Part 3

49.7K 880 26
                                    


BUHAT ang mga inililigpit na gamit mula sa katatapos pa lang na school play, pumasok si Miles sa room kung saan itinatabi ang mga props at costumes. Wala nang tao sa school theater at sa backstage kundi siya na lamang. Nagsialisan na ang mga kasama niya. Nakakakuha siya ng allowance para sa extracurricular job bilang backstage personnel kaya pinagbubuti niya ang pagtatrabaho at hindi siya lumiligtas na tulad ng iba.

Inilapag niya sa table ang huling kahon ng mga props. Napansin niyang tila kumukurap-kurap ang ilaw. Ire-report niya iyon bukas sa school maintenance para maayos o mapalitan iyon. Isinasabit niya sa cabinet ang mga costumes nang biglang sumara ang pintong iniwan niyang nakabukas. Nabitiwan niya ang hawak na damit dahil sa pagkagulat. Paglingon niya ay may nakita siyang lalaking nakasandal sa nakapinid na pinto.

Si Evan de Ocampo, ang pasaway na schoolmate niya noong elementary!

Inilapat nito ang isang hintuturo sa tapat ng mga labi. Lumapit ito sa kanya. "Huwag kang maingay," bulong nito.

"Bakit pumasok ka rito? Ano'ng kailangan mo?" bulong din niya.

"May humahabol sa akin. Sige, ipagpatuloy mo lang iyang ginagawa mo pero huwag kang maingay. Lalabas din ako mayamaya."

Sinunod na lang niya ito kahit naiilang siya sa presensiya nito. Sila lamang dalawa sa loob ng silid. It had been so long since they talked again. She even wondered if he could still recognize her. Pero wala na siya dapat pakialam kahit hindi na siya nakikilala pa nito. Pabor sa kanya iyon. Ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan sa salbaheng lalaking ito.

Madalas siyang i-bully at paiyakin nito noong nasa elementarya pa sila. Magkasabay sila sa school bus at madalas siyang tinatabihan nito para lang asarin. Mukhang wala itong ipinagbago. He was still a bully. Parati niyang nababalitaang nakikipagbasag-ulo ito. Bukod doon ay playboy rin daw ito. Pero kahit pa maloko at bully ito ay malakas pa rin ang karisma nito sa mga babae. Maraming nagkakagustong babae rito dahil aminado siyang guwapo ito. Pero masama ang ugali nito.

Umupo ito sa mesa na pinaglapagan niya ng kahon ng props. Binulatlat at sinipat nito ang mga laman ng kahon. Nang matapos ay hindi man lang nito ibinalik sa kahon ang mga iyon at ikinalat lang sa mesa.

"Hindi mo man lang ibinalik sa lalagyan," sita niya rito.

Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Kilala mo ba ako?"

"Bakit mo itinatanong?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Dahil kung kilala mo ako, hindi mo ako kakausapin nang ganyan."

"Ah, talaga? So, paanong pakikipag-usap ba ang gusto mong gawin ko sa iyo? Gusto mo bang i-address pa kita ng'sir' o mag-'po' pa ako sa iyo?" sarkastikong tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Lumabas ka na," nakairap na sabi niya.

For a moment, ang akala niya ay susugurin siya nito at pipitserahan ngunit ngumisi lang ito. "Nobody talks to me like you do."

"Ah, talaga? Paano ka ba nila kinakausap? May lambing? Basta ka na lang papasok dito at ikakalat iyang mga inipon kong props, pagkatapos, gusto mong lambingin kita? Ibalik mo ang mga iyan sa kahon." Ugali na niyang hindi magpakita ng takot sa mga taong malalakas ang personalidad. Kung noon ay iyakin siya at nagpapalamang dito, ngayon ay palaban na siya at hindi na nito maaari pang i-bully.

Tumawa ito. "Hindi ka ba natatakot sa akin?"

"Bakit naman ako matatakot sa iyo? Puwede bang lumabas ka na? Hindi ka dapat pumasok dito. May signage sa pinto na bawal pumasok ang mga hindi tagarito."

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon