KABANATA I

11K 167 13
                                    

Enero 1, 1903

Dahan dahang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan ng santo domingo sa intramuros, dahan dahan ding naglalakad si Esperanza papunta sa altar, masaya ang lahat ng Makita siyang naglalakad sa gitna at ang lahat ay natutuwa at magiisang dibdib na si esperanza at carlos, matagal tagal din bago naging matagumpay ang kasalan nila Carlos at ni Esperanza, si Carlos Del Olmo ay ang panganay na anak nang hacienderong si Don Rafael Del Olmo, isang purong español na nakapangasawa ng pilipina, si Don Rafael Del Olmo ang may hawak ng buong San Francisco, siya din ang gobernador ng San Francisco, sakanya halos umiikot ang lahat ng kinakailangan, pati na ang mga kalakal na niluluwas papuntang Manila. Samantalang si Esperanza Gonzales ay panganay na anak ni Don Miguel Gonzales, isang mestizo español, na matinding kaaway ni Don Rafael, dati silang matalik na magkaibigan ngunit dahil sa agawan sa puesto sa pagiging gobernador ng bayan ng San fransisco, di lamang sa posisyon pati na din sa mga kalakal na pinapadala sa manila ay pinagtatalunan din nilang dalawa kung sino dapat ang mangangasiwa dito, ngunit dahil purong kastila si Don Rafael at malapit siya sa Gobernador Heneral, siya ang pinaburan ng hukuman at ng Gobernador heneral upang mangasiwa sa mga kalakal at maging Gobernador ng bayan ng San Francisco, laking pagka dismaya ni Don Miguel sa naging desisyon ng Korte at ng Gobernador Heneral pero dahil ito nga ang naging pasya wala siyang nagawa kung hindi sundin nalamang ito, kaya lahat ng mga kalakal na inililikom niya ay pinapadaan muna ito kay Don Rafael, at sa kasamaang palad malaki ang buwis na ipinapataw ni Don Rafael sakanya at dahil doon nalugi ang ilang negosyo ni Don Miguel at ito'y nagsara, hindi naman nawala sa antas ng pagiging isa sa mga mayayaman at maimpluwensyang tao si Don Miguel ngunit nabawasan ang yaman nila ng kanyang pamilya dahil kay Don Rafael.

"estás bien? (Are you okay?)" pabulong na sabi ni Don Miguel habang nakahawak sa braso niya si Esperanza

"Si, papa (Yes, papa)" at nginitian siya ni Esperanza

"Muy bien, Felicitationes mi amor (Very good, congratulations my love)" Pabulong na sabi ni Don Miguel habang papalapit sila kila Carlos

"Gracias papa, gracias (Thank you papa, thank you)" ngumiti ulit si Esperanza habang mahigpit na hinawakan ang braso ng kanyang ama

Ibinigay na ni Don Miguel ang kamay ni Esperanza kay Carlos at ngumiti si Carlos at tumingin sa mga mata ni Esperanza. Nagumpisa ang kasal sa dasal ng pari, pagkatapos ay nagbasa si Leonor kapatid ni Esperanza ng pahina sa biblia, sunod naman ay nagsermon na ang pari patungkol sa binasa ni Leonor at sa kanilang dalawa, pagkatapos ay tumayo na ang lahat para sa pagiisang dibdib ng dalawa.

Yo, Carlos Del Olmo y Rivera, te tomo a ti Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio, como mi esposa.
Prometo serte fiel en lo próspero y en lo adverso,
en la salud y en la enfermedad.
Amarte y respetarte todos los días de mi vida.
(I, Carlos Rivera Del Olmo, take you Maria Esperanza Patrimonio Gonzales, to be my wife. I promise to be faithful to you in prosperous times and adverse times, in healthy times and times of sickness. To love and respect every day of my life.)

Yo, Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio, te tomo a ti, Carlos Del Olmo y Gracia, como mi esposo.
Prometo serte fiel en lo próspero y en lo adverso,
en la salud y en la enfermedad.
Amarte y respetarte todos los días de mi vida.
(I, Maria Esperanza Patrimonio Gonzales, take you Carlos Gracia Del Olmo, to be my husband. I promise to be faithful to you in prosperous times and adverse times, in healthy times and times of sickness. To love and respect every day of my life.)

Hinawakan ng sacerdote ang kamay ng dalawa at tinanong

Carlos Del Olmo y Gracia tomas tu a Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio como tu esposa,
prometes amarla, respetarla,
protejerla abandonando a todo y dedicandote solo a ella?
(Carlos Del Olmo y Gracia, do you take Bride Maria Esperanza y Patrimonio to be your wife,
to love her, to respect her,
and to protect her, abandoning all others and dedicating yourself only to her?)

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now