Part 18

31K 682 9
                                    


HINDI na nagpakita o nagparamdam man lang kay Miles si Evan mula nang i-set up niya ito kay Diane. And that was two weeks ago. Nang tawagan at tanungin niya si Diane ay sinabi nitong nagkabalikan na ito at si Evan. Dapat ay maging masaya siya dahil nahanap na niya ang match ni Evan. It was just his ex-girlfriend all along. Hindi na siya guguluhin pa ni Evan. Hindi na siya tatakutin nito tungkol sa video. Wala nang mambu-bully sa kanya. Malaya na siyang sagutin si Andrew. Pero hindi siya masaya. In fact, nasasaktan siya.

Hindi na niya makikita pa si Evan. Hindi na niya muling makakasama ito. Ngunit iyon naman ang dapat na mangyari. Dapat lang na mawala na ito sa buhay niya. Kailangang kalimutan na niya nang tuluyan ang nararamdaman niya para dito.

Isang gabi, natagpuan na lang niya ang sarili na hawak-hawak ang jacket nito at binabalikan ang panahon na nagkasama sila sa madilim at saradong production room. Doon niya unang nalaman ang itinatagong insecurities nito dahil sa problema nito sa pamilya. Ngayong nakita na nito ang babaeng makakapagpasaya rito ay dapat na rin siyang maging masaya para dito.

"Kaninong jacket iyan, anak?"

Napapitlag siya at nilingon ang nagtanong. Ang mama niya iyon. Hindi niya namalayang pumasok ito sa kanyang silid dahil malalim ang iniisip niya. "'M-Ma! Ba't naman kayo nanggugulat?"

"Matagal ko nang nakikita sa closet mo ang jacket na iyan na nasa loob ng paper bag."

"Uhm... sa isang dating schoolmate. Ipinahiram niya sa akin ito noon pero... nang isasauli ko na, bigla siyang nawala. Hindi ko na naisauli," pagdadahilan niya.

Umupo ito sa tabi niya at sinipat ang jacket. "Mukhang mamahalin. Bakit hindi niya kinuha bago siya umalis?"

"Nakalimutan niya siguro."

"Naging espesyal ba sa iyo ang taong may-ari ng jacket na iyan?"

"Bakit n'yo naman naitanong?"

"Kasi itinago mo, eh."

"Sayang naman kung itatapon ko. Sabi n'yo nga, mukhang mamahalin."

"Kaya hindi mo ito itinapon kasi espesyal sa iyo ang taong may-ari nito," deklara nito.

"Hindi totoo iyan," mabilis na kaila niya.

Nagdududa ang tingin na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Ibinalik nito ang paningin sa jacket.

"Kumusta na nga pala si Evan?"

Natigilan siya. Bakit biglang naitanong nito si Evan na parang alam nitong ang binata ang may-ari ng jacket na iyon? "Nahanapan ko na siya ng match niya."

"Talaga?"

Tumango siya.

"Eh, ba't parang malungkot ka?"

Nandilat siya. "Ano ba'ng sinasabi n'yong malungkot? Siyempre masaya ako. Nakapag-match na naman ako. May dalawang tao na naman akong napasaya. Masaya ako para kina Evan at Diane."

"Pero bakit hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata mo?"

"'Ma? Itinutukso n'yo pa rin ba ako kay Evan?"

Ngumiti ito. "Gusto ko kasi si Evan para sa iyo, anak, eh. Bagay na bagay kasi kayo."

"Hindi totoo iyan. Hindi kami bagay." Minsan ay lihim siyang gumawa ng match score sheet para sa kanilang dalawa ni Evan. Twenty-eight lang ang match score nila. Ibig sabihin ay halos wala silang ipinagkatulad sa isa't isa. Hindi sila bagay.

"Matchmaker ka kasi. Ang matchmaker, kaya lang niyang i-matchmake ang ibang tao pero ang sarili niya, hindi. Parang dentista, hindi niya kayang bunutan ng ngipin ang sarili niya."

"Ano ba'ng gusto n'yong palabasin, 'Ma?"

"Hindi mo nakikita na puwedeng si Evan ang bagay para sa iyo."

Natahimik siya. Kung alam lang ng kanyang mama ang mga pinagdaanan at kasalukuyang pinagdaraanan niya nang dahil kay Evan...

"Hindi siya ang perfect match ko, 'Ma. Kahit hindi ko gamitin ang nalalaman ko sa matchmaking, hindi pa rin kami bagay sa maraming aspeto."

"Hindi mo naiintindihan, Miles. Hindi naman parating mahalaga na maraming pagkakatulad ang dalawang tao para maging perfect match sila. Puso pa rin ang magdedesisyon para sa bagay na iyan, anak. Mas mahalaga ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawang tao kaysa sa pagkakatulad nila sa bawat aspeto ng mga buhay nila."

Naalala niya ang minsang sinabi ni Stacey. Halos ganoon din ang sinabi ng kanyang mama. And she could not help but agree. Ngunit hindi applicable sa kanya ang konseptong iyon. Hindi siya mahal ni Evan.

"Hindi naman kami nagmamahalan, 'Ma, kaya hindi talaga kami bagay."

"Sinabi ba niyang hindi ka niya mahal?"

"Hindi niya kailangang sabihin iyon. Alam ko na hindi niya ako mahal. Hindi niya ako puwedeng mahalin."

"Gaano mo kakilala si Evan para sabihin mong hindi ka niya puwedeng mahalin?"

"I know him a lot, then and now. Everybody knows him as a bully. He had bullied me thrice—noong elementary, noong college, at ngayon. I am just a prey to a predator like him. Iyon lang ang tingin niya sa akin, 'Ma."

"Paano kung hindi naman talaga ganoon ang tingin niya sa iyo?"

"Ano'ng ibig n'yong sabihin?"

"Paano kung facade lang niya iyon? Dahil deep inside, iba ang nararamdaman niya para sa iyo. Parang ikaw, kunwari wala kang feelings para sa kanya, iyon pala, meron." Nanunukso ang ngiti nito.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya namalayang nasabi na niya rito ang lihim na damdamin niya para kay Evan. Umiling siya. "We're two different people, 'Ma. And base sa nangyari sa aming dalawa noon at ngayon, masasabi ko na hindi niya kayang maramdaman para sa akin ang naramdaman ko para sa kanya."

"Sa tingin mo ba ay napakasamang tao ni Evan at wala ni katiting na kabutihan ang taong iyon? Siguro ay may dahilan kung bakit siya ganoon. Huwag mo siyang husgahan, anak. Huwag mong limitahan ang mga kaya at hindi niya kayang maramdaman ayon sa pagkakakilala mo sa kanya."

"Because they say I'm bad. Kapag gumawa ako ng mabuti, nakakagulat. Hindi kapani-paniwala. So, I'll just keep doing what people expect me to do."

Naalala niyang minsan ay binitiwan ni Evan ang mga salitang iyon. Now she realized he was implying he was often misjudged. Naalala niya ang ikinuwento nito noon tungkol sa kinilala nitong ama. Hindi naniwala si Mr. de Ocampo na hindi sinadya ni Evan ang pagkakasira sa rebulto ng university nila.

She, too, had seen his other side. Mali nga siguro na husgahan niya ito. Pero hindi pa rin siya naniniwala na maaari siyang mahalin nito. Lalo na at masaya na ito sa piling ni Diane.

"Ang sabi niya sa akin, titigil lang daw siya sa pangungulit sa akin kapag nahanapan ko na siya ng perfect match. I think I have found his perfect match. Si Diane. Kasi hindi na siya nangungulit ngayon. Tapos na ang trabaho ko sa kanya. Masaya na siya ngayon with Diane. Kaya huwag na natin siyang pag-usapan, 'Ma."

Nang tingnan niya ito ay nakita niyang nalungkot ito.

Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Don't worry, 'Ma. Medyo malapit-lapit na rin akong mag-asawa. Sasagutin ko na si Andrew."

Kumunot ang noo nito. "Sigurado ka ba?"

"Bakit ganyan ang reaksiyon n'yo? Akala ko ba, gusto n'yo na akong mag-asawa ni Papa?"

"Gusto ka na nga naming mag-asawa. Pero siyempre gusto namin, mahal mo ang mapapangasawa mo. Huwag mo sanang gamitin si Andrew para makalimutan mo si Evan. Napakabait ni Andrew. Mas mabuti pang huwag mo na siyang paasahin pa kaysa saktan mo siya sa ganoong paraan."

Napabuntong-hininga na lamang siya.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon