Part 12

29.3K 718 15
                                    


"HOW WAS your date?" tanong ni Miles kay Evan nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya ma-contact si Marfa kaya napilitan siyang ang binata ang tanungin tungkol sa nangyari sa date ng mga ito noong Linggo. "Or shall I say, dates?"

Isang linggo na ang nakararaan ngunit wala pa rin ni isa sa mga ito ang nagsasabi sa kanya ng tungkol sa status ng ginawa niyang trabaho sa mga ito. Ang alam lang niya ay lumabas uli ang mga ito. Although she had a feeling the two had hit it off, she still had to make sure. Lalo pa at walang gustong magsabi kung ano na ang nangyayari sa mga ito.

Maingay ang background sa lugar kung nasaan si Evan. Tila nasa disco o nasa isang music bar ito.

Tumawa ito. "She's here with me right now."

"She's with you?" ulit niya. "You're in a date again? Ibig sabihin ba niyan, tapos na ang trabaho ko sa inyong dalawa?"

"Come here. Join us. Treat ka namin. Para naman mapasalamatan ka namin nang personal sa ginawa mong pagpapakilala sa amin sa isa't isa," anito sa halip sagutin ang tanong niya.

Sa sinabi nito ay nakuha na niya ang sagot sa gusto niyang malaman. Nagkagustuhan na nga ang mga ito. "No, thanks. Mag-enjoy na lang kayo. I'll see you two when you're both free." Wala siyang narinig na sagot. "Hello? Hello?"

"Miles!" tinig ni Marfa ang sunod na narinig niya. "Come here. We're having a lot of fun here. Maki-join ka sa amin," yaya nito.

"I'm sorry, Marfa. Busy kasi ako, eh."

"Ngayon lang, please? I'd just like to thank you. Nakakatawa ang mga nangyari. You wouldn't believe what happened. Please come here." Sinabi nito ang pangalan ng disco bar.

"But it's your date. I don't want to be a third wheel."

Tumawa ito. "No, you won't be a third wheel. I assure you that."

Napahinuhod din siya nito pagkatapos nitong mag-offer na magre-recruit ito ng members para sa agency nila. Nang makarating sa music bar ay nalaman niyang hindi lamang sina Evan at Marfa ang naroon. May isa pang guwapong lalaki na kasama ang mga ito na katabi ni Marfa. Sa pagtataka niya, nakita niyang magkaholding-hands ang mga ito. Hindi ba at dapat ay si Evan ang ka-holding-hands nito?

Pinaupo siya ni Evan sa tabi nito. Lalo lang siyang nagtaka.

"Hey, Miles, this is Phil, Evan's cousin," pagpapakilala ni Marfa sa lalaking kasama ng mga ito. "Phil, she's Miles, our matchmaker."

"Hi, Miles!"

"Hi, Phil," nalilito pa ring bati niya rito. "What's going on here?"

Evan was just smiling. Tinungga nito ang boteng hawak nito.

"Evan brought his cousin Phil on our date last Sunday. Ang nangyari tuloy, Phil and I hit it off," pagkukuwento ni Marfa.

"What?"

"Meaning, she's not my match. She's my cousin's," ani Evan.

Tumawa si Marfa. "Hindi lang ikaw ang matchmaker. Si Evan din pala, parang may future sa matchmaking career."

Nakitawa na rin siya kahit medyo nadismaya siya. Ang akala pa naman niya ay tapos na ang trabaho niya kay Evan, iyon pala ay ang pinsan nito ang nakinabang sa matchmaking na ginawa niya.

"Don't worry, Miles. I'm going to pay for the job you've done for me," ani Marfa. Tinawag nito ang waiter at humingi ito ng wineglass para sa kanya.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya kay Evan nang magpaalam sina Marfa at Phil na tutungo sa dance floor upang magsayaw.

"Ang alin?"

"Why did you bring your cousin with you? Hindi mo ba alam na hindi dapat nagdadala ng third wheel sa isang blind date? 'Kita mo tuloy ang nangyari," paninisi niya rito.

Lumagok muna ito ng beer bago muling nagsalita. "I brought Phil just in case hindi ko type si Marfa. She's pretty but she's not my type. Kaya ibinigay ko na lang siya kay Phil," parang walang anumang sabi nito.

"Pero nasa kanya ang mga qualities na hinahanap mo. Mataas ang match scores n'yo."

"I don't think so."

"Don't do that again."

"Don't do what?"

"Huwag ka nang magsasama ng third wheel. Kung ayaw mo, eh, di ayaw mo. I can always find you another date."

"Galit ka ba?" tanong nito na may munting ngiti sa mga labi.

"Hindi ako galit." Sa totoo lang ay gusto niyang sapakin ito sa pagpapaasa sa kanya na naging matagumpay ang pagpapares niya rito at kay Marfa.

"Ihanap mo na lang uli ako ng iba."

"That's what I'm going to do."

"Let's dance."

She snorted. "No way." Dinampot niya ang bote ng alak at sinalinan ang wineglass na ibinigay ng waiter kanina. Uminom siya ng alak dahil sa inis.

"Hey, you're drinking."

She twitched her lips. "Obviously."

"Baka malasing ka... at baka may malaman na naman akong sekreto mo."

Nabitin sa ere ang basong dapat ay ididikit na niya sa bibig. Napabaling siya rito. Kitang-kita niya ang amusement sa mga mata nito. Nanunudyo ang ngiti nito.

"I love you, Evan! I love you forever!"

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na wineglass sa biglang naalala. She was so stupid. Hindi siya makapaniwalang nagkagusto siya noon sa lalaking ito nang dahil lang sa isang gabing nakasama at nakadamay niya ito sa pagkakakulong sa iisang silid. Ang masaklap pa ay nalaman nito iyon. At mukhang pakiramdam nito, hanggang ngayon ay may damdamin pa rin siya para dito.

Pabagsak na inilapag niya ang wineglass sa mesa. Tiningnan niya ito nang matalim. "Hindi ko na kailangan pang malasing para malaman mo ang sekreto ko at this point. Nagtitimpi lang ako dahil kliyente kita pero... I hate you, Evan. I hate you forever!"

Tumayo na siya at lumayo. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon