Final Part

50.6K 2K 161
                                    



TUMAYO si Miles mula sa pagkakaupo sa kotse ni Evan nang makitang papalapit ito. Nasa parking space siya ng condominium building kung saan ito tumutuloy. Kasama nito ang pinsang si Phil. Napatigil ito sa paglalakad nang makita siya.

"What are you doing here?" nakakunot ang noong tanong nito nang makalapit.

Tumitig siya rito. Nabasa niya sa mga mata nito na may hinanakit ito sa kanya. "Aakyat na sana ako sa pad mo pero nakita ko ang kotse mo. Naisip kong hintayin ka na lang dito. Baka sakaling umalis ka at..." Napatingin siya sa maletang dala nito. "Aalis ka?"

"Yeah. Ipagda-drive ako ni Phil sa airport. I'm leaving for the States."

"F-for good?"

"Yeah."

Parang hiniwa ang puso niya. Kung ganoon ay hindi na sila magkikita pang muli pagkatapos ng araw na iyon. Tuluyan na itong mawawala sa buhay niya. "W-why?"

"Because I have no business here anymore."

Hindi ito nagkabalikan at si Diane. Diane was a big liar, as usual. Sinubukan na naman nitong papaniwalain siya sa kasinungalingan para saktan siya. Nagkausap sila at inamin nito ang mga ginawa noon. Sinumbatan pa siya nito. Nakipaghiwalay raw dito si Evan pagkatapos ng gabing gumawa sila ng gulo sa party ni Celine.

"Can we... can we talk before you leave?" Gusto niyang humingi ng paumanhin sa lahat ng naging kasalanan niya rito.

Tumingin ito sa wristwatch. "I'm sorry, Miles. Male-late ako sa flight."

Mabilis siyang nakapag-isip. "Then let me drive you there."

"What?"

"Let Phil go. Ako ang maghahatid sa iyo sa airport. There's my car." Itinuro niya ang kotse niya.

"But I have my car."

Naalala niya noong huli silang magkita. Nagpilit ito na ihatid siya. She said she had her car and he told her her tire was flat. "Eh, di bubutasin ko ang gulong ng kotse mo para doon ka sumakay sa kotse ko," seryosong sabi niya.

Tumaas ang isang kilay nito. "Really? Kaya mong gawin iyon?"

"Try me. Palaban na ako ngayon. Kaya ko ring gawin ang mga ginagawa mo."

"Really, huh?"

"Yeah."

"Okay. You got me with that." Binalingan nito si Phil. "Phil, thanks. Puntahan mo na lang si Marfa. Invite n'yo ako kapag nagpakasal na kayo, ha."

Tumawa si Phil. Nagpaalam ito kay Evan at sa kanya. Pagkatapos mailagay ang maleta sa likod ng kanyang kotse ay sumakay na rin si Evan sa passenger seat.

"Na-miss mo ba ako kaya mo ako pinuntahan?" tanong nito habang nagmamaneho siya.

Ngumiti siya. "Oo. Na-miss kita," walang gatol na tugon niya. Tutal ay aalis na rin naman ito at hindi na sila magkikita pa. Magiging honest na siya rito, bagay na hindi niya nagawa noong mga panahong magkasama pa sila at binu-bully siya nito.

Bumuga ito ng hangin. "Are you drunk?"

"No. Bakit mo naitanong?"

"Because I've never heard you that honest since that night at Celine's party."

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry."

"For what?"

"Ang laki ng kasalanan ko sa iyo. Nasaktan kita. I'm really sorry. I didn't mean to. Nasaktan lang kasi talaga ako dahil ang akala ko, ikaw ang nagpalabas ng video sa campus. Pinaniwalaan ko si Diane nang sabihin niyang ikaw ang nagpalabas n'on para ipahiya ako sa buong school."

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon