KABANATA VIII

2.3K 36 0
                                    

Nandito kami ngayon sa kalesa magkakasama nila ina kasama din namin si Fai Lu, nagawa naman niya lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni ina, kaya malapit na din silang ikasal ni Leonor. Hindi namin kasama si Samuel dahil nasa Ilo ilo siya para sa pagsasanay, papunta kami sa San Pablo Laguna, limang buwan na akong nagdadalang tao medyo mahirap dahil wala si Carlos sa piling ko pero pilit ko namang kinakaya, napakasaya talagang bumiyahe papunta ng ibang bayan matatanaw mo kung gaano kayaman at kaganda ang isang bayan, ibang iba na ang San Pablo ngayon kumpara noong maliit pa lamang ako, nagkaroon na ng mga concretong kalsada at nadagdagan ang mga escuelahan, nag iba na din ang presidente municipal ng bayan ng San Pablo, siya ay si Don Marcos Paulino, siya ang unang Presidente municipal sa ilalim ng rehimeng Amerikano noong nakaraang taon, 1902 lamang siya naupo sa posisyon. Pupunta kami ng San Pablo para dumalo sa kaarawan ni Tia Adela, isa siya sa mga kilalang tao sa San Pablo kaya dadaluhan ito ng kilala at maimpluwensiyang tao. Nakaupo ngayon ako sa salas nila Tia Adela, lumapit siya saakinn upang kumustahin ako at alamin ang nangyayari sa buong San Francisco, matagal tagal na ding hindi naka bisita sa San Francisco si Tia Adela, si Tia Adela ay panganay na kapatid ng aking Ina.

"Malaki na siguro pinagbago ng San Francisco halos singko años na siyang di nakakapunta sa San Francisco, masyadong malayo ang San Francisco sa San Pablo kaya mahirap bumiyahe kung hindi aagahan, matanda na ako at mahirap na para saakin ang pagbiyahe ng malayuan"

"Pero ang nabalitaan ko po Tia na magkakaroon na din po ng Ferrocarril (now PNR) dito sa San Pablo"

"Narinig ko din ang balitang iyan, sana matapos ng maaga para naman makarating ako papunta ng San Francisco ng walang hirap at mabilisan, siya nga pala ilang mes (buwan) ka nang nagdadalang tao?"

"Cinco meses na po Tia, nananabik na nga po akong makita ang magiging supling namin ni Carlos"

"Nakaisip ka na ba ng ipapangalan mo sakanila?"

"Opo tia, bago mawalan ng hininga si Carlos ay sinabihan niya ako na kapag lalaki daw ay Carlos na alinsunod sa kanyang ngalan at pag babae ay Sofia pangalan ng kaniyang Abuela (lola)"

"Ah, kay gandang ngalan para sa magiging anak ninyo ni Carlos"

"Señora paumanhin po kung sisingit po ako sandali sa inyong usapan ngunit nariyan na po ang mga panauhin niyo"

"Ah ganoon ba sige Amelia maraming salamat dito ka muna kay Esperanza, samahan mo muna siya" si Amelia ay ayudante o katulong sa bahay ni Tia Adela siya ang pinagkakatiwalaan sa pamimili ng pagkain at paglilinis ng casa, marami silang katulong sa bahay pero isa si Amelia sa pinagkakatiwalaan nila. Si Amelia ay may mahabang buhok, magandang mga mata at morena, Chavacano ang salita niya kagaya ng mga nasa Ermita at Ternate pero dahil sa tagal na din sa Maynila at San Pablo natuto na din siyang magTagalog. nginitian ko si Amelia nahihiya siya saakin pero nginitian niya din naman ako pabalik, kinausap ko siya para kahit papaano ay mawala ang hiya niya, siya pala ay tubong Zamboanga, ang tatay niya ay nagsasaka lamang sa Hacienda ng mga Gomez at ang kaniyang ina at ilan sa mga kapatid ay namamasukan sa Hacienda de Gomez bilang Ayudante dahil sa sobrang hirap nang pamumuhay ay napilitang pumunta sa Maynila si Amelia dahil inakala niya na maiiaangat niya ang pamumuhay ng kaniyang pamilya pag namalagi siya sa Maynila pero hindi niya lubos akalaing mas malala pa pala sa Manila kaysa sakanilang probinsya, nagtrabaho siya sa Tabacalera o Compaña General de Tabacos de Filipinas pero hindi naging maganda ang trato sakanya doon walang nagawa si Amelia kung hindi umalis sa pabrika, pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa Casa ng isa sa mayaman na pamilya sa maynila namasukan siya doon bilang katulong nung una ay naging maayos naman ang lahat pero kada malalasing ang asawa ng amo niyang lalaki ay ginagahasa siya nito, hindi niya nataim ang ginagawa sakanya, sinumbong niya iyon sakanyang amo pero hindi siya nito pinaniwalaan at sinabihang nababaliw na siya, sampal at sabunot ang inabot niya sa amo niya at itinapon sa labas ng kanilang bahay lahat ng kagamitan niya, hindi na binigay ang sueldo sakanya, naging palaboy siya ng ilang araw dahil walang gustong tumanggap sakanya, sa San Lorenzo Ruiz sa Binondo siya namalagi at saktong napadaan doon si Tia Adela upang magrosaryo, doon siya nakilala ni Tia, naging magaan ang loob ni Tia Adela sakanya at ganoon na din naman siya. Inalok siya ni Tia Adela na mamasukan nalang sakanilang Casa sa San Pablo para naman magkaroon ito ng trabaho at matitirhan, laking pasasalamat ni Amelia dahil dumating si Tia Adela sa buhay niya, nakakapagpadala na siya ng dagdag pera sa magulang niya sa Zamboanga, at ikinuwento niya ang naging takbo ng buhay niya sa Maynila. Matagal bago nakakarating ang sulat sa Zamboanga at matagal din bago siya nakakatanggap ng sulat mula Zamboanga. Bakas sa mukha ni Amelia habang nagkukwento ay nalulungkot siya dahil halos limang taon na niyang hindi nakikita ang kaniyang mga magulang at kapatid, ilang pasko at bagong taon na ding nangungulila si Amelia sa mga kapatid at magulang niya. Patuloy kaming nagusap pero natigil lamang iyon ng may isang lalaking tumabi saamin, ikinagulat ko naman ito dahil ang lalaking nasa tabi namin ay walang iba kung hindi si



Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now