Part 14

29.9K 697 30
                                    


"NAKU, nag-abala ka pa, hijo. Napakarami mo namang pasalubong," anang mama ni Miles kay Andrew.

"Wala ho iyon," ani Andrew.

"Maraming salamat, Andrew. Dalawa na ang bote ko ng mamahaling alak," sabi naman ng kanyang papa.

"Dalawa?" Ang alam niya ay isa lamang ang ibinigay na alak ni Andrew dito.

"Oo. Bigay ni Andrew iyong isa, iyong isa naman ay galing kay Evan."

Napakunot-noo siya. Wala naman siyang natatandaang may dalang alak si Evan nang ihatid siya nito noong nabutasan ng gulong ang kotse niya.

"Galing siya rito noong isang araw. Nakipag-inuman pa nga sa papa mo. Dalawa ang dalang bote ng alak ni Evan. Iyong isa, inubos nila. At ako, binigyan ni Evan ng pabango. Ang bangu-bango nga. Imported," anang mama niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit pinagkaabalahan pa ni Evan na pumunta sa kanila at makipag-inuman sa papa niya at magbigay pa ng mga regalo sa mga magulang niya. Bigla niyang naisip ang video na ipinanakot nito na ibibigay sa mga magulang niya. "Bakit daw siya pumunta rito?" kinakabahang tanong niya.

"Naisipan lang daw niya. Nabitin daw siya sa kuwentuhan namin noong huli niyang punta rito," sagot ng mama niya.

"Sino si Evan?"

Napabaling siya kay Andrew. Nakakunot ang noo nito.

"Kliyente ko. Schoolmate ko rin noong college."

"I see. So, baka puwede na tayong umalis." Nagyaya itong mag-dinner sila.

Tumayo na siya. "'Ma, 'Pa, aalis na kami ni Andrew."

"O, sige. Mag-iingat kayo," anang kanyang mama.

"Ingatan mo ang anak namin, Andrew," sabi naman ng kanyang papa.

"Siyempre naman ho," tugon ni Andrew.

Bago pa nila sapitin ang pinto ay may kumatok doon. Siya na ang nagbukas ng pinto. "Evan?" sambit niya nang mabungaran ito.

"Hi!" nakangiting bati nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Hindi kaagad sumagot ito. Lumipat ang tingin nito kay Andrew na lumapit sa kanya. "You must be Andrew."

Tumango ito. "Yes."

"I'm Evan." He offered his hand. Nag-shake hands ang mga ito. Itinaas nito ang hawak na DVD na nasa case. "I'm here to give you the copy I promised to give you."

Kinabahan siya ngunit pinilit niyang kalmahin ang sarili. "B-bakit inihatid mo pa? Nakakahiya naman sa iyo."

"It's okay," nakangiting sabi nito.

Kinuha niya mula sa kamay nito ang DVD. "Thanks."

"I have another copy." May dinukot ito mula sa loob ng coat nito. Tumindi ang kaba niya. "Where are your parents?" Muli pa itong tumingin kay Andrew na tila may ipinahihiwatig.

"Ah... pag-usapan muna natin ang tungkol sa iba pang kopya ng DVD." Bumaling siya kay Andrew. "Sandali lang, Andrew. Hintayin mo na lang ako sa loob. Mag-uusap lang kami sandali ni Evan." Hinila niya si Evan sa labas ng gate nang pumasok na si Andrew sa loob. "Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?" nanggigigil na tanong niya kay Evan.

"Gusto ko lang i-remind ka tungkol sa napag-usapan natin."

"Hindi ko pa siya sasagutin, okay? Masaya ka na? 'Akina ang copy na iyan."

"Bastedin mo na siya ngayon."

Napamulagat siya. "Ano?"

"Tell him to leave you for good. Huwag ka nang makikipagkita sa kanya."

"Sumusobra ka na!" nanggagalaiting sikmat niya rito.

He grinned and moved closer to her. Umatras siya hanggang sa maramdaman na lamang niya ang paglapat ng likod niya sa gate. Idiniin nito ang isang kamay sa kinasasandalan niya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "I can easily hand this over to your parents." Itinaas pa nito ang DVD.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit mo ako ginugulo?"

"Because they say I am bad. Kapag gumawa ako ng mabuti, nakakagulat. Hindi kapani-paniwala. So, I'll just keep doing what people expect me to do."

"Yes, you are bad. You are very bad!" she hissed. "Kaya siguro hindi kita mahanapan ng match ay dahil sa lahat ng ipinares ko sa iyo, wala sa kanila ang kasinsama mo!"

Hindi ito sumagot, tumitig lang sa kanya nang tila may hinanakit. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng galit ay nakadama siya ng guilt sa sinabi niya rito.

Umalis ito mula sa pagkakasukol sa kanya pagkalipas ng ilang saglit. Mabigat ang mga hakbang na bumalik ito sa kotse nito at pinaharurot iyon paalis.  

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon