Part 9

31.1K 708 16
                                    


NAGPAKAWALA ng marahas na hininga si Miles pagkatapos ibaba ang baso ng juice. She got it now. The reason why Evan took her as his matchmaker was because he wanted to make fun of her... all over again! Mukhang nabitin ito sa pang-aasar sa kanya tungkol sa kahihiyang ginawa niya sa party eight years ago dahil nag-drop out siya sa university. Kaya nang magkita uli sila ay tila nakakita ito ng pagkakataon upang ituloy ang paglalaro sa kanya.

"Hindi talaga ako makapaniwala na si Evan de Ocampo, nagpa-member sa matchmaking club n'yo," ani Gemme.

"Ako rin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang kailangang maghanap ng match niya."

"It seems like you're in trouble. I mean, your heart is in trouble."

"Excuse me, Gemme. Wala na akong feelings para sa kanya, 'no! After what he did to me, sa tingin mo, gusto ko pa rin siya? Hindi ako ganoon kagaga."

"Good. Pero aminin mo, mas guwapo siya ngayon."

She snorted. Hinding-hindi niya aaminin na totoo ang sinabi nito.

"Hindi man lang ba siya nag-sorry sa ginawa niya sa iyo eight years ago?"

"Hindi. Para ngang bale-wala lang sa kanya ang mga nangyari noon. Nakuha pa niyang tanungin ako kung ano'ng nangyari sa akin for the past few years. Ni walang trace sa mukha niya na nagsisisi siya sa ginawa niya. He was grinning like a monster the whole time we were talking."

"Teka, bakit hindi mo na lang gamitin to your advantage ang sitwasyon mo ngayon?"

Natigil sa ere ang akmang pagsubo niya ng piraso ng cake. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Gantihan mo siya."

"Gagantihan ko siya? Paano ko naman gagawin iyon?"

"Eh, di i-match mo siya sa mga pangit, may kaunting sayad at iyong tipong obsessive. Para mabuwisit siya." Humagikgik ito.

Sinabayan niya ang pagtawa nito. "Ang galing mo, friend. Gusto mo akong mawalan ng trabaho."

Natigil ito sa pagtawa. "Suggestion lang naman."

"Naniniwala ako sa karma kaya hindi ko kailangang maghiganti. I want to get rid of him immediately. Kailangang mahanapan ko kaagad siya ng match para mawala na agad siya sa paningin ko."

"Pero parang hindi siya madaling hanapan."

"Iyon na nga rin ang iniisip ko, eh. I'm so irritated, Gemme." Pinagsalikop niya ang dalawang palad. "Kung puwede lang na ipasa ko sa ibang matchmaker ang trabaho na ito, ginawa ko na kahapon pa. Pero kapag ginawa ko iyon, iisipin niya na hindi pa ako nakaka-recover sa kahihiyang sinapit ko noon kaya ayokong magkaroon kami ng connection."

"Eh, mukhang totoo naman."

"I'm over it. until he showed up yesterday." she sighed. "It felt as if kahapon lang nangyari ang lahat. I can't believe how that freaking incident affected me this much."

"Wala kang choice. Gusto mong protektahan ang pride mo kaya bear with it," anito at hinimas ang tiyan.

Gemme was six months pregnant with her second baby. Si Owen ang nakatuluyan nito. Nakabuti ang ginawa nitong pagsama sa kanya sa paglipat ng university dahil nagkaroon ito ng proximity sa crush nito. Naging abay pa siya sa kasal ng mga ito three years ago. Ninang din siya ng panganay nito.

"Sisiguruhin ko na magugustuhan kaagad niya ang unang ipapa-date ko sa kanya. Ipapa-date ko sa kanya ang pinakamaganda, pinaka-sexy, at may pinaka-magandang background na members ng dating club. Tingnan ko lang kung hindi siya mawala kaagad sa paningin ko."

Ngumiti si Gemme. "Good luck."

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon