KABANATA XII

1.1K 32 0
                                    


Isang linggo ding hindi nagpakita saakin si Patrick, hindi ko din naman siya masisi dahil na rin siguro nahihiya siya sa ginawa niya saakin pero pinatawad ko na siya, hinihintay ko na lamang na pumunta muli siya dito para sabihin ko na napatawad ko na siya, hindi ko din kasi alam kung saan ko siya makikita dahil nga hindi naman niya sinabi saakin kung saan siya tumutuloy, ay tama si Ethan ang pagkakaalam ko pauwi na siya ngayong araw kailangan ko na magayos pupunta ako sa munisipyo, nagmadali akong magbihis at magayos, tinawag ko si Rosalinda para masabihan ang kutsero na ayusing ang sasakyan kong kalesa, nagpaalam na ako kay Ina pinayagan naman niya ako pero kailangan dalhin ko si Rosalinda dahil walong buwan na akong nagdadalang tao, maselan para saakin ang kumilos ng kumilos pero dahil pursigido na akong malaman kung saan makikita si Patrick. Pababa na ako ng hagdan, nagulat ako ng makita ko si Ethan sa salas

"Good day my Lady" ngumiti siya saakin, mayroon siyang hawak na palumpon ng bulaklak ng Baino (lotus)

"Señor E-Ethan? Kanina ka pa diyaan?"

"Nope, halos kakarating ko lamang dito sainyo, dito na ako dumiretso galing maynila dahil gusto kitang masilayan bago tumungo ng munisipyo at magumpisa muli ng trabaho, saan ka tutungo?"

"Oo nga pala, tamang tama pupuntahan talaga dapat kita sa munisipyo" nagulat si Ethan sa sinabi ko at napangiti din siya ng bahagya, natutuwa ako sa reaksyon niya

"Tutungo ka sa munisipyo para dalawin ako?" mas lalong nahahalata ang ngiti niya at namumula na din siya, nginitian ko nalang siya

"A-ano po kasi Señor, tutungo po ako ng munisipyo para po puntahan kayo kasi po itatanong ko po sana kung alam niyo po kung saan naninirahan si Patrick" bigla siyang napasimangot, di ko alam bakit pero gusto ko talaga malaman kung saan nakatira si ginoong Patrick para masabi kong pinapatawad ko na siya

"Anong sadya mo sakanya?" seryosong tanong saakin ni Ethan, nagulat naman ako dahil kanina lamang ay ang saya saya niya tapos ngayon bigla siyang sumeryoso

"Kasi po Señor mayroon po akong sasabihin sakanya" nginitian ko siya para naman mawala ang pagkaseryoso niya pero mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo siyang sumeryoso at sumimangot

"Kung gayon, alam ko kung nasaan siya" malumanay niyang sabi saakin, hindi ko siya maintindihan kung bakit pero natuwa naman ako dahil maituturo niya saakin kung nasaan si Patrick, nagpaalam ulit ako kay ina at sinamahan ako ni Ethan papunta sa lugar na tinutuluyan ni Patrick, isa itong malaking accesoria pero dahil kilala siyang tao, malaking puesto ang nasa kanya, pumasok kami sa loob, malugod naman kaming tinanggap ng mga tao sa loob ng accesoria at itinuro ang lugar kung saan naninirahan si Patrick, pinindot naming ang timbres (doorbell) agad kaming pinagbuksan ni Patrick, nagulat naman ako dahil wala siyang damit pantaas kaya sinarado niyang muli ang pinto at nagmadaling magbihis ng binuksan niyang muli ang pintuan pagkatapos magbihis, nahihya siya saakin nararamdaman ko iyon, nginitian ko siya para kahit papaano ay mawala ang hiya niya saakin

"E-esperanza, yung patungkol sa nakaraan, patawarin mo ako hindi ko sinasadya, pupunta dapat ako sainyo pero dahil na din sa hiya ay hindi ko na itinuloy and also abala din ako sa business ko nitong mga nakaraang araw, Sorry talaga Esperanza, I'm really really sorry" pagsusumamo niya saakin

"Narito ako para sabihin saiyo na yung patungkol sa nakaraan pinapatawad na kita" nginitian o siyang muli, natuwa siya sa sinabi ko at halos mapalundag siya dahil sa tuwa, nasa tabi ko ngayon si Ethan na bakas sa mukha ang pagtataka, nakatingin siya saamin na parang batang walang muwang

"E-esperanza ma-maraming salamat saiyo, maraming salamat" hinawakan niya ang kamay ko dahil sa tuwa at nginitian kong muli siya, sumama ang tingin ni Ethan sakanya pero hindi iyon ininda ni Patrick dahil natutuwa siya na napatawad ko na siya

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt