KABANATA XXII

1K 25 0
                                    

"LABHAN MO ITO!" ibinato saakin ni Dolores ang kanilang mga saya at nasalo ko naman ito, sinunod ko ang utos niya dahil iyon na ang aking trabaho ngayon, labag man sa kalooban ko wala na akong magawa kung hindi sumunod. Naglakad akong papuntang ilog para maglaba, inilapag ko ang mga labahin at nagumpisang maglaba, maya maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril mula sa malayo kaya ikinagulat ko iyon, iniwan ko sandali ang mga labahan para tignan kung saan nagmula ang putok ng baril, nakita ko ang tatlong lalaking nakaluhod, nakapiring at nakatali ang mga kamay.

"Maawa na po kayo" pagmamakaawa ng lalaki sa isang guardia, agad akong nagtago sa likod ng matandang puno ng marinig ko iyon at sinilip kung ano ang nangyayari

"Maawa po kayo, may pamilya pa po akong naghihintay saakin, bagong panganak palang po ang aking asawa, maawa na po-" isang putok muli ng baril ang umalingawngaw, binaril nila ang lalaking nagmamakaawa sa ulo at agad itong tumumba, lalo akong kinakabahan sa nangyayari, sa mga nakikita ko. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nangyayari

"Maawa na po kayo, hindi ko po talaga alam ang ibinibintang ninyo saakin" pagmamakaawa ng isa pang lalaki sa mga guardia, isang putok muli ng baril ang umalingangaw sa buong paligid. Sa ulo din pinatamaan ang lalaking nagmamakaawa. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari

"KAHIT PILITIN NIYO PA AKO KAHIT PATAYIN NIYO PA AKO, WALA AKONG ALAM SA SINASABI NIYO AT SA BINIBINTANG NIYO, KAYA HINDI AKO MAGMAMAKAAWA SAINYO!" pagmamatigas ng huling lalaking nakapiring. Ikinasa na ng guardia ang kaniyang baril at tinutok iyon sa ulo ng lalaki. Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko, napaurong ako at hindi sinadayang makatapak ng kahoy na marupok na nakagawa ng ingay, natigil ang mga guardia at lumingon sa pinanggalingan ng tunog, nagmadali akong nagtago upang hindi nila makita, naglakad dahan dahan ang guardia sa puesto ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, tumutulo ang pawis sa mukha ko, nagdadasal ako na sana ay hindi nila ako mahuli dito. Nasa tapat na ng punong pinagtataguan ko ang guardia, kaya mas lalo akong kinabahan, parang gusto ng kumawala ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba. Natigil ang guardia sa paglalakad ng sumigaw ang kasama niya

"TUMATAKAS ANG BIHAG!" agad bumalik ang guardia at hinabol ang tumatakas na bihag nila, mga putok ng baril ang maririnig sa paligid dahil sa paghabol nila sa tulisan. Para akong binunutan ng tinik sa lalamunan ng mawala ang guardiang lumalapit saakin, nawala ang kaba sa dibdib ko at ang takot na nadarama, agad akong tumakbo pabalik ng ilog. Natapos ang aking labahin at bumalik sa Casa Del Olmo.

"BAKIT ANG TAGAL MO!" pagbungad saakin ni Dolores, agad naman akong yumuko upang galangin siya

"Pa-pasenya na Dolores kung ako'y natagalan-"

"ANONG DOLORES? SEÑORA DOLORES! Wala kang galang sa amo mo!" sinampal ako ni Dolores at ikinagulat ko iyon, hindi ko akalaing gagawin niya saakin iyon

"Lo siento, Se-Señora Dolores, patawarin niyo po ako sa pagiging mangahas at pagiging wa-walang galang ko po sainyo"

"Puñeta! Mierda! Magluto ka doon!" agad kong sinunod ang inutos saakin ni Dolores, hindi ko lubos maisip na ganito na ang magiging lagay ko, hindi ko maisip na sa Del Olmo babagsak kaming mga Gonzales, walang tumutulong o kahit lumapit man lang saakin na mga katulong dito sa Casa Del Olmo dahil pinagsabihan sila nila Doña Victoria na kapag may tutulong, kakausap o lalapit saakin ay papatawan ng mabigat na parusa. Kaya lahat sila ay takot lumapit saakin. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari kaninang umaga, sino kaya sila? Bakit ganon? Ano ang kasalanan ng mga lalaking iyon? Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang mga nangyari.

Kinabukasan ay inutusan akong pumunta ng palengke, habang naglalakad ako papuntang palengke ay napansin kong may mga karatola na nakapaskil sa mga puno kaya nilapitan ko iyon para basahin

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon