KABANATA XXIV

985 25 0
                                    

Patuloy ang pagdinig sa pagpapaalis sa puesto kay Ethan, nagpapadala siya ng mga sulat saakin, natatanggap ko naman iyon at sinasagot lahat ng liham niya saakin, narito na sa casa Del Olmo si Ginoong Patrick, sinundo na niya ako pumayag naman sila Don Rafael kahit na noong una ay parang nagaalangan pa sila at tanging si Dolores lamang ang pumipigil sa pagalis ko pero dahil pumayag na sila Don Rafael ay wala na siyang magawa. Sumakay kami ng kalesa na nakaparada sa may tapat ng Casa, nanghingi ako ng pabor kay Ginoong Patrick na idaan muna sa bahay nila Leonor sa lugar nang mga tsino para mabisita ko ang aking anak, pumayag naman siya sa hiningi kong pabor, dumaan kami sa bahay nila Leonor, huminto ang kalesa sa tapat ng bahay nila Fai Lu at bumaba ako sa kalesa kumatok ako sa pintuan ng bahay nila ngunit walang sumagot saakin, nakailang beses akong kumatok at tumawag pero wala pa ding sumasagot, maya maya pa lamang ay may lumapit saaking isang babaeng tsino, ngumiti siya saakin at sinabing wala nang nakatira sa bahay na kinakatukan ko pero bigla siyang bumulong saakin, natuwa naman ako sa sinabi niya at sinabi kong dadaan na lamang ako sa ibang araw, iniabot ko sakaniya ang sulat na ginawa ko para kila Leonor at saaking anak at nangako naman siyang ibibigay iyon kila Leonor. Bumalik ako sa kalesa at kinamusta naman ako ni Patrick na naghintay saakin sa loob ng kalesa.

"Kumusta? Did you see your sister? I saw that there's a Chinese woman that come near to you, anong sinabi niya?"

"Ah eh, wala, wala naman naapadaan lamang siya" nginitian ko na lamang si Ginoong Patrick at nagpatuloy na kami sa aming lakad papunta sa bahay niya. Nakarating kami sa bahay niya, naging magarbo ang pag salubong saakin, naroon ang mga katulong niya sa labas ng bahay at nakangiting sinalubong ako, maraming nakahain na putahe sa mesa at mayroong naggigitara sa may bandang gilid, nakakatuwang isipin na ganito kagalak si Ginoong Patrick na salubungin ako, hindi niya alintana na ginagawa ko ito dahil kailangan kong tulungan si Ethan, ayaw ko mang lokohin siya pero ito nalang ang natitirang dahilan para sa ikabubuti ni Ethan.

"Come, I will going to show you your room, I hope that you will find it good" sinama ako ni Ginoong Patrick sa cuarto sa may itaas, nakakamangha ang ganda ng pagkakadisenyo ng cuarto at napakalinis nito halo makita mo na ang sarili mo sa piso (sahig) dahil sa kintab ng pagkakabunot dito. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Patrick ang aking bewang at inilapit ang kaniyang mukha sa may tainga ko, dama ko ang init ng hininga niya.

"Let's start a new life" malalim na pagkakabigkas niya saakin

"Now I have you, I promise that I will not let you go, no matter what happens, no matter what the circumstances are" patuloy niya, damang dama ko bawat sinasabi niya, ngunit si Ethan ang naalala ko sa bawat bigkas niya ng mga salitang ingles. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sakaniya kaya mas lalo ko itong ikinagulat, sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap niya saakin pero masyado itong mahigpit, wala akong nagawa kung hindi pabayaan na lamang siya. Naging maayos naman ang buong gabi ko dito sa bahay ni Ginoong Patrick, masaya ang salu salo dahil kahit ang mga ayudante niya dito ay kasabay naming kumain pati na din ang mga inimbita niyang mangangawit at banda ay nakisalo rin, masaya ang lahat, halakhakan, tuwa at puno ng kuwentong masasaya ang gabing iyon. Kinabukasan maagang umalis si Patrick sa bahay, nagiwan siya ng isang sulat saaking mesa sa cuarto.

Good morning my love, how's your sleep? I have already prepared your breakfast, eat well. I Love You, see you later

Hindi ko alam pero si Ethan pa din ang nasa isip ko habang binabasa ko ang liham mula kay Patrick, iba ang nararamdaman ko parang gusto ko nang itigil ang lahat ng ito, nararamdaman kong hindi maganda ang kahihinatnan ng pagkukunyari kong ito, ayaw kong paasahin pa si Patrick, ayaw kong mahalin niya ako dahil hindi ko kayang suklian ang pag ibig na iniaalay niya saakin. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito, alam kong naging manhid ako para sa nararamdaman niya, hindi ko naman masisisi ang aking sarili sapagkat para kay Ethan gagawin ko kahit ano. Bumaba ako ng cuarto, sinalubong ako ng isang ayudante nila

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now