Chapter 9

1.1K 70 6
                                    

CHAPTER 9

A/N: SORRY PO LATE ANG UPDATE.  HERE NA PO :) ENJOY READING.  DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :) THANK YOU :) :)

Nasa Canteen ako ngayon kasama si Isobel and her friends.  Nakapila ako ngayon para bumili ng Slice Pizza at Coke diet.

Nang biglang umingay ang mga tao sa canteen,  na halos lahat naman ay babae.  Base sa bulungan alam ko na agad kung sino ang bagong dating.

Bahagya akong lumingon sa entrance ng Canteen at hindi nga ako nagkakamali, pumasok si Dravin kasama si Lester,  at ang iba pang basketball player na puros may mga itsura din, lamang nga lang si Dravin ng Benteng Paligo.

Agad akong nag iwas ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin. Simula ng ihatid niya ako sa bahay, hindi na nasundan ang tutoring class namin, ito na ang pang apat na araw na dapat ay tuturuan niya ako,  pero simula nun,  hindi niya na ako pinapansin.

Ewan ko ba sa kanya,  ang bait niya naman sakin bago kami naghiwalay nung hinatid niya ko,  mild lang din naman ang pagtatalo namin para hindi niya ako pansinin ng ganito.

"Cellie!"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Lester.  Lumapit ito sa akin,  kinuha nito ang dala kong tray.

"Ako na, saan ang table niyo." Nakangiting tanong ni Lester.

"Salamat." Tinuro ko sila Isobel na nakatingin na sa amin.

"Hi Girls,  pwede maki table."  Magiliw na tanong ni Lester.

Mabilis namang tumango ang apat.

"Ahem!" Sabay sabay kaming napalingon ng pekeng tumikhim ang grupo ng Basketball team, lima silang lahat kasama na ang naka busangot na si Dravin.

"Pakilala mo naman kami, Les." Sabi nung Chinito.

"Ay Cellie, Si Jerome." Turo nito sa Chinito.

"Hi Cellie,  ang ganda mo naman." Sabi nung Jerome sabay Kindat.
Galawan pa lang niya alam na agad na playboy ito. "Ito naman si Kurt, Gab,  at Kyzer."

Nagpakilala silang lahat,  tumango lamang si Gab.

"Hi." Matamis na ngiti ang ginawad ko sa kanila.

"Tss... " Napalingon kaming lahat kay Dravin.

"Bakit bro?" tanong ni Kyzer.

"Ikaw kase Lester hindi mo pinakilala si Cellie kay Damon." natatawang komento ni Jerome.

Napakamot ito sa batok. Hmm..  Mannerism?

"Sa pagkaka alam ko magkakilala na sila, di ba Cellie tutor mo si Damon?" - Lester.

"Oo" maikling sagot ko.

"Wow!  Bro!  Kailan ka pa naging tutor.?  Hindi ko man lang alam." - Jerome.

"Nambabae ka kase kaya wala kang alam." Sagot naman ni Dravin.

"Miss Cellie natuturuan ka ba nitong kaibigan namin ng maayos,  ayaw niya kase sa lahat ay yung slow. Ganun." - Kyzer

"Ok lang naman." Pekeng ngiti ang ginawad ko.

Nang kumakain kami tahimik lamang ako,  ganun din si Dravin. Tanging ang mga Basketball Team at Grupo nila Isobel lamang ang nag iingay sa table. Panay naman ang lingon ng mga estudyante sa amin, iniisip siguro nila kung gaano kami kaswerte. Panay ang lingon ko kay Dravin na nakabusangot lamang ang mukha sa harap ko, hindi ko talaga malaman kung anong problema namin.  Problema namin?  Parang may relasyon lang.

"Cellie,  nagka boyfriend ka na ba?" Napasulyap ako kay Jerome sa biglaang tanong niya.  Natamik naman ang lamesa. Nasa akin na ang atensyon. Kahit alam kong hindi nakatingin si Dravin batid kong nakikinig siya.

"Siyempre naman bro, sa ganda ba naman ni Cellie, imposibleng wala." Natatawang komento ni Lester.

"Oo, dalawang beses sa Maynila." matipid na sagot ko.

"Talaga Cellie?  Seryoso ba?" tanong ni Isobel na kakaiba ang boses nito. Mukha ba kong hindi nagse seryoso sa relasyon?  "Don't get me wrong, marami kaseng akong naririnig na playgirl/boy na taga maynila." Kibit nitong sabi.

"Oo" sagot ko.

Napalingon kaming lahat ng biglang tumayo si Dravin.

"Bakit bro?" tanong ni Lester.

"Puntahan ko muna si Couch. Excuse me girls mauna na ko." Problema niya?  Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin?. Bahala ka sa buhay mo.

Nagpaalam sila Isobel, Tanya, Lea at Maylene kay Dravin.  Sumunod si Kyzer, Gab at Kurt kay Dravin. Naiwan sa mesa si Jerome at Lester.

"Cellie, pwede ba manghingi ng number mo." nahihiyang pang sabi ni Lester.

"Sure." Binigay ko na sa kanya,  tutal hindi ko din naman siya mare replyan dahil hindi naman ako naglo load.

**********************

Naglalakad akong pa bayan,  dahil wala namang tricycle sa school. Buti na lamang at malapit lang ang bayan sa school kaya okay lang na lakarin.

Pagkarating ko sa bayan, nagtingin tingin muna ako sa paligid. Nakita ko ang maliit na Store.  Pumasok ako para mamili ng Damit. Nakita ko ang mumurahin maikling short, ok na siya kahit hindi branded. Sa maynila lang naman big deal na dapat ay branded ang susuotin.

Kinuha ko ito para bayaran na ng marinig ang pamilyar niyan boses.

"You really like that kind of clothes? Too much skin to show." inis ko siyang nilingon.

"Pake mo?"

Hindi ito sumagot, pero inagaw nito ang hawak kong short at binalik sa lalagyan nito. Kumuha si Dravin ng limang pares ng leggings at agad na binayaran sa counter.  Hindi agad ako naka angal sa bilis ng pangyayari.

Aba?!  Pagkatapos niya kong hindi pansinin, lalapit na lang siya bigla. Tss bipolar din tong mokong na to ah.

"Sinabi ko bang bilhin mo yan?  Hindi ako nagsusuot niyan." Nasa labas na kami ng store. Pilit niya pa ring binibigay sakin ang paper bag.

"This is too much better than those piece of short short." Kibit balikat lamang nitong sabi. Ang sarap sapakin ng mukha.  Arrgghhh...

Hindi ko siya pinansin at nauna ng naglakad. Panay naman ang tawag at sunod niya.

"Cellie!"

"Hey!"

"Baby!"

Napahinto ako masamang tingin ang binigay ko kay Dravin. 

"Anong pakulo to Dravin pagkatapos mo kong hindi pansinin, bigla ka na namang susulpot dito! At may pababy baby ka pang nalalaman." Sabi ko at inirapan siya.

Narinig ko siyang mahinang tumawa,  kaya tinignan ko siya ng masama. I know I sound a Jealous GirlFriend but I don't care!  Inis talaga ako lalaking 'to.

"Namiss mo ko?" nakangiting tanong nito.

Matamis akong ngumiti at lumapit sa kanya.  Niyakap ko siya ng mahigpit, Natigilan siya sa ginawa ko kaya mas lalo akong napangiti.

"Oo na miss kita sobra!"

"Aww!  What the fuck! " Mura niya.

Napatawa at tumalikod na, sinuntok ko siya sa tiyan yung malakas. Pambawi sa pangbu bwisit niya sa akin! 

"Serves you right Jerk!" Mahinang bulong ko, at naglakad napalayo.

To be continued...

Please Vote and Comment :)
Comment sa gustong magpa dedicate. 
-hailmerry

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now