Part 15

33.5K 784 22
                                    


HINDI inaasahan ni Miles na darating si Evan sa quarterly marathon dating event. Maraming babae ang sumali sa event na iyon nang dahil sa presensiya nito. Pinanood niya ang pakikipag-usap nito sa bawat babaeng makatapat nito sa upuan para sa isang five-minute marathon dating. He looked bored. Mukhang napipilitan lang na makipag-usap ito.

Ang limang minutong itinakda sa bawat magtatapat na pares ay nauubos lamang sa pagsasalita ng babae. She doubt kung may magugustuhan ito sa mga naroon dahil tila wala naman itong interes sa nagaganap. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit dumalo pa ito. Kung ganoon nang ganoon ang gagawin nito ay malamang na hindi na siya makawala pa sa trabaho niya rito. Kaya kailangan niyang makaisip ng paraan para layuan na siya nito at tigilan na ang pambu-bully sa kanya.

Ang suggestion ni Gemme ay kausapin niya nang masinsinan si Evan at makiusap dito na tigilan na ang ginagawa nitong panggugulo sa kanya. But she would be damned if she would beg him. He wanted her to fight. Iyon ang gagawin niya. Iisip siya ng paraan para makawala sa pamba-blackmail nito.

Natapos ang event ngunit wala itong napili sa lahat ng babaeng nakausap nito. Nagulat na lamang siya nang bigla na lang siyang hilahin nito.

"Wala akong nagustuhan sa kanila kaya ikaw na lang ang ide-date ko."

"Teka nga. Bitiwan mo ako. May trabaho pa ako."

"Ipinagpaalam na kita kay Stacey."

Hindi na siya nagpumiglas pa at sumakay na lang siya sa kotse nito kahit labag sa kalooban niya. Alam na kasi niyang tatakutin na naman siya nito tungkol sa DVD kung magmamatigas siya. Dinala siya nito sa isang bar kung saan ito uminom nang uminom.

"Isinama mo ba ako para panoorin kang uminom ng alak?"

"Isinama kita para mag-drive pauwi. I don't drink and drive."

She snorted. "Gagawin mo akong driver? At teka, maglalasing ka?"

"Yeah." Lumagok ito ng alak.

"Ano kaya kung iwan kita rito kapag lasing na lasing ka na at nakadikit na ang pisngi mo sa mesa?" Nagsalin din siya ng alak sa wineglass na ibinigay ng waiter at nilagok iyon.

Tumawa ito. "Subukan mo lang. Ibibigay ko ang copy ng video sa parents mo."

"Hindi ko pa binabasted si Andrew. Bakit hindi mo pa ibinibigay ang video sa parents ko?"

"Nagbago na ang isip ko. Ibibigay ko na lang iyon kapag sinagot mo siya."

"Talaga? Salamat sa konsiderasyon," sarkastikong sagot niya.

"You're welcome."

Umirap siya. "Natutuwa ka ba talaga sa ginagawa mo sa akin?"

"Ano sa tingin mo? Mag-aaksaya ba ako ng panahon sa pamba-blackmail sa iyo kung hindi ako natutuwa?" Muli itong lumagok ng alak.

"Natutuwa ka ba talaga kapag may naiinis sa iyo? Kapag may namumuhi sa iyo?"

Hindi ito sumagot. Pinakatitigan lang siya nito.

"Sumagot ka. Masaya ka ba na nagagalit ako sa iyo? Wala ka bang pakialam kahit ang sama-sama na ng tingin ko sa iyo?"

A slight smile formed on his lips. "Have you watched the copy of the video I gave you?"

"No. Walang dahilan para panoorin ko uli iyon. Ayoko nang maalala ang tungkol doon."

"Palagi ko iyong pinapanood kapag bored ako."

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon