Part 10

35.4K 789 33
                                    


MARFA Ortega—twenty-six years old, elite, anak ng may-ari ng Ortega Group of Companies, may sariling fashion business, graduate ng business degree sa isang exclusive school at kumuha ng fashion course sa Paris, maganda, makurba ang katawan, matangkad, mukhang modelo, and surprisingly, she knew how to cook. She had a strong character but she was approachable. She was perfect for Evan.

Matagal na itong miyembro ng dating club ngunit ni isang beses ay hindi pa naima-match ito nina Miles. Paano kasi ay masyado itong high-profile at wala silang mai-match dito. Marfa would be Evan's match. Hindi pa man niya naita-tally at nako-compute ang match scores ng mga ito ay sigurado siyang maa-attract sa isa't isa ang dalawa sa oras na magkita at magkasama ang mga ito.

Tinawagan niya si Marfa at pumayag naman itong makipag-date pagkatapos niyang sabihin ang qualities ng lalaking nakatakda niyang ipares dito. Tinawagan din niya si Evan at sinabi nito na libre ito sa linggo ng gabi. It was settled right away. Nagpa-reserve kaagad siya para sa isang garden dining sa Romanticos, isang romantic restaurant. She wanted to make their date extra special and very romantic. Gusto niyang ma-in love kaagad sa isa't isa ang dalawa para matapos kaagad ang trabaho niya kay Evan.

Nagsiuwian na ang ibang mga kasamahan niya. Naiwan siya sa opisina dahil gusto niyang tapusin ang trabaho. Paglabas niya sa opisina ay nasorpresa siya nang makasalubong niya sa hallway si Evan.

"Hi, Miles!" nakangiting bati nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Itinaas nito ang small brown envelope na hawak. Inihagis pa nito iyon sa ere at muli ring sinalo. "I drop by for this. Sorry, ngayon ko lang nadala itong mga pictures ko. 'Buti naabutan pa kita."

"Ipina-courier mo na lang sana."

"It's okay. Malapit lang naman dito ang condo ko kaya idinaan ko na lang."

"Okay." Tinanggap niya ang envelope at ipinasok iyon sa malaking bag. Itinuloy na niya ang paglalakad patungo sa elevator. Sumunod ito sa kanya.

Nadismaya siya nang pagbukas niyon ay makitang walang tao sa loob ng elevator. Ibig sabihin ay mapag-iisa sila sa loob ng lift na iyon. Habang umaandar pababa ang elevator ay tila nasu-suffocate siya kahit well-ventilated naman iyon. His presence was suffocatingly annoying. Habang nakatitig siya sa aluminum door ng elevator ay tila nakikita na naman niya ang eksena sa party eight years ago.

"Pauwi ka na ba?" tanong nito.

Napatingin siya sa malabong repleksiyon nito sa aluminum door. "Oo."

"It's almost dinner. Let's eat together. My favorite resto's a few steps away from here."

Napabaling siya rito. He was actually inviting her for dinner? Naalala niya ang mga pahaging na pangangantiyaw nito sa kanya noong huli silang magkita. Hindi na niya bibigyan pa ng pagkakataon ito para muli siyang asarin. "No, thanks. Sa bahay na lang ako kakain."

"Come on, Miles. It's my treat."

"I'm sorry. I'm tired and I want to go home."

"Okay. Maybe some other time then."

He did not get it, did he? They did not have anything to talk about and hang out with. Hindi sila naging magkaibigan. Saglit lamang silang nagkasama na binale-wala lang nito. At higit sa lahat ay may kasalanan ito sa kanya. Maybe he really wanted to annoy her.

Lihim siyang nagpasalamat dahil may sumakay nang ibang tao sa elevator. Wala na rin siyang narinig mula rito. Pagpunta niya sa parking lot ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Nagpaalam lang ito nang tumigil na siya sa kotse niya.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon