Part 6

28.4K 593 10
                                    


HINDI pumasok si Miles sa loob ng durasyon ng foundation celebration ng unibersidad nila dahil sa sobrang kahihiyan. Nang pumasok siya ng sumunod na Lunes, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya at tila lihim na pinagtatawanan siya. Ultimo mga kaklase niya ay pinag-uusapan siya. Mukhang kumalat na sa buong campus ang kahihiyang ginawa niya.

Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ipalabas at ipakita sa mga tao ang ginawa niya nang gabing iyon. Kailangan niyang malaman kung sino ang gumawa niyon.

Hindi pa man siya nagsisimulang mag-imbestiga ay nalaman na kaagad niya kung sino ang may kagagawan ng pagpapalabas ng video na iyon nang makasalubong niya si Diane. Nakangisi ito sa kanya.

"I've seen your video. It was funny," anito sa kanya.

Tiningnan niya ito nang matalim. "Ikaw ang may kagagawan ng pagpapalabas ng video na iyon!" akusa niya rito.

Tumaas ang isang kilay nito. "Hey, huwag kang mambintang. I didn't do that. Duh? Why would I waste my time on that? Si Evan mismo ang nag-utos sa mga kaibigan niya na ipalabas iyon. He was too amused at what you did that night. Ang sabi niya, gusto niyang i-share sa iba ang katatawanang iyon. Kaya ipinapalabas niya rito sa campus para naman maaliw rin ang ibang wala sa party last Saturday night. He's really so naughty." Nagpakawala pa ito ng mahinang tawa.

Parang piniga ang puso niya sa nalaman mula rito. Si Evan ang may kagagawan ng pagpapalabas ng video na iyon?

Pumalatak si Diane nang mapansin ang reaksiyon niya. "Poor little girl. You shouldn't have done that. Sa ginawa mo, parang binigyan mo ng dahilan si Evan para mapaglaruan ka. I swear he laughed so hard that night."

Naalala niya kung paano siya pagtawanan ni Evan noong binu-bully siya nito noong mga bata pa sila. Ganoon din siguro o mas malakas pa roon ang tawa nito sa ginawa niya noong Sabado ng gabi. "Lasing ako. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko nang mga oras na iyon," pagtatanggol niya sa sarili.

"Pero totoong may gusto ka kay Evan."

Hindi siya nakahuma.

"I'm sorry to tell you pero sa ginawa mo sa party last Saturday, I don't think na papatulan ka niya. Kahit gawin kang fling, hinding-hindi niya gagawin. Isang laughingstock lang ang tingin niya sa iyo."

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na maiyak sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang isang katatawanan lang ang tingin sa kanya ni Evan. Ipinahiya pa siya nito sa buong campus. 

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon