Part 17

29.1K 637 4
                                    


"EVAN..." sambit ni Miles nang makita si Evan na nakaupo sa hood ng kotse niya sa parking space ng gusaling pinagtatrabahuhan niya. Sumikdo ang dibdib niya nang ngumiti ito.

Tumayo ito. "Hi. Aakyat sana ako pero bababa ka na rin naman kaya dito na lang kita hinintay," nakangiting sabi nito.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya nang makalapit dito. Pinilit niyang umakto nang normal sa harap nito. Hindi niya alam kung natatandaan nito ang paghalik nito sa kanya noong lasing ito.

"Ano pa ba? Eh, di date. Kailan ang next date ko?"

"Ang akala ko, hindi ka na interesadong makipag-date. Hindi ka kasi nagpakita at tumawag nang mahigit isang linggo."

"I'm sorry kung na-miss mo ako," tudyo nito. "Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Nagpunta kasi ako sa States. May inasikaso ako tungkol sa business ko roon."

"Hindi kita na-miss," pagkakaila niya.

Tila nagdududa ang tinging ibinigay nito sa kanya. "Sa tagal kong nawala, I'm sure may nahanap ka nang perfect match ko."

"As a matter of fact, meron nga talaga akong nahanap na perfect match mo."

"Really?"

"Tatawagan na lang kita tungkol doon." Naglakad na siya patungo sa pinto ng kotse niya.

"Come with me."

"Now?"

"Now."

"No."

"Why? May date ba kayo ni Andrew?" biglang sumeryosong tanong nito.

"Wala. Pagod ako. Gusto ko lang magpahinga."

"Kung gano'n, ihahatid na lang kita sa inyo."

"May kotse ako."

"But I think there's something wrong with your tire again."

Napatingin siya sa mga gulong niya. Flat na naman ang isa! Marahas ang ginawa niyang pagbaling dito. "You did this!" akusa niya rito.

Ngumisi lang ito.

Oo nga naman. Kaya nitong gawin ang mga ganoong klaseng kalokohan para lang masunod ang gusto nito. "Wait a minute. Ikaw rin siguro ang bumutas sa gulong ko noong inihatid mo ako sa bahay, 'no?"

Hindi nawala ang ngisi nito. Sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kotse nito. He was holding her hand tightly, almost squeezing it.

"Bitiwan mo ako, ano ba? Pagkatapos mong butasin ang gulong ng kotse ko nang dalawang beses, masaya ka kung sasama ako sa iyo. Wala ka talagang magawa. Pati ang nananahimik kong kotse, idinadamay mo sa mga kalokohan mo. Bitiwan mo sabi ako, eh."

"Kapag hindi ka sumama sa akin—"

"Ano? Bibigyan mo ng kopya ng video ang mama at papa ko?"

"Hindi. Ia-upload ko sa YouTube ang video na iyon."

YouTube? Damn modern technology! Marami ang napapahamak ngayon nang dahil sa mga self-upload streaming video sites. Nai-imagine na niya, kapag tinotoo nito ang pag-a-upload ng video na iyon, aani siya ng sangkatutak na views at comments.

Tumawa siya nang sarkastiko. "Right! That was brilliant. At dahil sikat ka, malamang na humakot ng milyun-milyong views at comments ang video na iyon. I'm scared," patuyang sabi niya.

"You better be."

"Bayaran mo ang dalawang gulong na sinira mo."

"Sure."

Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse nito.

"Na-miss kita," wika nito habang nagmamaneho.

She snorted. "Na-miss mo akong i-bully?"

Ngumiti ito. "Hindi mo ba talaga ako na-miss?"

Bakit ba kung makapagsalita ito ay parang alam nito ang nararamdaman niya? "Hindi kita na-miss. Ang saya-saya ko nga noong wala ka, eh. Walang nagpapainit ng ulo ko."

"Baka kapag totoong nawala ako, umiyak ka riyan."

"Yeah. Iiyak ako sa tuwa."

He grinned. "Lumalabas pa rin ba kayo ni Andrew?"

Tuloy pa rin sa panliligaw si Andrew sa kanya. Hanga rin talaga siya sa tiyaga nito. "Oo."

"Pero hindi mo pa siya sinasagot, 'di ba?"

Bigla niyang naalala ang sinabi nito noong lasing ito. Huwag daw niyang sasagutin si Andrew dahil liligawan pa raw siya nito. Of course, that was just alcohol talking. "Hindi pa. The video threat scares me a lot," sarkastikong sagot niya.

Ngumisi lang ito.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang butasin ang gulong ng kotse ko para lang mapilit akong sumama sa iyo. Eh, may panakot ka namang video."

"Hindi ako ang may kagagawan ng pagka-flat ng kotse mo this time. Hindi mo siguro napansin iyan kanina bago mo i-park ang kotse mo. Napansin ko lang na flat iyan habang hinihintay kita kaya alam ko."

Nagdududa ang tinging ipinukol niya rito.

"Hindi ka ba naniniwala?"

"Must I believe you?"

Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. "I know you won't believe me."

May nahimigan siyang tampo sa tinig nito. Nakadama tuloy siya ng guilt. Hindi na uli ito nagsalita pa.

"Kapag nahanap ko na ba ang perfect match mo, tatantanan mo na ba ako?" mayamaya ay tanong niya.

Matagal bago sumagot ito. "You couldn't wait to get rid of me, could you?"

Yes, I should get rid of you. Even if my heart hate the thought of not seeing you again... Hindi niya dapat mahalin ito. Hindi dahil malayo ang katangian nito sa lalaking sa tingin niya ay perfect match niya, kundi dahil alam niyang hindi siya mamahalin nito katulad ng nais niya. Masasaktan lang uli siya kapag ipinagpatuloy niya ang nararamdaman para dito.

"I'm sorry to disappoint you, Miles, but you can't get rid of me. Not so soon. Dahil mukhang matatagalan pa bago mo makita ang match ko."

Tumanaw siya sa labas ng bintana. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan mong gawin sa akin ito. Wala naman akong kasalanan sa iyo. Ikaw nga ang may kasalanan sa akin, 'di ba?"

"May kasalanan ka sa akin."

Bumaling siya rito. "Ano'ng kasalanan ko sa iyo?"

"Eight years ago, before you left the school, you slapped me, remember?"

"Nang dahil lang sa sampal na iyon ay ginugulo mo ako nang ganito? Baka nakakalimutan mong mas masakit pa sa sampal ang ginawa mo sa akin?" She sighed. Ayaw na sana niyang pag-usapan ang nakaraan. Wala namang mangyayari kung susumbatan niya ito dahil hindi naman ito nagsisisi sa ginawa nito. "I hope you'll get tired of playing, Evan... as soon as possible."


Like my Facebook page: http://facebook.com/heartyngrid

Visit my website: http://heartyngrid.com

To download ebooks, visit: http://preciouspagesebookstore.com.ph

To order books, visit: http://preciousshop.com.ph

Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards CategoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon