KABANATA V

2.5K 47 6
                                    

Alas tres y media

Nagulat ako ng biglang nasa sofa na si Ethan, di ko alam bakit alas tres y media nasa bahay na namin siya kaagad, di ako sanay, masyado pang maaga, akala ko darating pa siya ng mga bandang alas cuatro pero nandito na kaagad siya, kaya ito ako ngayon sa cuarto nagmamadaling magbihis. Kulay pulang saya ako ngayon nakatali ng pulang laso ang aking buhok, at nakaputing camisa ako na may mga burda, sinuot ko din ang panuelo at may dala dalang rosaryo at abaniko. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at sinilayan si Ethan, nakangiti siya saakin, iyong ngiting abot hanggang tainga, ngayon lang ulit ako nakakita ng isang lalaking ganoon kung makangiti saakin, kung nabubuhay lang sana si Carlos hindi ako mangungulila ng ganito sakanya. Nagpaalam na ako kay ina at naglakad kami papalabas ng casa, walang mga guardian a kasama tanging ako at siya at si mamang kutsero lang na maghahatid saamin papunta sa Plaza Francisco, nagumpisa magpatakbo ng kabayo ang kutsero. Binasag naman ni Ethan ang nakakabinging katahimikan sa loob ng Kalesa.

"Uhm, I just want to ask you one question"

"Lo siento Señor pero no te entiendo (Sorry sir but I don't understand you)"

"Oh, I don't understand what are you saying" tinitigan ko nalang siya ng parang blanco dahil pareho kaming hindi nagkakaintindihan, natawa nalang si Ethan nang parehas kami hindi magkaintindihan, ngayon ko lang napansin ang ganda pala nang ngiti niya

"Oo nga pala, hindi ka nga pala nagsasalita ng wikang Ingles"

"Ayan, maiinitindihan kita pag sariling wika namin ang gagamitin mo"

"Pasensya na Esperanza, may gusto sana akong itanong saiyo kung puede?"

"Ano po iyon señor Ethan"

"Uhm hindi ka ba naiinitan sa suot mong damit? I mean the weather here in your country is not that cool kumpara sa bansa namin"

"Hindi naman po señor, sanay na ako sa ganitong kasuotan, simula noong maliit pa lamang ako ito na ang isinusuot naming, tawag dito ay Baro't saya"

"Ah Baro't saya pala ang tawag sa kasuotan na yan, bagay sayo, napakaganda mo sa damit na iyan" ngumiti siya saakin na pagkalakilaki, natahimik nalang ako at hindi kumibo

"Do you want to- I mean gusto mo bang matuto ng lenguahe namin,kung gusto mo lang naman?"

"Uhm, puede naman po señor para maintindihan ko kung ano ang mga sinasabi mo saakin, mamaya po kasi mga Mal na salita na po sinasabi niyo saakin hindi ko pa alam"

"Mal? Ano iyon?

"Mal po ay masama"

"Ah, español?"

"Opo señor, español po"

"Malaki talaga ang impluwensiya ng español sainyo, di lamang sa wika pati na din sa kultura, pananamit at relihiyon"

"Tama po kayo señor, niyakap na din po naming ang kultura nila, simula noong bata pa lamang po ako, español na ang kinagisnan ko"

"Ah, ngayon naman ang kakagisnan ng iyong magiging anak ay kaming mga Amerikano" Nginitian ko nalang siya at ganoon din siya, nararamdaman kong mabuting tao si Ethan, at alam kong malinis ang intension niya pero kaibigan lang ang tingin ko sakanya

Pagdating naming sa Plaza Francisco namangha si Ethan, naglalakihang puno ng Mangga at Acacia ang nakapalibot sa Plaza, mayroong fuente (fountain) sa gitna sa likod noon ay May malaking estatwa ni San Francisco de Assisi at sa likod ng estatwa ay isang malaking Catedral, and San Francisco de Assisi Catedral, may mga bulaklak ng rosas pula at puti sa paligid at makikita mo ang mga paru paro at ibon na lumilipad ng Malaya, pumuesto kami sa gilid ng maliit burol na may damo sa ilalim ng puno ng matandang Acacia, naglatag si Ethan ng isang malapad na tela na kulay Asul at puti, at pinaupo ako doon may dala dala din siyang mga pagkain, tulad ng tinapay at prutas. Umupo na din siya sa tabi ko

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon