Part 19

30.4K 690 4
                                    


PINAKATITIGAN ni Miles ang DVD copy ng video ng kahihiyan niya. Sa wakas ay nagkalakas-loob na siyang panoorin ang laman niyon. Ilang iling at pagkagat ng labi ang ginawa niya habang pinanonood niya ang mga bahaging napanood na niya sa school theater noon. She remembered walking out of the theater that day. Hindi niya napanood ang kabuuan ng video. Ang sabi ni Gemme sa kanya noon, ang huling eksena raw doon ay noong paulit-ulit niyang isinigaw ang "I love you, Evan! I love you forever!" habang nakahiga siya sa damuhan. Ngunit mukhang ang DVD copy na ibinigay sa kanya ni Evan ay hindi roon huminto.

"I love you, Evan! I love you forever!" Bumangon siya sa pagkakahiga sa damuhan upang maupo.

"Miles, get up," ani Evan. Inilahad nito sa kanya ang dalawang palad. Tinanggap niya iyon. Bumaling ito sa mga tao sa paligid. "Go away! Get your nosy asses off here and stop laughing!" sigaw ni Evan. Nahawi ang mga tao sa paligid.

She hugged Evan again. "I love you, Evan," she said once more. Evan hugged her back. Inalis pa nito ang mga damong kumapit sa kanyang buhok.

"Miles... I'll bring you home, okay?"

"Okay!" tugon niya. Pinangko siya nito. Nakakailang hakbang pa lamang ito palayo sa tao nang biglang sumulpot si Diane.

"What are you doing, Evan? Who's that girl? Bakit mo siya karga? Drop that bitch!" galit na utos nito.

Hindi ito pinansin ni Evan. Nilagpasan nito ang nobya.

"I said, drop her!" sigaw nito.

"She's drunk, okay?"

"I don't care! Just drop her!"

Napilitan si Evan na ibaba siya dahil humarang si Diane at ang mga kaibigan nito ngunit hindi siya binitiwan ng binata. Yumakap uli siya rito. "Evan... Evan... I love you..."

"Bitch!" Hinablot ni Diane ang buhok niya ngunit hindi siya hinayaan ni Evan na mabuwal. Inilayo siya nito kay Diane. Ngunit galit na galit ang babae. Muli nitong tinangkang hablutin ang buhok niya.

"Diane, stop it!" saway ni Evan dito.

"Bitiwan mo siya, Evan!"

"No! She's drunk. Hindi niya alam ang mga ginagawa niya, okay? You are not drunk. So stop acting like you're wasted."

Mukhang nagalit si Diane sa pagtatanggol sa kanya ni Evan kaya muli siyang sinugod nito.

"Stop it, Diane!" saway uli ni Evan kay Diane habang inaawat nito ang babae sa ginagawa sa kanya.

Dumating ang mga kaibigan ni Evan at hinila palayo si Diane. Nagmumura at nagpupumiglas ito habang naghi-hysteria.

"Ako na ang bahala kay Miles, pare. Pakalmahin mo ang girlfriend mo," sabi ng kapatid ni Celine kay Evan.

"Okay," anito at ibinigay siya sa kapatid ng birthday celebrant. "Take care of Miles, okay? Hanapin mo iyong friend niya, si Gemme. Pakisiguro na makakauwi sila nang maayos. Thanks, pare."

"Okay." Inalalayan na siya ng kapatid ni Celine.

"I'm going to ruin you, you slut! Ako pa ang kinalaban mo! You'll regret this day that you messed up with me," banta ni Diane habang hinihila ito ni Evan palabas sa mansiyon. Nagsunuran ang ibang tao rito.

Doon na natapos ang video. Blackout na ang screen ng LCD ngunit nakatitig pa rin siya roon. Manghang-mangha siya sa napanood. Iyon pala ang buong pangyayari. Putol na ang napanood niya at ng mga schoolmates niya. Sadyang pinutol at ang ipinalabas lang ay ang mga nakahihiyang eksena niya.

Hindi siya pinagtawanan ni Evan. Sa halip, nag-aalala ito sa kanya. Nagalit ito sa mga taong pinagtatawanan siya. He even defended her against his hysterical girlfriend.

Nag-init ang mga mata niya. Luminaw ang lahat sa kanya. Hindi si Evan ang nagpalabas ng video na napanood nila noon sa school theater at base sa mga pagbabantang binitiwan ni Diane, ito ang totoong may kagagawan niyon. Ninais nitong ipahiya siya sa buong campus dahil sa pag-aakala nitong inaagaw niya ang nobyo nito.

Pinagbintangan niya si Evan ng kasalanang hindi naman nito ginawa. Sinampal niya ito at pinagsabihan ng masasakit na mga salita. Hindi niya pinagkatiwalaan ito, bagkus ay hinusgahan kaagad niya ito. Naniwala siya sa sinabi ni Diane at nagtagumpay ang babaeng iyon na saktan siya. Sa ginawa nito ay nasaktan naman niya si Evan.

Kaya pala ganoon ang pakitungo sa kanya ng binata nang muli silang magkita. Kaya pala sa tuwina ay tila may kahulugan at bahid ng hinanakit ang ilang mga salitang binitiwan nito sa kanya. Kaya pala bigla na lamang lumitaw ito at ginulo ang buhay niya. Nasaktan pala niya ito nang sobra.

Sana noon pa mang ibigay ni Evan sa kanya ang video ay pinanood na niya iyon. Hindi na sana niya nasaktan ito. Hindi sana ito lumayo at tuluyan nang nagalit sa kanya.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon