Part 8

31.3K 879 29
                                    


IT HAD been eight years. Hindi inaasahan ni Miles na ganoon pa rin katindi ang galit na nadarama niya para kay Evan. Parang hindi lumipas ang mga taon. Parang naroon pa rin siya sa eksena kung saan lumapit ito sa kanya at sinampal niya ito. Seeing him again face-to-face made all those memories come rushing through her. Pati ang sakit sa damdamin na nadama niya noon ay tila bumalik sa dibdib niya.

"Judging from your reaction, I could guess you still remember me," wika ni Evan. Humakbang ito palapit sa kanya.

"Evan de Ocampo. Ano ang ginagawa ng isang tulad mo sa isang matchmaking agency na tulad nito?" pormal na wika niya. Hindi makakatulong sa kanya kung ipapakita niya ang bumangong dating galit niya para dito o kung tatanggihan niyang hawakan ang account nito. Baka isipin nitong apektado pa rin siya sa nangyari noon.

"I'm here to find my match," tugon nito habang nakatitig sa kanyang mukha.

Ngumiti siya nang mapakla. "Your match? Hindi ako makapaniwalang sa estado mong iyan ay kakailanganin mo pa ng isang matchmaking agency para hanapan ka ng match."

"Well, I'm tired of meeting the same type of women. Gusto kong maiba. This time, I want to make sure I date only those whom I matched with."

Dahil isang celebrity ito bilang ramp, print, and commercial model ay nakakabalita siya ng tungkol dito kahit hindi niya gustong makibalita. Maraming sikat at foreign personalities ang napaugnay na rito.

"Okay, that's more like organized dating now, isn't it?"

Lumapad ang ngiti nito. "Precisely."

"Welcome to our dating club," aniya.

"Yeah, welcome to our dating club," segunda ni Stacey.

"Thanks," anito.

Umalis si Stacey sa likod ng mesa nito at lumapit sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang hawak na mga papel. "Heto ang membership forms niya. Na-fill up-an na niya iyan. He said he'll send his pictures later. You can interview him now."

Hindi siya makapaniwala na siya pa ang kailangang humawak ng account nito. But that was her job. Hindi niya maaaring tanggihan si Stacey. Bumaling siya kay Evan. "Come with me, Mr. de Ocampo."

Sumunod ito sa kanya sa isang private room kung saan ini-interview ang mga kliyente. Pagsapit doon ay naupo siya sa isang bilog na settee. Umupo ito sa katapat na sofa. Sa pagitan nila ay isang bilog na center table. Hinintay muna niyang matapos ang pagse-serve ng mga kape ng assistant ni Stacey bago siya nagsimulang kausapin ito.

"Mr. de Ocampo—"

"Do we need to be this formal? Call me by my first name."

"I don't mind calling you by your last name, thank you."

Naging mapanukso ang ngiti nito. "How have you been, Miles?"

How had she been... Maliwanag na hindi ang present condition niya ang itinatanong nito kundi ang naganap sa kanya simula nang umalis siya sa eskuwelahang iyon at hindi na sila nagkita pa. Kung alam lang nito na hindi kaagad siya naka-recover sa ginawa nito sa kanya noon. Minumulto pa rin siya ng kahihiyang dinanas niya kahit nang makalipat na siya sa ibang ekuwelahan. Iniwasan niyang umibig muli dahil sa takot na muli siyang magmahal sa maling lalaki at muli ring masaktan.

Curious marahil ito kung ano ang mga pinagdaanan niya pagkatapos nitong ipahiya siya sa buong campus at mag-drop-out siya dahil doon. Wala itong karapatang malaman ang nangyari sa buhay niya sa nakalipas na mga taon.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon