Part 2

46.8K 881 25
                                    


"MILES, may bagong kliyente tayo na gusto kong ipa-handle sa iyo ang account."

Mula sa ginagawang match score sheet ay napaangat siya ng tingin kay Stacey, isa sa dalawang may-ari ng matchmaking agency. Her other boss Yana, was in the field that day. They were both a year older than her.

Nakilala niya ang mga ito sa isang social function at nagkainteres siyang maging matchmaker sa agency ng mga ito. Bago siya naging matchmaker ay isa siyang simpleng bank teller. Nagsawa kaagad siya sa kakatanggap, kakabigay, at kakabilang ng pera habang nakaupo buong maghapon kaya sinubukan niyang pumasok sa isang kakaibang uri ng trabaho. Pinalad naman siya dahil nagustuhan kaagad siya ng dalawa. Mababait ang mga ito at tila hindi mga amo kung umasta. Hindi nagpapatawag na "Ma'am" o "Boss" ang mga ito. First-name basis ang tawagan nila.

"Okay. I can handle another account." Sampu ang maximum number of accounts na hinahawakan ng isang matchmaker. Ganoon na karami ang hawak niya ngunit kaya niya ang higit pa roon.

"Good. And mind you, he's a VIP," anito.

Kapag sinabing VIP, ibig sabihin niyon para sa kanila ay maayos ang hitsura, mayaman, at maganda ang background. Madaling mahanapan ng ka-match ang mga VIPs dahil bihira ang tumatanggi sa mga ito. Puwera na lamang kung ang mga ito mismo ang tumanggi sa mga ipinapares sa mga ito.

"Okay. So sino siya?"

Ngumiti ito at kapagkuwa'y umupo sa silya sa tapat ng desk niya. "Makikilala mo rin siya. Darating daw siya mamayang four o'clock. By the way, kumusta ka na pala? Isang linggo rin tayong hindi nakapag-chika-han."

Galing sa isang out-of-town vacation si Stacey kasama ang asawa at anak nito. Isang linggo itong nawala at nang nagdaang araw lang dumating.

"Okay naman. Ganoon pa rin," nakangiting sabi niya.

"Kumusta na kayo ni Andrew? Kayo na ba?"

Umiling siya. "Hindi pa."

"Hindi pa rin? Pero almost weekly kung lumabas kayo, ah? Ang tagal mo namang mapaoo. Four months na yatang nanliligaw sa iyo iyong tao, ah."

"'Sabi ko naman sa iyo, 'di ba? Ayoko nang magpadalus-dalos sa pagpasok sa isang relationship. Iyong past two boyfriends ko, akala ko, okay sila pero sinaktan lang nila ako. Pinairal ko kasi ang puso ko. This time, gusto ko namang gamitin ang utak ko. Gusto ko munang kilatisin nang maigi si Andrew bago ko siya tanggapin bilang boyfriend ko."

Tumangu-tango ito. "Well, I agree with that. Kaya lang, hindi ka ba natatakot na baka mainip siya at humanap ng iba?"

"Kung gagawin niya iyon, then, he's really not serious about me. Good-bye sa kanya."

"You don't like him, do you? Para kasing bale-wala lang sa iyo kung tumigil man siya sa panliligaw."

"Honestly, I'm starting to like him. But like I said, I want to make sure that this time we're really perfect for each other."

"What's your match score?"

"So far, sa mga details na naobserbahan ko habang kasama ko siya, it's fifty-four."

"That sounds promising. Pero sa calculation ko, mga isang taon pa ang hihintayin ni Andrew bago ka niya mapaoo kasi mukhang may balak ka talagang i-perfect ang score n'yo."

Natawa siya sa sinabi nito.

Stacey rolled her eyes with a smile on her lips. "Alam mo, Miles, sa totoo lang, hindi naman talaga mahalaga kung perfect match ang isang couple. It's just all about what they feel for each other. If they're both strongly in love with each other, they'll both try to fill in their differences and learn to adjust to each other. Look at Yana and her husband. Sobrang dami nilang pagkakaiba. Ang baba nga ng match score nila nang i-gauge ko. Pero nakita mo naman. Dalawa na agad ang anak nila. And they're so happy. Hanggang ngayon, para pa rin silang bagong kasal kung maglambingan."

She got Stacey's point. "So what the hell are we doing here then combining sheets, calculating scores, trying to tally them?"

Ito naman ang tumawa. "Well, this is business," biro pa nito. Narinig niyang nagtawanan din ang dalawa pang matchmakers na nasa kanya-kanyang desks. Nakisali na rin sa usapan ang mga ito.

Mayamaya pa ay iniwan na siya ni Stacey upang bumalik sa private office nito. Bumalik na rin siya sa ginagawa. Habang binabasa ang mga membership forms ay naisip niya si Andrew.

Kung tutuusin ay okay naman ito. Nagsisimula na siyang magustuhan ito. Mabait at masarap kausap ito. Romantic at mukhang caring na boyfriend ito. Kaya lang, sa tingin niya ay hindi pa sapat ang pagkagusto niya rito para isugal niya sa ikatlong pagkakataon ang kanyang puso. Kailangan niya ng kaunti pang panahon.

Mayamaya ay ipinatawag siya ni Stacey sa assistant nito. Nagtungo kaagad siya sa opisina nito.

"Miles, nandito na iyong sinasabi kong bagong client na gusto kong ikaw ang humawak ng account," bungad ni Stacey nang makapasok siya sa opisina nito.

Noon niya napansin ang nakaupong lalaki. Bumaling ito paharap sa kanya at tumayo. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang tumingin sa kanya. That smart-ass smile was irritatingly familiar.

"Hi, Miles," cool na cool na bati nito na tila ba wala itong naging atraso sa kanya noon.

Inayos niya ang sarili na nasindak sa pagkakita uli rito. Evan de Ocampo. It was like eight years ago since she last saw him in person. Tanging sa international magazines at TV commercials lang niya nakikita ito. Why, he was a famous Filipino fashion model in the States now.

Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano siya pinaglaruan at kung paano nito ginawang katatawanan ang damdamin niya noon para dito...

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon