KABANATA XX

1K 29 4
                                    

Agosto 1903

Siyam na buwan na, ito na ang pinakahihintay kong buwan makikita ko na ang anak namin ni Carlos, nagagalak ako kaya't dumaan ako sa simbahan ng San Francisco upang ipagdasal ang kaligtasan ng panganganak ko, nagtitirik ako ng kandila ngayon, nasasabik na talaga akong makita ang anak naming ngunit kahit na nasasabik ako ay naiisip ko pa din si Ethan, kumusta na kaya siya? Pagkatapos ng pagdaan ko dito gusto ko siyang makausap at makita kahit papaano ay makahingi ako ng paumanhin sakaniya at masabi ko ang mga gusto kong sabihin na nahihirapan akong isulat. Kung makita ko lamang siya ngayon ay hindi ko na papalagpasin pa ang oras na iyon, taimtim akong nanalangin, habang nakapikit ako ay nadama kong mayroong tumabi saakin, bukod kay Rosalinda ay may iba pang tao na nasa tabi ko, hindi ko iyon pinansin dahil baka nagdadasal lamang din siya kagaya ko kaya pinatuloy ko ang pagdadasal hindi ko idinalat ang aking mga mata.

"O Lord please grant the prayer ng nasa tabi ko, pinapanalangin ko din pong sana ay magkausap kami" Narinig ko ang panalangin ng katabi ko kaboses siya ni Ethan pero hindi ko pa din iyon pinansin baka nananabik lang akong makausap siya kaya pati ang imahinasyon ko gumagana at dahil baka mayroon pa siyang ibang katabi at iyon ang pinaparinggan niya o kaya naman baka kaboses lang talaga.

"Lord I know na hindi niya ako mahal pero kahit na hindi niya po akong magawang mahalin ay ibibigay ko pa din po ang puso ko sakaniya" Nang marinig ko ang mga sinabi niya sakaniyang dalangin ay napadilat ako bigla at dahan dahang tinignan kung sino ang lalaking katabi ko, laking gulat ko dahil tama ang imahinasyon ko, si Ethan ang katabi ko ngayon, ka'y bilis ng pintig ng puso ko, nagagalak ako dahil nakita kong muli siya

"Lord sana po kausapin niya talaga ako" napangiti ako dahil gusto niya din pala akong makausap. Akala ko ay galit siya saakin, akala ko ayaw niya na akong makita pang muli pero ito siya ngayon sa tabi ko, hinintay kong idilat niya ang kaniyang mga mata pero wala pa din kaya pumikit ako at nagsalita na din ako

"Dios aming panginoon, nawa'y idilat na ni Señor Ethan ang kaniyang mata upang makausap ko po siya" idinalat kong muli ang aking mata at tinignan siya, nakatingin na siya saakin ngayon, nginitian ko siya at niyakap, nagulat siya saaking ginawa pero wala na akong pakialam. Hindi ko mapigilan ang malakas na tibok ng aking puso na para bang gustong kumawala saaking dibdib, gustong gusto ko talaga siyang makausap at mayakap kaya hindi ko na papalampasin ang oras na ito. Niyakap niya din ako pabalik, lumabas kami sa simbahan at pumunta sa lugar kung saan kami unang magkasamang lumabas, dito sa ilalim ng matandang puno ng acacia, pagdating sa ilalim ng matandang puno ng acacia ay nabalot naman ang paligid ng katahimikan pero dahil ayaw ko na palampasin ang oras na ito inumpisahan ko na

"Se-señor"

"Esperanza"

Natahimik kaming muli dahil nagsabay kami sa paguumpisa ng usapan

"Pasensya na, sige mauna ka na Esperanza"

"Uhm kumusta ka na po Señor? Lubos akong nananabik na makausap ka pong muli marami po akong gustong sabihin saiyo"

"I'm okay but I miss you so much"

"Hindi ko talaga alam paano ko uumpisahan ito pero gusto ko lang sabihin na pasensya po talaga, hindi ko naman gustong saktan ka"

"Ayos lang naman Esperanza, tanggap ko naman na hindi mo ako kayang mahalin at tanggap ko na Patrick is the one you love"

"Si-si Ginoong Patrick po? Hahaha hindi po Señor, wala po akong gusto kay Ginoong Patrick"

"Wa-wala? Papaanong wala? I saw you and Patrick having a date on the restaurant"

"Wala po talaga, at saka yung nakita niyo po, nag aya po kasi siyang kumain sa labas pagkatapos namin puntahan yung bahay na nabili niya"

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now