ko ang tricycle na dumaan.  "Manong sa Montero po."I said at binigay na ang bayad. "Hello, Julia?  Napatawag ka?! " pasigaw na sagot ko dahil sa ingay ng tricycle.

"Wait bakit ang ingay diyan?" She ask.

"Nasa tricycle kase ako,  bakit ba?" I asked again.

"Balita ko ay babalik na kayo dito." panimula nito.

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Julia.  Hindi ko alam kung paano niya nalaman,  siguro,  ay nabalitaan niya sa mama niya dahil mag kaibigan si Mama at ang Mommy niya. 

"Talaga?" Hindi ko nagawang tunog excited ang boses ko.

"Talaga? Bakit parang hindi ka masaya Cellie?  Ayaw mo na bang bumalik dito, we really miss you." Sa tingin ko ay nakanguso na ito.

"Hindi naman sa ganon, nagulat lang ako,  dahil wala naman sa akin sinabi si Mama. And beside 2 months pa lang naman kami dito, ano yun magta transfer na naman ako." Sagot ko.  Napatingin ako sa labas ng tricycle, nakahinto kami sa bayan, nag aabang pa ng pasahero si manong Driver.

"Hmmm... Basta huh, pag nakabalik na kayo, Let's go shopping. I miss your company Cellie."

"I miss you too Juls. And sure!  Excited ako para doo------- Arvey!?" Napahinto ako ng makita si Arvey.

"Hi Cellie." Nakangiting bati nito.

"Hello?  Cellie?  Who's Arvey?  Are you with someone.

"Juls,  I'll call you later,  bye!" Agad kong pinatay ang tawag.

"Hi." Pabalik na bati ko.

"Saan punta mo?" He asked. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na kay Dravin, baka kase ano ang isipin niya.

"Ahm kay Dravin..." Alanganing sagot ko. Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin saka tumango. "May kukunin lang ako." Agap na sabi ko,  ayoko na mag isip siya ng masama.

Ngumiti sa akin si Arvey. Isa din si Arvey sa mami miss ko pag bumalik na akong maynila,  kahit sa loob lamang na maikling panahon ay naging mabait ito sa akin.

"Cellie, ahm..." Hindi ko narinig ang iba niya sinabi dahil umandar na ang tricycle na sinasakyan namin.

"Ano yun?!" Pasigaw ko na tanong.

"Wala!" Sagot nito,  nagkibit balikat na lamang ako.

Ilang minuto lamang ay nagpaalam na itong bababa, I waved him good bye,  at dumiretso na ang sinasakyan namin.


*********

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Dravin.

Pagbaba ko kase ng tricycle ay naabutan ko siya ditong nakatayo na parang hinihintay ang pagdafing ko.

"Bahay ko to?" Sagot nito. Sarap batukan ng lalaki na to.

"Alam ko!  Ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa labas? Pwede mo naman akong hintayin sa loob." inirapan ko siya ng sabihin iyon.

"I'm just excited to see you.  Let's go?"

"Asan ang Daddy mo?" Tanong ko ng makapasok kami sa loob.

"Nasa Rancho." Sagot nito.

"May kabayo ba kayo?" Excited na tanong ko.  Hindi pa kase ako nakakasakay ng Kabayo,  gusto kong subukan.

"Meron, bakit? Hindi ka pa ba nakakasakay ng kabayo?"

Wala atang common sense ang lalaking ito,  malamang laking syudad ako kaya,  natural lamang iyon.

"Hindi pa,  isakay mo ako sa susunod huh."

"Sure!"Sagot nito.  Nagtungo kami sa kusina. "Tara miryenda muna tayo." Yaya nito, tumango na lamang ako.

Gumawa kami ng Sandwich at nagtimpla ng juice. Inakyat namin ang kwarto niya na nakakamangha talaga sa sobrang laki.

Agad ako pumwesto sa computer at naglog in ng account ko.

At home na at home ako sa bahay ni Dravin,  I think he don't mind. Naramdaman ko ang paglapit niya.

"Hindi mo ina accept ang Friend Request ko." Nilingon ko ang nakasimangot niyang mukha. Napahalakhak ako, in accept ang friend request niya.

"Ayan na po." Sabi ko sa kanya.

"Bakit ang daming nag a add sayo na puro lalaki?  Wag mong i a accept yang mga yan ah!" Tss.. Ang seloso kong boyfriend.

Boyfriend? Ang sarap pakinggan.

Nang matapos ako ay kumain muna kami, nag salang din ito ng CD. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako.  Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. 

Sana may magawa ako para hindi matuloy ang pag alis namin.  Mami miss ko talaga ang lalaking ito.

"Cellie?" He called.

"Hmmm?"

"I love you.." bulong nito.

Mas lalo akong nalungkot sa sinabi niya. I want to be with him, I love you too Dravin.

********
To be continued...

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz