KABANATA IV

3.6K 59 0
                                    

Isang buwan ang lumipas, tatlong buwan na ang sinapupunan ni Esperanza, bagama't naging maayos naman ang daloy nang lahat nung nakaraang buwan, walang masyadong nangyari, sinubukan naming ihilom lahat ng nangyari saaming pamilya, masakit man para saamin wala kaming nagawa kung hindi magpatuloy, ipinagpatuloy naming lahat ng naiwan ni papa, pinag patuloy naming ang negosyo niya at ang sakahan na ipinundar nila ni mama, nahirapan man ay pinilit pa rin naming tumayo para sa aming pamilya. Pebrero ngayong mes (buwan), nalalapit na ang bagong taon ng mga tsino, tuwing ganitong bagong taon ng mga tsino ay lumuluwas kami paManila para mamili ng mga recados at kagamitan ng mga tsino, katulad ng porcelana at mga plato. Nandito kami ngayon sa daungan ng San Francisco naghihintay ng barko para ibenta ang mga kalakal papuntang Formosa, nakausap na namin ang Tsinong si Fai Lu para siya na ang bahala sa negosasyon sa Formosa, si Fai Lu ay matalik na kaibigan ng papa, matagal na naming siyang pinagkakatiwalaan sa mga kalakal na iniluluwas papuntang Formosa, sinagapur, acapulco at españa pero dahil bukas na ang kalakalan papuntang America ay nakakapagbenta na din kami ng kalakal papunta doon sa pamamagitan ng tulong ni Fai Lu.

"Ikaw, Señola Espelanza, ano iyong gusto para bili po kita kagamitan Formosa" nakangiting sabi ni Fai Lu

"Bilhan mo nalamang ako ng Porcelas, gracias" nginitian ko din si Fai Lu

"Walang anuman Señola Espelanza, kumusta po pala Señola Leonol?" lumaki ang ngiti ni Fai Lu nang binigkas niya ang pangalan ni Leonor, halos magkalapit lang ang edad nila ni Leonor, may itsura naman si Fai Lu pero at maganda naman si Leonor kaya di nalalayong magkagusto siya sa kapatid ko

"Ikaw Fai Lu ha, parang may gusto ka sa kapatid ko ha, liligawan mo ba siya?" Nakangiting tugon at kantsaw ko sakanya

"Ah eh, ano bayan, di ko alam sabi mo Señola, wala ako gusto Leonol" namumula ang mga pisngi ni Fai Lu at umiiwas ang tingin

"Naku, Fai, kahit hindi mo aminin halata na at kahit bulol ka sa letrang R halata pa din sa mga sinasabi at kilos mo" kantyaw ko sakanya habang nakangiti ng Malaki

"H-hindi nga po señola, naku, lagot ako sigulado kay doña teodola pagnalaman niya, naku" pulang pula na si Fai, halatang halata na hindi niya kinakaya ang pangaasar ko sakanya

"Wag kang magalala fai hindi ko naman sasabihin kay Ina, kailan mo balak ligawan ang aking kapatid? Tutulungan kita diyan Fai"

"Naku, señola kahit gustuhin ko po, Malabo señola, masyado mayaman pamilya niyo señola, sino ba ako señola wala naman señola" lumungkot ang mukha ni Fai habang sinasabi niya ang mga na hindi sila puede ni Leonor

"Fai, maniwala ka lang, kung talagang mahal mo ang aking kapatid hindi dahilan ang antas sa buhay para mahalin mo siya"

"Ate! Ate!"

"O Leonor ikaw pala" Nakangiting sabi ko sakanya, ngumisi naman ako kay Fai Lu at halatang pulang pula siya at nababalisa

"O, porque estas aqui?"

"Nada ate, ibibigay ko lang itong pinadala ni mama na comida (pagkain) at para sabihin sayo na paguwi mo daw ay sabay sabay na tayong pumunta ng Binondo"

"O, sige, gracias mi Hermana (thank you my sister) siya nga pala, kinakumusta ka ni Fai kanina" ngumisi ako at tumingin kay Fai, nagulat naman siya sa sinabi ko at mas lalong nabalisa at kinabahan

"Ah, eh, Oo ay Hindi, ay oo, kumusta Señola Leonol?" balisang balisa si Fai Lu, natawa naman ng bahagya si Leonor dahil hindi pa din nagbabago ang pagbigkas ni Fai Lu kahit ilang taon na siyang nakatira sa San Francisco

"Estoy Bien Fai Lu, Gracias, Tu como estas? (I'm okay Fai Lu, thank you, you how are you?) Tagal na nating di nagkita ha" nginitian niya si Fai Lu na nakapagpula lalo sa pisngi ni Fai Lu

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon