KABANATA IX

1.5K 35 0
                                    

Naging maayos naman ang lahat, anim na buwan na akong nagdadalang tao mahirap pero kinakaya, ganito pala pag wala ang asawa mo pero dahil may mga kasama naman ako nakakaya ko naman, nandito kami ngayon sa Iglesia de San Francisco (Simbahan ng San Francisco), hinihintay ang pagdating ni Leonor. Ito na ang pinakahihintay na araw ni Leonor at Fai Lu, kung isisipin ay napakabilis ng mga pangyayari noon ay mga batang paslit pa lamang kami na walang ginagawa sa buhay kung hindi maglaro ng maglaro sa labas ng casa ngayon ay magaasawa na si Leonor at bubuo nan g sariling buhay at pamilya. Masaya ako para sakanya, sana lang ay nandito pa si Papa para masilayan niya ang kasal ni Leonor, wala din dito si Samuel dahil hindi pa tapos ang pagsasanay niya, lubos na kaming nangungulila sakanya pero dahil pangarap niya iyon noon pa man masaya kami para sa pagtupad niya ng sarili niyang pangarap. Bumukas na ang pintuan ng Simbahan hudyat iyon na nariyan na ang ikakasal, masaya ang lahat sa pagdating ni Leonor, bakas ang tuwa sa mukha ni Fai Lu na nakaabang na malapit sa altar, nandito din ang mga magulang at kamag anak ni Fai Lu na puro mga tsino, ang ilan sakanila ay nanirahan na din sa pilipinas kaya marunong na magsalita ng tagalog pero ang iilan ay hindi pa kagaya nalamang ng kanyang ina na hirap na hirap magsalita ng tagalog kaya hindi sila gaanong naguusap ni Ina dahil wala naman silang maintindihan sa isa't isa. Dahan dahan nang naglalakad patungo sa altar si Leonor, napakaganda niya, mahahalata mo ding napakasaya niya, kung noon ay iilan lamang ang pinapayagang tsino na magpakasal sa simbahan ngayon ay bukas na ito para sakanila, kaya lubos na nagagalak si Fai Lu at Leonor na ikasal sa Simbahan. Habang papalapit si Leonor ay maririnig mo ang tugtog ng piano at violin na talagang nakadagdag sa masayang damdamin ng bawat isa, naluha si Fai Lu habang papalapit sakanya si Leonor, si Ina ang naghatid sakanya papunta sa altar, na masaya din na ikakasal na si Leonor. Nang matapos ang kasal ay sa Casa Gonzales ginanap ang Handaan, magarbo at napakarami ng handa. Masayang nagsalo salo ang lahat, abalang abala naman ang mga ayudante sa pagaasikaso sa mga bisita.

"Señola Teodora, kung inyo po mamarapatin, balak po sana naming bukod na"

"Kung iyan ang inyong nais Fai Lu hindi ko kayo hahadlangan pa, basta ipangako mo saakin na papakaingatan mo ang aking anak, magiging isang matapat na asawa ka at mamahalin mo siya ng lubos"

"Pangako po Señola"

"Huwag kayong mag alala tutulungan ko kayo sa paguumpisa ng buhay ninyo, saan ba ninyo balak manirahan?"

"Señola, dito din po sa San Flancisco, malapit sa lugal mga tsino"

"Ganoon ba, sige, tutulungan ko kayo sa inyong nais"

"Huwag na po señola, gagawin kop o ang lahat para mataguyod ang sarili ko pong pamilya"

"Ayos lang Fai Lu, para saaking anak at sa magiging apo ay tutulungan ko kayo"

"Si-sige po señola, malaming salamat po"

"Walang anuman Fai Lu" nginitian ni ina si Fai Lu at ganoon din si Fai Lu, lumapit ang ina ni Fai Lu sakanya at kay ina, hindi man sila nagkakaintidihan ay sa tulong ni Fai Lu kaya nagkaintindihan sila kahit papaano, masaya ang magulang ni Fai Lu sa naganap na kasalanan at balak din nilang ipasyal sa Tsina si Leonor pero sa susunod na mga buwan nalamang daw pag may libre na siyang oras, natutuwa naman si ina dahil bukas ang loob ng pamilya ni Fai Lu na tanggapin si Leonor sakanilang pamilya kahit na Filipino español si Leonor, na alam naman ng lahat na hindi maganda ang naging pagtrato ng mga español sa mga tsino. Natapos ang handaan na may saya sa bawat isa, umuwi na ang magulang ni Fai Lu sa bahay nila sa may binondo, umalis na din ang iba pang mga bisita, nagpaiwan muna sila Fai Lu at Leonor sa casa para pormal na magpaalam kay ina dahil dadalhin na ni Fai Lu si Leonor sa bahay niya malapit sa may lugar ng mga tsino.

"Paalam na ina at ate, mahal na mahal ko kayo" niyakap ni Leonor kaming dalawa ni ina, ganoon din kami

"Mahal na mahal ka din naming Leonor, bibisita nalamang kami ni ina saiyo, maging mabuti kang may bahay sa iyong asawa"

"Tama ang iyong ate Leonor, mahal na mahal ka namin pagkailangan mo kami sabihin mo nalamang, dalhin mo si Imelda at ang dalawa niya pang ayudante sainyong bahay para may tutulong saiyo, huwag na huwag mong kalimutan ang magdasal"

"Maraming salamat ina, hinding hindi kop o kakalimutan" niyakap muli namin si Leonor at ganoon din siya, sinama niya ang tatlong ayudante papunta sa bahay nila ni Fai Lu, naiwan kami ni ina dito sa casa, naluha naman si ina dahil umalis na ang makulit na si Leonor saaming casa. Natahimik ang buong casa dahil si Leonor lang ang pinakamaingay dito ngayong may sarili na silang tahanan, nawala na ang bibo at maingay na si Leonor, hindi man ganoon kalayo ang kanilang bahay mula saaming casa ay dama na kaagad naming ang kalungkutan at pagkaulila sakanya, wala si Samuel pati si Leonor ay umalis na, kaya nabawasan kami saaming bahay. Kinabukasan nagulat ako dahil mayroon kaagad akong bisita, kaya nagmadali akong magayos, bumaba ako ng hagdan at laking gulat ko dahil ang bisita ko ay walang iba kung hindi si




Patrick


Paano siya napunta dito? At ano namang pakay niya saakin, bumaba ako at lumapit sakanya, nginitian naman niya ako at inabot ang bulaklak at tsokolate na hawak hawak niya.

"Ano po ang iyong sadya señor?"

"uhm hello esperanza, I know na kilala mo na ako, but I will introduce myself again, I'm Patrick by the way" kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon at nginitian niya ako, nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi naman namin kilala ang isa't isa at kakakita pa lamang namin sa Casa ni Tia Adela kaya hindi ko alam bakit siya narito

"G-ginoo ano po ang iyong sadya?" pagtatakang tanong ko sakanya

"I'm here dahil gusto kitang ligawan" nakangiti niyang tugon sa tanong ko, agad ko iyong kinagulat, nanlaki ang mga mata ko

"Pe-pero señor hi-hindi po tayo magkakilala at ngayon pa lamang tayo nagkaroon ng pormal, di ko alam kung pormal na po ito pero ngayon pa lang po tayo nagusap"

"I know, ganoon naman lahat, everything starts with friendship"

"At isa pa po, anim na buwan na po akong nagdadalang tao, marami pa pong kababaihan diyaan na mas maganda, dalaga at hindi nagdadalang tao"

"I don't care Esperanza, the first time I saw you, you've already caught my attention kaya ikaw lang at tanging ikaw lang ang gusto kong ligawan"

"P-pero señor"

"Walang pero pero esperanza, mahal kita" hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan ako sa mga mata

"Se-señor sandali lamang, tila napakabilis naman po ata, hindi niyo pa po ako kilala paano niyo pong nasabing mahal niyo na ako" tinanggal ko sa ang kamay niya sa balikat ko

"Mahalaga pa ba iyon? The important here is mahal kita at iyon ang nararamdaman ko"

"Pe-pero señor pagisipan niyo po muna ng maigi ang mga binibitawan niyong salita, minsan niloloko o nililinlang lamang po tayo ng nararamdaman natin, akala natin ay mahal natin ang isang tao iyon pala ay hindi talaga, nagpadala lamang tayo sa nadarama natin"

"I'am not infatuated esperanza, papatunayan kong mahal kita at iyon ang nararamdaman ko" hinawakan muli ni Patrick ang balikat ko at tinitigan ako sa mga mata

"Mahal kita Esperanza and I will do everything and anything para lang makuha kita" hindi ko alam pero magkahalong kaba at awa ang nadarama ko sa mga oras na ito, hindi ko alam bakit siya nagkakaganyan at bakit ako pa sa dinamirami ng babae, bakit ako pa. Nagpaalam na si Patrick pagkatapos naming magusap, tanging sabi nalamang niya ay liligawan niya ako kahit ayaw ko, hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nagakakaganoon at kahit anong pilit niya ay hindi ako papaya at kung isisipin pinipilit niya ang sarili niya saakin, ayaw ko siyang masaktan pero siya ang gumagawa ng paraan para saktan niya ang sarili niya. 

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora