Part 16

28.9K 654 11
                                    


NASAPO ni Miles ang kanyang noo. She could not believe she had to go through the same situation eight years ago. It took a week of not seeing Evan to made her admit the sad truth to herself—she was in love with Evan all over again.

And she missed him. Siguro ay kailangan din niyang aminin sa sarili na napakagaga niya para umibig uli sa isang lalaking may napakalaking kasalanan sa kanya. But she did not want to entertain that feeling. Gusto niyang mawala iyon. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya noon.

Isang linggo na itong hindi nagpapakita o tumatawag man lang. Wala na siyang narinig pa rito pagkatapos ng gabing naglasing ito at ihatid niya ito sa pad nito. Noon ay halos araw-araw na kinukulit siya nito at nagtatanong tungkol sa susunod na date nito. Dapat ay matuwa siya na hindi na ito nagpakita pa sa kanya ngunit hindi niya maiwasang isipin kung ano na ang lagay nito.

"Miles, may naghahanap sa iyo," pagbibigay-alam sa kanya ng assistant ng agency.

"Sino raw?" Was it Evan?

"Dati mo raw schoolmate. Babae."

"Hi, Miles!" nakangiting bati ng babaeng pumasok sa pinto.

She looked familiar. Kaagad din niyang natanto kung sino ito.

"Diane?" Ano ang ginagawa rito ng ex-girlfriend ni Evan? Lihim na pinagmasdan niya ito. Lalo pa itong gumanda.

"'Buti naman naaalala mo pa ako."

"Of course. Ano'ng kailangan mo sa akin?"

"Hindi mo muna ba ako pauupuin?"

"Forgive my manners. Have a seat," pormal na wika niya.

"I guess you already have an idea why I'm here."

Kumunot ang noo niya. "Don't tell me magpapa-member ka?"

Ngumiti ito. "Yes. At hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong i-match mo ako kay Evan de Ocampo. I want us to reunite."

Hindi kaagad siya nakapagsalita.

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon