Part 1

76.4K 1.1K 41
                                    


NAPAPANGITI si Miles habang pinapanood ang pagsasayaw ng mga bagong-kasal sa wedding reception ng mga ito. Tila nakapagkit na ang ngiti sa mga labi ng mga ito. They both looked so in love. She wished they would love each other forever.

Kumbidado siya sa kasal ng mga ito dahil siya ang naging daan para magkakilala ang mga ito.

Nagtatrabaho siya sa Hearts & Cupids Matchmaking Agency bilang isang matchmaker. Naging kliyente niya ang dalawa. Their match scores had tallied. Pinagtagpo niya ang mga ito at kaagad namang nagkagustuhan pagkatapos ng isang date. A year later, nakatanggap siya ng imbitasyon para sa kasal ng mga ito.

Sa mga ganoong pagkakataon niya napapatunayan kung gaano ka-rewarding ang kanyang trabaho. The thought that she had made two people happy by finding their true love was an achievement for her.

Gayunpaman, hindi lahat ng imina-matchmake niya ay nauuwi sa happy ending. May mga kliyente siyang nagkakagustuhan at nagiging magkasintahan pero sa bandang huli ay naghihiwalay rin. Wala na siyang magagawa roon. Siguro ay sadyang may mga matches na maganda lamang ang relasyon sa simula.

Naniniwala siya na ang bawat tao sa mundo ay ipinanganak na may kapareha. Kailangan lang na mahanap ang kapareha ng bawat isa. Nakakalungkot mang isipin ngunit may mga taong hindi nagagawang matagpuan ang itinadhanang makapareha ng mga ito. Kaya mabuti na lamang at may matchmaking agencies na tulad ng Hearts & Cupids para tumulong sa mga ito.

Uminom siya ng wine pagkatapos ubusin ang kanyang dessert. Masaya siya para sa mga ito. Ngunit aaminin niyang may isang bahagi ng puso niya na nalulungkot tuwing may pares siyang napagtatagpo. Marami na siyang successful matchmaking jobs ngunit ang mismong sarili niya ay hindi niya mahanapan ng match.

Apat na taon na siya sa trabahong iyon. Twenty-seven na siya ngunit single pa rin. Kunsabagay, hindi pa naman siya mukhang matanda. Maraming nagsasabi na mukha siyang mas bata nang limang taon sa kanyang edad. Kaya lang ay siya na lang ang single sa matchmaking agency. Lahat ng mga kasamahan niya ay may mga asawa na at masasaya sa kanya-kanyang married life. Kaya naa-out of place siya tuwing nag-uusap ang mga ito tungkol sa marital and parental topics. Wala kasi siyang mai-share. Kahit man lang sana masayang love life ay wala siya.

She had two unsuccessful relationships. Ang unang nobyo niya na si Glen ay ipinagpalit siya sa isang blonde. Ano nga naman ang laban niya sa Amerikanang thirty-six cup C ang mga dibdib? Ang ikalawang nobyo niya na si Cedric ay isang malaking duwag. Ayaw kasi sa kanya ng mga magulang nito dahil hindi siya nagmula sa isang mayamang angkan. Inutusan ito ng mga magulang nito na iwan siya na sinunod naman nito. Hindi man lang siya ipinaglaban nito.

Glen was not her match neither Cedric. Masyado kasi siyang nadala sa ideya ng romantic love at hindi niya inisip ang mga bagay na hindi nila ipinagkatulad o ipinagkasundo ng mga naging nobyo niya. Kaya sa susunod na magkanobyo siya, kikilatisin muna niyang mabuti ang lalaki. Gagawan din niya ito ng character assessment sheet. Iko-consider na niya ang match scores nila bago niya sagutin ito. Gusto niyang sa susunod na ma-in love siya sa isang lalaki ay ito na ang perfect match niya.



Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon