KABANATA XXVIII

940 20 0
                                    


"Nabalitaan mo ba ang nangyari?"

"A-ano daw ang nangyari?"

Yan ang mga naririnig namin sa mga chismosa dito sa palengke, hindi ko alam pero hindi ako mapalagay sa mga naririnig kong mga sinasabi nila, ayaw ko man pakinggan pero sa lakas ng boses nila ay siguradong pati kabilang palengke ay makakarinig. Nagpasya kami ni Leonor na mamalengke upang maghanda sa kakainin namin sa kasal namin ni Ethan, pinayagan kami ng simbahan at ng gobierno na ikasal sa San Francisco bago siya umalis, kaya ito, abala kami para paghahanda, mamaya din ay mamimili na kami ng susuotin kong damit para sa kasal, nananabik na ako sa pagiisang dibdib namin ni Ethan.

"Ate, ikakasal ka na ulit" ngiting pasabi ni Leonor saakin, nginitian ko siya pabalik

"Oo nga Leonor, napakabilis ng panahon parang kailan lang nung ikasal ako kay Carlos tapos ito ngayon, kay Ethan, ipinapanalangin ko lang na sana ay hindi na maulit ang nangyari sa kasal namin ni Carlos" Bigla kaming natahimik ni Leonor ng maalala namin ang lahat ng nangyari saamin

"N-naku ate, sigurado ako na magiging maayos ang takbo ng kasal mo, naniniwala ako na walang mangyayaring kahit ano, ipagdadasal ko yan" Nginitian ako ni Leonor, napangiti din ako sakaniya at itinuloy namin ang pamimili.

"A-ano? Talaga? Paano nangyari iyon?"

"Ang sabi nila hindi daw nila alam kung bakit siya pinahuli pero ang sabi ng ilan ay dahil daw pinaparatangan siyang isang pilibustero pero ang sabi naman ng ilan ay dahil takot daw si Don Rafael na malaman ang baho niya kaya niya pinahuli" Bigla akong napatigil sa pamimili ng narinig ko ang paguusap ng mga chismosa sa tabi namin ni Leonor. Dahan dahan akong napalingon sakanila na may pagtataka, dahil narinig ko ang panagalan ni Don Rafael sa usapan nilang dalawa, hindi ko na natiis pa kaya't tinanong ko na din kung ano ang pinaguusapan nila

"Uhm, disculpe (excuse me) pero patungkol saan ang pinagusapan ninyo? Narinig ko kasi ang nombre ni Don Rafael" mahinanong pagtatanong ko sakanilang dalawa

"Quien eres tu?" tanong ng isang babae saakin, medyo matanda na siya, nakasuot ng itim na may dilaw na saya at puting baro, kulot siya at medyo singkit.

"Parang kilala kita, kung hindi ako nagkakamali, i-ikaw ba ang anak ng yumaong si Don Miguel Gonzales? Tanong naman saakin ng babaeng nakapulang saya, medyo malaman at may katandaan na din, bilugan ang mata at balot ng kolorete ang buong mukha

"A-ako nga po" Tugon ko sakaniya, nginitian ko siya na may pagtataka

"Tama, ikaw nga, ikaw si Esperanza, ang panganay na anak ni Don Miguel, ikinagagalak kong makita ka ngayon dito, hindi ko inaasahang magkikita tayo dito Hija" nginitian ko siya dahil nagtataka akong paano niya ako nakilala

"P-paano niyo po ako nakila?" pagtataka kong tugon sakaniya

"Sino ba namang hindi makakakilala sa magandang dilag at anak ng dating nagpatayo ng palengkeng ito, nagpapatawa ka ata hija?"

"Ahh ganoon po ba, lo siento po" tugon ko na lamang sa babaeng hindi ko alam ang ngalan

"Siya nga pala kumusta na kayo? Matagal na kaming walang noticias (balita) sainyo, lahat ng chismosa dito ay wala na ding alam patungkol sainyo, ang huli ko na lamang balita ay yung nabasa namin doon sa periodico (newspaper) patungkol sa pagkamatay ng iyong ina dahil sa kaso sakaniya" Hindi ko na alam kung paano ko pa sasagutin ang babaeng kausap ko ngayon dahil parang hindi ako masyadong makapagsalita ng malaman kong alam niya ang bawat detalye sa buhay namin, kaya't nginitian ko na lamang siya

"At patungkol nga pala sa tanong mo, ano nga ulit iyon?"pahabol niyang sabi

"Ah yung patungkol po sa pinaguusapan niyo po kanina, y-yung kay Don Rafael po?" tugon ko sakaniya, nang bigla akong kinalabit ni Leonor kaya't napatigil ako dahil bumulong siya na aalis na daw kami

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt