Part 13

30.8K 742 35
                                    


PUNUNG-PUNO na talaga si Miles kay Evan. Tinatanggihan ng lalaki ang lahat ng ipares niya rito. Weekly ay nagde-demand ito ng bagong date ngunit ni isa man sa mga iyon ay wala itong nagustuhan. Kung hindi lang talaga nakakahiya sa kanyang boss ay bibitiwan na niya ang account ni Evan. Minsan ay naisip niyang baka hindi naman talaga ito naghahanap ng match nito. Baka gusto lamang siyang pahirapan nito sa paghahanap para asarin siya. Ngunit bakit naman ito mag-aaksaya ng panahon para lang doon?

"I think there's corruption going on. I have this feeling na nagpapabayad ka sa mga kliyente mong babae para lang mai-date ako. Why, those women weren't my match at all. Kung sinu-sino na lang ang ipinapa-date mo sa akin," pagrereklamo nito sa opisina nila isang hapon na dumalaw ito.

Hinila niya ito sa loob ng private room dahil ayaw niyang marinig ng mga kasamahan niya ang mga sasabihin nito.

"Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo, Mr. de Ocampo," galit na sabi niya. Civility be damned! Wala na siyang pakialam kahit kliyente niya ito. May pakiramdam kasi siyang kahit bastusin niya ito ay hindi nito iwi-withdraw ang account sa agency nila. Isa pa, naamin na niya rito na may galit pa rin siya rito kaya malaya na siyang labanan ito sa salita.

Ngumisi ito. Tila tuwang-tuwa pa ito na naiirita siya. "Pero aminin mong simula nang magpa-member ako rito, dumami ang female members n'yo. And I think I deserve words of gratitude for that," arogante pang sabi nito na tila hindi alintana ang galit niya.

"Hindi ako magte-thank you sa iyo," matigas na pahayag niya.

He grinned. "Come on, Miles. Do your job, please. Find me someone I would really like."

Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Si Andrew ang tumatawag. "Excuse me," paalam niya kay Evan. Humakbang siya sa isang sulok ng silid. "Andrew, what made you call?"

"Break n'yo naman, 'di ba?"

"Uhm... yes," sagot niya. Saglit niyang sinulyapan si Evan at nakita niyang nakakunot-noo ito habang nakatingin sa kanya.

"Tumawag lang ako para sabihing uuwi na ako the next day."

"Uuwi ka na sa Friday? For good?"

"Yes. Tapos na ang trabaho ko rito sa Cebu."

"That's nice to hear. Pasalubong kong mango chips, ha," biro pa niya.

"Of course. Ikaw pa. Marami akong pasalubong sa iyo. I'll see you on Friday."

"Yeah, I'll see you on Friday. Have a safe trip. Bye," paalam niya. Isinilid na niya sa bulsa ang kanyang cell phone. Muli siyang lumapit kay Evan.

"Sino si Andrew?" tanong nito.

"It's none of your business," pambabara niya rito.

"Siya ba ang tinutukoy mong malapit mo nang maging boyfriend?"

"I told you, I don't share a thing about my private life to my clients... and ex-schoolmates."

"What about ex-crushes? Or was it ex-love?" tudyo nito.

She gritted her teeth. "I'll just call you up for your next schedule of date," pagdi-dismiss niya rito.

"Huwag mo muna siyang sasagutin."

"Ano'ng sabi mo?"

"Huwag mo munang sasagutin iyong Andrew na iyon. Hindi ka pa puwedeng magka-boyfriend hangga't hindi mo ako nahahanapan ng match."

"What? Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo?"

"Gusto kong mag-concentrate ka sa paghahanap ng match ko. Hindi ka makakapag-concentrate sa paghahanap kung makikipagrelasyon ka."

She glared at him. "You are impossible! Wala kang karapatang panghimasukan ang personal kong buhay."

Ngumisi ito. "I'm a bully, remember? Pakikialaman ko ang gusto kong pakialaman. At guguluhin ko ang gusto kong guluhin."

Sa bibig na mismo nito nanggaling na binu-bully siya nito. Hindi pa rin talaga nagbabago ito. He still loved playing and annoying people.

"Sumusobra ka na. Sa ginagawa mo, mapipilitan akong bitiwan ang account mo," banta niya rito.

"I doubt if Stacey and Yana could ever afford to lose me," cool na cool na wika nito.

"They won't lose you. Ipapasa lang kita sa ibang matchmaker."

"Na hindi ko papayagan. I want you, Miles." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang baba. "Ikaw ang gusto kong mag-handle ng account ko at humanap ng match ko."

Iniiwas niya rito ang kanyang mukha. "Bakit mo ginagawa ito? Why do you love to annoy me?"

"Hindi ba sabi ko sa iyo noon, gusto kong maging palaban ka? Gusto kong labanan mo ako."

Napatiim-bagang siya. "Sige, lalabanan kita kung iyan ang gusto mo."

"Good. No running away this time? Baka bigla ka na lang mag-resign para tumakas?"

Bakit ba laging ipinamumukha nito ang pag-alis niya noon sa university? Kung tutuusin, kung mayroong dapat na magpamukha ng kasalanan, siya iyon. Ito ang may napakalaking kasalanan sa kanya. Parang bale-wala na lang dito ang ginawa nitong pagpapalabas ng video ng party para ipahiya siya sa buong campus. Sinira nito ang imahe niya. Sinaktan siya nito. Ginawa nitong katatawanan ang damdamin niya.

Ngunit hanggang maaari ay hindi niya babanggitin ang tungkol doon. Ayaw na niyang pag-usapan iyon dahil alam niyang hindi nito aaminin ang kasalanan nito. Baka siya pa ang mapahiya kung bubuksan niya ang usapan tungkol sa nakaraan.

"Hindi ako magre-resign para lang sa iyo. Matagal na ako sa trabahong ito."

"Good."

"Pero hindi kita susundin. Sasagutin ko na si Andrew at hindi ako papayag na pakialaman mo ang buhay ko. Puwede mo sigurong mapaglaruan ang trabaho ko, pero hindi ang personal kong buhay," matatag na wika niya. "Excuse me. I'll go back to work," kapagkuwa'y paalam niya rito. Humakbang na siya patungo sa pinto.

"I still have the videotape."

Natigil siya sa paghakbang. Napamulagat siya. Ang videotape!

"In fact, I transferred it on a DVD. And I made several copies of it."

Naikuyom niya ang palad. Humugot siya ng malalim na hininga kapagkuwa'y hinarap niya ito. "Tuwang-tuwa ka talaga sa video na iyon, 'no? At talagang gumawa ka pa ng mga kopya. Baka gusto mo akong bigyan?" sarkastikong sabi niya.

"Sure. Pero bibigyan ko rin ang parents mo."

"Ano?"

"I'm planning to give them a copy of that video. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila alam kung bakit nag-drop out ka sa school noon. I'm thinking, maybe it's about time they know about it."

Nag-panic siya. Alam na alam talaga nito kung paano siya paglalaruan! "Huwag na huwag mong gagawin iyan!"

Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa oras na mapanood ng mga magulang niya ang video na iyon. And knowing Evan, he would do what he said. Kung nagawa nitong ipalabas sa campus ang video na iyon, kayang-kaya rin nitong ipapanood iyon sa mga magulang niya. Walang kasinsama ito.

Ngumisi ito. "Hindi ko bibigyan ng kopya ang parents mo, sa isang kondisyon. Huwag mong sagutin si Andrew."

And now he was blackmailing her! 

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon