KABANATA XXIII

943 23 1
                                    


Ito na ang unang araw ng paglilitis. Hindi ko alam paano ko matutulungan si Ethan at hindi ko din alam paano ako makakaalis dito sa Casa Del Olmo para makadalo sa paghuhukom, narito ako ngayon sa may kusina, pinaghahanda ng makakain sila Don Rafael dahil dadalo sila sa paglilitis, kung puede lamang na sumama sakanila ay gagawin ko para lamang makapunta ako sa paglilitis. Habang nagluluto ay nagulat ako dahil may biglang may tumakip sa aking mga mata, isang lalaki iyon dahil sa malapad at mabigat nitong mga kamay, maya maya ay naramdaman ko ang init ng hangin mula sakaniyang ilong dahil malapit siya saaking tainga, nagsalita siya at nakilala ko kaagad kung sino ang lalaking tumatakip ng mata ko ngayon.

"Gi-ginoong Patrick?" agad niyang tinanggal ang mga kamay niya ng nagsalita ako

"Nice, ang galing mo manghula, how did you do that? I mean that paano mo nahulaan?" ngiti niyang tugon saakin

"Kilala ko na po kayo Ginoo, kaya hindi po mahirap na hulaan po kayo lalo na pamilar saakin ang tono at boses mo"

"Ahh okay, by the way kumusta?"

"Maayos naman po ang lagay ko, mahirap lamang ngunit nasasanay na din akong manilbihan dito sa Casa Del Olmo"

"Really? Pero parang sa nakikita ko ay nahihirapan ka na" nawala ang ngiti niya sa mga labi at dahan dahan siyang lumapit pa saakin, napaatras ako pero lumapit pa siya ng maigi, hinawakan niya ako sa bewang, at tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko

"I can get out from this place, kaya kitang palayain mula sa mga kamay at pagpapahirap saiyo ng pamilya Del Olmo"

"Ta-talaga po ba? Pe-pero paano po?" sa sagot ko ay para akong desperada na gustong gusto kumawala sa mga amo, binitawan niya ang kamay niya sa bewang ko at tinanggal ang pagkakalapit ng mukha niya sa mukha ko

"It's easy, I know you can do this, pero isa lang naman ang gusto ko, iyon ay ang mahalin mo ako" natahimik ako sa sinabi ni Patrick at napapikit ng ilang Segundo

"Just love me Esperanza, mahalin mo lang ako at papalayain kita dito sa impiyerno na ito, hinding hindi ka na maghihirap pa Esperanza, iyon lamang ang kahilingan ko saiyo, ako nalang Esperanza ang mahalin mo, ako nalang" hinawakan niya ang mga kamay ko, hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sakaniya pero kailangan ko siyang sagutin ng pawing katotohanan lamang

"Hindi kita kayang mahalin Ginoo, patawarin mo po ako"

"NO! NO! Esperanza, I know you can love me too, natututunan naman ang pag-ibig at kaya mo din iyong matututunan, time can teach you everything, papatunayan ko saiyo na ako, tanging ako lang ang karapatdapat sa pagmamahal mo" binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko

"Pa-pasensya na Ginoo pero mas pipiliin ko na lamang po manilbihan kaysa pilitin pong mahalin ka, kaya naman po kitang mahalin pero bilang isang kaibigan o kapatid saakin, hindi pa po ba sapat iyon Ginoo?"

"NO! Hindi sapat iyon Esperanza, ang gusto ko ay mahalin mo ako hindi bilang kaibigan o kapatid mo lamang, ang gusto ko ay mahalin mo ako bilan nobyo mo, at ako lang ang dapat mong mahalin wala nang iba"

"Pero Ginoo kahit pilitin ko mang mahalin ka ay hindi ko magagawa dahil tanging isang tao lamang ang kaya kong mahalin"

"ETHAN? Why Esperanza why? Dahil bas a pera ha!? Dahil sa posisyon!? O sa karangyaan?! Esperanza, mawawala na si Ethan sa posisyon, mawawalan na siya ng kwenta, lahat ay malapit nang mawala na sakaniya kaya para saan pa kung mahalin mo-" natigil sa pagsasalita si Patrick dahil nasampal ko siya

"HINDI KAYAMANAN O KARANGYAAN ANG HABOL KO SAKANYA! Mahal ko si Ethan at tanging siya lang ang mamahalin ko, sumosobra ka na Ginoo, kung wala din namang patutunguhan ang pag uusap na ito ay mas mabuti nang umalis ka na Ginoo" tumulo na ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Patrick saakin

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora