Part 11

28.8K 618 8
                                    


"'MA, BAKIT naman gano'n ang ginawa n'yo sa bisita ko?" tanong ni Miles dito nang makaalis na si Evan.

"Ano ba'ng ginawa ko? Para in-entertain lang naman namin siya ng papa mo," nagmamaang-maangan na sabi nito.

"Pati mga hindi dapat ikuwento, ikinuwento n'yo."

"Mukha naman siyang mabait kaya napalagay kaagad ang loob ko sa kanya."

Akala n'yo lang iyon! Siguro, kung malalaman lang nito na si Evan ang dahilan ng pagsasayang niya ng tuition fee noon ay baka hindi na nito magustuhan ang lalaking iyon.

Ngumiti ito. "Pero tingnan mo nga naman, nagpapahanap pala siya ng match. Bakit hindi na lang ikaw ang—"

"'Ma!" putol niya sa sinasabi nito.

"Huwag mo na siyang pakawalan. Great catch siya, anak. Huwag mo na siyang i-matchmake sa iba. Sa iyo na lang siya."

"'Ma, naman. Hindi ko siya gusto."

Napanganga ito na tila hindi makapaniwala. "Anong hindi mo gusto? Paanong hindi mo magugustuhan ang isang lalaking tulad niya, aber? Malabo na yata iyang mga mata mo. Hunk na hunk ang binatang 'yon. Matangkad, guwapo, at mayaman. Halos perpekto."

"Kung alam n'yo lang kung gaano siya kasama," bulong niya.

"Ano'ng sabi mo?"

"Ang sabi ko, hindi ko siya type kahit guwapo, hunk, at mayaman pa siya."

"Kahit may gusto siya sa iyo?"

"Wala siyang gusto sa akin. Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano. Para inihatid lang niya ako, iniisip n'yo nang may gusto siya sa akin."

"Pero—"

"Tama na, 'Ma. Hindi n'yo na uli siya makikita, okay?"

"Bakit hindi mo siya gusto? Dahil ba kay Andrew? Nagugustuhan mo na ba si Andrew?"

Tumango na lang siya. "Opo. Malapit ko nang sagutin si Andrew."

May nasilip siyang panghihinayang sa mga mata nito na iglap ding nawala. "Kunsabagay, okay rin naman si Andrew."

Pansamantalang nadestino sa provincial branch si Andrew. Nasa Cebu ito nang mga sandaling iyon at isang buwang mananatili roon. Gayunpaman ay tumatawag at nagte-text ito sa kanya upang ipakita na tuloy pa rin ito sa masigasig na panliligaw sa kanya. Iniisip niyang sagutin na ito sa pagbalik nito para hindi na siya ipares ng mga magulang niya sa kung sinu-sino.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon