Part 5

32.7K 640 9
                                    


NAPILITAN ding sumama si Miles kay Gemme. Sosyal ang party at puro mga sosyal ang mga bisita. Binihisan pa siya at m-in-ake-up-an ng kaibigan na tila isang socialite para makibagay sa mga tao roon.

Sa malawak na hardin ng bahay nina Celine ginanap ang party nito. Nagkalat ang mga bisitang tila nagpapa-talbugan sa damit. May dance music na pumapailanlang sa ere. May videographer at photographer upang kuhanan ang event. Sa isang bahagi ay may mga mesa at mga pagkain. Hindi lamang birthday ni Celine ang isine-celebrate sa gabing iyon kundi maging ang pagkapanalo ng pep squad nito sa interschool cheerleading competition.

Kumukuha siya ng pagkain sa buffet table nang mahagip ng paningin niya sina Evan at Diane na magkasamang dumating. Nakaabrisete pa rito ang babae. Parang nawalan tuloy siya ng ganang kumain. Habang kumakain siya ay pinagmamasdan niya ang mga ito. She was secretly hurt.

Sa loob ng isang linggo ay inamin na rin niya sa sariling may gusto siya kay Evan. Nagseselos siya kay Diane. Ngunit walang patutunguhan ang damdaming iyon. He could not like her the way she liked him. May nobya ito na mas maganda at popular kaysa sa kanya. Isa pa ay ni hindi nga siya pinapansin ni Evan.

Dahil sa sama ng loob ay uminom siya ng beer na isine-serve ng waiter. Nang iwan siya ni Gemme at nakihalubilo ito sa ibang kakilala sa party ay napadami ang inom niya. Hanggang sa makadama siya ng pagkahilo. Dumodoble na rin ang paningin niya at nagsasalita na siya nang mag-isa. The next thing she knew, she was walking towards Evan...


TALAK ng bibig ng mama ni Miles ang bumulaga sa kanya sa paggising niya nang umagang iyon. Umuwi raw siyang lasing nang nagdaang gabi. Si Gemme daw ang naghatid sa kanya, ayon sa kanyang ina. Naalala niya na naglasing siya sa party dahil sa sama ng loob kay Evan, pero wala na siyang gaanong maalala sa nangyari nang nagdaang gabi simula nang malasing siya. Isa lang ang alam niya: pinagsisisihan niya ang pag-inom nang marami dahil napakasakit ng kanyang ulo paggising niya. She was just nineteen years old. Hindi siya dapat tumikim ng beer sa edad niyang iyon at babae pa siya, let alone ang maglasing.

Nang pumasok siya ng Lunes ay tila may kakaibang atmosphere sa paligid. Hindi niya maintindihan kung bakit tila pinagtatawanan siya ng ilang schoolmates niya habang naglalakad siya sa corridor. Pakiramdam niya ay siya ang pinagbubulungan ng mga ito. Nang tingnan naman niya ang hitsura niya sa salamin sa loob ng restroom ay wala naman siyang nakitang kakaiba o nakakatawa. Baka feeling lang niya ay siya ang pinagtitinginan at pinagtatawanan ng mga ito.

Paglabas niya ng restroom ay muli siyang naglakad sa corridor. Nakasalubong niya ang mga kaibigan ni Evan. Nagtaka siya dahil nakatingin sa kanya ang mga ito habang nagtatawanan.

"She's the girl, pare," narinig niyang sabi ng isa nang makalagpas na siya sa mga ito.

"'Yong naka-one-night stand niya?"

"At nagkalat sa party."

Kumunot ang noo niya. Napatingin siya sa kasabay niya sa paglalakad na isang kulot ang buhok na babae na napakaikli ng suot. Ito marahil ang babaeng tinutukoy ng mga kaibigan ni Evan. Alangan namang siya? Hindi pa siya nakikipag-one-night stand sa kahit sino at wala siyang balak gawin iyon.

"Melinda!"

Napahinto siya at napatingin sa pinanggalingan ng tinig. Tila umuusok ang mga butas ng ilong ni Gemme sa galit.

"Nakakainis ka! Lasing na lasing ka noong Sabado. Hiyang-hiya ako sa party nang dahil sa iyo. Nahirapan pa akong iuwi ka, alam mo ba? At pinagalitan pa ako ng mama mo. Ako pa ang sinisi sa kalokohan mo," paglilitanya nito.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon