KABANATA XVIII

1.1K 26 1
                                    

Hanggang ngayon ay wala pa ding paramdam si Ethan saakin, hindi ko alam kung nasaan siya sa mga oras na ito, hinihintay ko ang muli niyang pagbisita para naman kahit papaano ay masabi ko ang dapat kong masabi ngunit nasaan na nga ba siya? Hanggang ngayon ito pa rin ako hindi mapakali sa pagiisip ng isusulat para sakaniya, ilang linggo na ito pero wala pa din akong nauumpisahan, nanghingi na din ako ng pay okay Rosalinda ang sabi niya saakin ay kung ano daw ang gustong sabihin ng puso't isip ko iyon daw ang ilagay ko, pero di ko alam, ano ba talaga, mahal ko na nga ba talaga siya? Alam ko ay oo ngunit bakit ganoon bakit nakakadama ako ng takot at pangamba, hindi ko maintindihan ang sarili ko kailangan ko ng kaliwanagan. Kung puntahan ko kaya siya ngayon? Tama! Magpapasama ako kay Rosalinda. Nagmadali akong magayos nagpaalam ako kay ina medyo maayos na siya ngayon nakakapagsalita na siya ng kaunti hindi pa namin siya tinatanong dahil ayaw namin siya mapagod at pilitin dahil baka ikasama niya pa lalo, pag tuluyan nalang siyang gumaling tsaka naming siya tatanungin. Sumakay kami ng kalesa at tumungo sa munisipyo, pagbaba namin sa kalesa ay dumiretso kami sa opisina ni Ethan sa munisipyo ngunit wala siya doon meron daw siyang pagpupulong na dinaluhan sa may cavite kaya wala siya ngayon sa munisipyo, laking pagkadismaya ko ng marinig iyon kaya minabuti ko na lamang na umuwi. Paglabas naming ni Rosalinda sa labas ng munispyo ay nagulat kami ng hinarang kami ng isang lalaki

"How are you my lady? Long time no see! I miss you"

"Ginoong Pa-patrick? Kumusta na po? Hindi ko inaasahan ang pagdating mo dito"

"I'am walking in the park when I saw your kalesa going to the municipal hall so sinundan ko, ano nga pala ang pinunta mo dito?"

"Ah a-ano po kasi"

"May kinausap lamang po kami ginoo patungkol sa buwis" pagsingit ni Rosalinda sa usapan namin, tinignan ko siya at nginitian, natuwa ako dahil kahit papaano ay hindi ko na kailangan pang magdahilan kay Patrick

"Umm okay, are you free I mean libre ka ba ngayong araw? May ipapakita sana ako saiyo, matagal ding hindi tayo nagkita nangulila ako ng lubos saiyo kaya sana ay pagbiyan mo ako" pagsusumamo saakin ni Patrick, sinagi ako ni Rosalinda at napatingin ako sakanya tinignan naman niya ako na parang gustong sabihin na pumayag ako sa gusto ni Patrick

"Si-sige po, saan po ba tayo pupunta?" nginitian lang ako ni Patrick at hinawakan ang aking kamay

"Makikita mo din" nakangiti niyang tugon, sumakay kami ng kalesa kasama si Rosalinda, pinatakbo na ang Kalesa, pinunta kami sa isang calle ng San Francisco, medyo nasasabik ako sa pupuntahan naming dahil nung huli naming pinuntahan ay doon sa parol na talagang napakaganda kaya baka ngayon ay ganoon din, maya maya pa ay huminto kami sa bahay na malaki, bumaba kami napalingon ako sa paligid at pinagmasdan ang bahay na malaki, luma na iyon pero maganda at dalawang palapag ito.

"Let's go inside" paanyaya ni Patrick saamin habang nakangiti, sinundan namin siya papasok sa loob ng bahay, namangha ako dahil napakalaki ng loob at antigong antigo ang mga kagamitan, ganoon din si Rosalinda namangha din siya sakaniyang nakikita

"Gi-ginoo maaari ko po bang malaman kung bakit po tayo narito?" humarap siya saakin at ngumiti ng pagkalaki laki

"Ito ang binili kong bahay, pinagipunan ko ito kaya hindi ako gaanong nakakapunta o nakakadalaw sa casa niyo but I regularly give you some letters, natanggap mo ba?"

"Ang mga correo po ba? Opo natanggap kop o, nabasa ko nga din po na magiging abala ka ngunit walang nakalagay o hindi po nakalahad kung ano po iyong pagkakaabalahan, nakakamangha naman po na ito po pala ang inyong pinagkakaabalahan"

"Talaga namamangha ka? Buti naman balak ko ngang lagyan ito ng negosyo sa may harapan ngunit pinagiisipan ko pa sa ngayon, ako'y natutuwa at ika'y natutuwa dahil pag kinasal tayo dito tayo maninirahan" natahimik ako sa narinig ko, hindi ko alam bakit padalos dalos kung magsalita si Ginoong Patrick para mawala ang pagkatorete ng buong paligid pumulot ako ng mga gamit sa paligid

"Napakaganda ng mga kagamitan dito, siguradong mayaman ang dating may ari ng bahay na ito"

"Yes he is, Sir Fabio owns this house pero dahil sa pagkalugi at pagkabaon sa utang wala siyang nagawa kung hindi ibenta ang bahay niya dito at bumalik sa sarili niyang bansa para doon manirahan"

"Ah si Señor Fabio pala, amigo siya ni papa noon ngunit dahil sa hindi pagkakaunawaan naputol ang pagkakaibigan nilang dalawa, sayang naman at wala na sakaniyang pagmamay ari ang kaniyang sariling bahay pero ayos lang dahil saiyo naman ito napunta na alam ko at niyang maaalagaan mo"

"Let's go upstair, mas maganda sa itaas kaysa dito sa baba" inilalayan ako ni Ginoong Patrick paakyat sa itaas ng bahay, talagang maganda nga dito sa itaas at napakalinis, pinasilip ako ni Patrick sa may bintana at namangha ako dahil tanaw mula dito ang Iglesia de San Francisco (Church of San Francisco) at ang plaza.

"Ang ganda nga dito, talagang nakakamangha ang ganda dahil tanaw dito ang buong paligid" tinabihan ako ni Patrick sa may bintana at sumilip din siya

"Mabuti at nagustuhan mo ang tanawin mula rito, simula ngayon uumpisahan ko na ang pag aayos dito para naman mas lalo mong magustuhan, ito na ang ireregalo ko kung sakaling ikakasal tayo" natahimik ulit ako sa narinig ko, ayaw kong paasahin si Ginoong Patrick hindi ko maintindihan kahit na sinabi ko na kaibigan lang ang kaya kong ibigay sakaniya ito pa rin siya nangangarap sa magiging kasal niya, ayaw kong masaktan pa siya pero paano kung siya mismo ang gumagawa ng ikasasakit niya. Pagkatapos namin dumaan sa bahay na nabili ni Ginoong Patrick ay dumiretso kami sa isang kainan, nakaupo sa may tapat ko si Patrick at sa tabi ko naman si Rosalinda, namili kami ng bibilhin ng biglang napatigil ako

"E-Ethan?"

Nagkatinginan kami ni Ethan, bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nagagalak dahil nakita niya si Ethan, napatigil siya sa paglalakad at ako naman ay napatigil sa pamimili ng kakainin, blanko ang pipinta ng mukha niya, maya maya ay tumingin siya sa kinauupuan ni Patrick, nakita ko na nalungkot at nadismaya siya na nakita niya si Patrick sa harapan ko tinignan kong muli siya pero binaling niya na sa ibang direksyon ang kaniyang tingin at kinausap ang kasamahan niya at lumabas sila sa kainan, tumayo ako para habulin siya pero biglang hinawakan ni Patrick ang kamay ko kaya napatigil ako at bumalik sa pagkakaupo. Gusto ko siyang makausap, gusto kong sabihin lahat, pero paano lalo na ngayon baka iniisip niya na ipinagpalit ko siya kay Patrick, na si Patrick ang gusto ko kaya hindi ko siya sinagot, kaya hindi ko siya magawang mahalin. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ni Patrick sa casa

"Paalam aking binibini, see you again" nakangiting sabi ni Patrick,nginitian ko na lang din siya kahit na may lungkot akong nadarama at nagpaalam, inaalala ko si Ethan, ang lakas ng tibok ng puso ko gusto siyang makita muli pero papaano ko siya makakausap? At paano ko siya makikitang muli? Kung gayong nararamdaman kong ayaw na niya akong makita. Sana ay hindi siya magisip ng kung ano. Sana

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now