KABANATA XXVI

936 27 3
                                    

     Hindi nagparamdam saakin si Patrick pagkatapos ng pangyayari kahit papaano ay ayaw ko din muna siyang makausap at makita dahil sa pangyayari at sa panloloko niya saakin. Papunta ako ngayon sa tinutuluyan ni Ethan kasama ko si Padre Azul dahil hindi ako masasamahan ni Leonor dahil maselan ang pagbubuntis niya. Nagpresenta si Padre Azul na samahan ako upang malaman niya din ang kalagayan ni Ethan. Nakasakay kami sa kalesa ni Padre Azul dahil wala na ang kalesa ng aming pamilya dahil naibenta na ang iba at ang iba naman ay nasa gobierno na simula noong nakuha ang lahat ng pag mamay ari namin. Malapit sa may dulo ng San Francisco ang tinitirhan ni Ethan, walang masyadong nakatira dito dahil malapit na ito sa may parola at nasa dulo na San Francisco at halos karamihan ng mga narito ay ang mga ipapatapon sa ibang bayan o bansa na mayroon na lamang ilang araw, taon o linggo na puedeng mamalagi sa bayan ng San Francisco. Huminto kami sa isang bahay na gawa sa nipa at pinagtagpi tagping kahoy, bigla akongg nakramdam ng matinding pagkalungkot at dismaya dahil sa naganap kay Ethan pero dahil ito ang naging hatol sakaniya ay wala na kaming magawa. Lumapit kami sa may pintuan ni Padre Azul at tinawag si Ethan ngunit walang sumasagot, sinubukan muli naming siyang tawagin pero bigo kaming matawag siya. Kaya napagdesisyunan namin ni Padre Azul na umalis nalang at ipagbukas nalang muli ang pagbisita kay Ethan.

"E-Esperanza!" napalingon kami ng may tumawag saaking pangalan, laking tuwa namin dahil ang tumawag saakin ay si Ethan, mayroon siyang dalang timba na may tubig. Kumaway siya saakin at makikita ang malaki at matamis niyang ngiti, kay tagal kong hindi nakita iyon at lubos akong natutuwa ng makita ko ang mga ngiti sakaniyang mga labi. Dali dali akong tumakbo papunta sakaniya at niyakap siya kaagad, ibinaba niya ang hawak niyang timba at niyakap din ako pabalik.

"E-Esperanza, I'm sorry, patawarin mo ako" hindi ko siya pinansin bagkus ay niyakap ko pa siya ng mahigpit

"Esperanza, wag mo akong masyadong hagkan dahil pawisan ako at ramdam ko na hindi na kaaya aya ang aking amoy"

"Ayos lang, wala akong pakialam para saakin ay ikaw lang ang pinakamabangong taong nakilala ko" napangiti si Ethan sa sinabi ni Esperanza.

"Le-let's go Esperanza, masyadong tirik ang araw, ayaw kong mainitan ang aking pinakamamahal" binuhat muli ni Ethan ang timba na may lamang tubig at nagumpisang maglakad ngunit napahinto siya bigla at lumingon saakin

"Halika dito aking mahal, kumapit ka saakin" nagulat ako sa sinabi niya at napahinto ng pandalian

"Na-naku, huwag na mas lalo ka lamang mahihirapan dahil mayroon ng timba na may tubig sa kaliwa mong kamay, napangiti lamang siya saakin at pinilit na humawak ako sakaniyang braso, wala akong nagawa kung hindi lumapit at humawak sakaniyang braso

"I'm okay, ayos lang saakin na mahirapan ako, nawawala lahat ng hirap kung ikaw ang aking kasama dahil ikaw ang aking lakas, ikaw ang aking buhay" nginitian niya ako, napayuko naman ako dahil nararamdaman ko ang paginit ng aking mga pisngi dahil sa mga sinabi niya saakin. Pagpasok namin sa loob ay pinaghain niya kami ng tinapay at tsokolate, hindi gaanong malaki ang loob ng bahay na tinitirhan niya noon, malayong malayo sa casa na tinitirhan niya noon, siguro nga ay panandalian lamang ito dahil babalik na siya sa tunay niyang bansa, masakit para saakin na magkakahiwalay na kami pero kailangan na lamang naming tanggapin ito.

"Kumusta ka na Hijo?" tanong ni Padre Azul, nasa hapagkainan kami, nasa tapat naming siya at magkatabi naman kami ni Ethan

"I'm fine father, Kinakaya naman po, masaya po ako at nakabisita kayo dito ng aking mahal" hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito

"Masaya ako na narito kang saaking tabi aking mahal" tinignan niya ako saaking mga mata at nginitian ako, nararamdaman ko ang paginit ng aking mga pisngi

"Huwag masyadong mapusok mga anak" napatigil si Ethan at napaupo ng tuwid ng magsalita si Padre Azul

"Siya nga pala, mayroon akong ibibigay sainyong dalawa" iniabot saamin ni Padre ang isang kahon

"Importante saakin ang nakalagay sa loob ng kahon na iyan, ibinibigay ko na sainyo iyan dahil kayo ay naging parte at importante na din sa buhay ko" binuksan namin ang kahon na may pulang laso. Singsing ang laman ng kahon.

"Pa-padre, bakit niyo po naisipang ibigay po saamin ang mga singsing na ito, sa tingin ko po ay masyado itong mahal para ibigay mo nalamang ng ganoon"

"Iyan ang singsing na dapat ang isusuot ko sa kasal ko"

"S-sa kasal niyo po? Pero papaano pong-"

"Tama ang iyong nadinig Esperanza, para dapat iyan sa naudlot kong kasal sa iyong ina"

"K-kay mama po?" laking gulat ko sa ikinumpisal saamin ni padre Azul

"P-pero paano pong-"

"mahal na mahal namin ang isa't isa noon Esperanza, hindi niya iyon na ikwento saiyo ngunit bago maging sila ng iyong papa ay kaming dalawa ng iyong ina ang tunay na nagmamahalan ngunit hindi naging kami sa dulo, akala ko noon mauuwi kami sa kasalan, mauuwi ang lahat sa kami sa iisang bahay, may sariling pamily at nagmamahalan ngunit wala pala, hindi pala" bakas sa mukha ni Padre Azul ang pagkalungkot, dama namin na mahal na mahal niya talaga ang aking ina. Nagkunwari akong walang nalalaman pero narinig ko na siya noon, noong may sakit si ina at bumisita siya sa casa.

"Kaya pinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ako magmamahal ulit, na siya lang ang tanging iibigin ko hanggang sa huling hininga ko, na hindi ko na kailangang magmahal ng iba pa dahil para saan pa kung hindi rin naman siya ang aking iibigin, simula noon hindi na ako nakaramdam pa na magmahal ulit, tinuloy ko ang bokasyon ko para ang dios na lamang ang aking mamahalin"

"Hindi po pala naging maganda ang istorya ng pagiibigan ninyo po ng aking ina, dispensa po" tugon ko kay Padre Azul, bigla niya akong nginitian at tinapik

"Naku hija! Ayos lang huwag kang manghingi ng dispensa saakin, ganoon lang siguro, hindi lang talaga kami siguro para sa isa't isa, siguro hindi ngayon baka sa susunod na buhay namin ay doon matutuloy ang pagmamahalan naming dalawa. Siya nga pala, kaya ko ibinibigay sainyo itong sing sing na ito sapagkat naniniwala akong kayo talagang dalawa ang para sa isa't isa, naniniwala akong kayo ang magtutuloy sa naudlot naming pagmamahalan ni Teodora"

"Muchas gracias nuestro padre, pinapangako namin na hindi ka naming bibiguin"

"Naniniwala ako, vamos a comer! (Let's eat!)" naging masaya ang buong hapon naming kasama si Ethan, kwentuhan at halakhak ang madidinig sa buong bahay. Inabot kami ng dilim sa pamamalagi sa bahay ni Ethan, hindi ko akalain na magiging ganoon katagal kami doon kaya minarapat namin ni Padre Azul na mamalagi nalang ngayong gabi at bukas ng madaling araw na lamang umuwi dahil masyadong ng madilim sa labas at peligroso na ang bumiyahe, naglatag si Ethan ng hihigaan ni Padre Azul dahil inaantok na siya, ganoon din naman ako nilatagan niya ako ng mahihigaan, ang sabi niya doon nalang daw siya sa duyan sa may labas matutulog.

Malalim na ang gabi, natutulog na ng mahimbing ang lahat, ngunit ito ako hindi mapakali, siguro ay namamahay lang ako kaya ganito, tumayo ako at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig dahil nakaramdam din ako ng pagkauhaw, habang umiinom ako ng tubig ay naisipan kong puntahan si Ethan sa may duyan upang makita ang kaniyang kalagayan. Mahimbing na ang tulog niya, pinagmasdan ko siya, hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya.

"Why are you looking at me?" nagulat ako dahil bigla siya nagsalita kaya nabitawan ko ang hawak kong baso, bigla siyang tumayo at tumungo saakin at tinulungan akong magpulot ng mga nabasag na parte ng baso sa sahig. Habang naglilinis ay nag tama ang mata naming dalawa, tumahimik ang buong paligid, dama ko ang lakas ng pagtibok ng aking puso, nakakaramdam ako ng init saaking mga pisngi, tanging tunog lamang ng kuliglig ang maririnig sa buong paligid. Dahan dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha saakin, unti unti kong naramdaman na papalapit na ang kaniyang labi saaking labi, hindi ko na magawa pang kumilos, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya saakin, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Natigil siya saglit at hianwakan ako sa braso, tinignan niya ako sa aking mga mata at nagsalita, dama ko ang lalim ng kaniyang boses na mas lalong nagpatibok saaking puso na para bang gusto na nitong kumawala.

"I Love you Esperanza" 












A/N
Lo siento para po sa mabagal na update, finals week po namin pero pangako ko po na after ng finals magaupdate po ako, malapit na pong matapos. Muchas graciaas po :D

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now