KABANATA X

1.4K 38 0
                                    

Pitong buwan na akong nagdadalang tao, pahirap ng pahirap pero mas lalo akong nagagalak dahil papalapit na ang araw na makikita ko na ang anak namin ni Carlos, masaya ako dahil malapit na at kaunting tiis nalang. Narito ako ngayon sa casa nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana habang nagtatahi ng mga damit, masayang tignan ang tanawin sa labas, ang mga taong naglalakad at ang mga punong sumasabay sa hangin, tahimik ang paligid at abala ang lahat sakani kanilang gawain. Bigla kong naalala si Carlos pag mga ganitong araw ay bumibisita siya dito saamin at pumapasyal kamil sa mga parke at iba't iba pang mga lugar, naalala ko pa nung pumunta kami sa San Pedro Makati o Sampiro, kay tagal nang binyahe namin noon, dumaan kami sa Rio Pasig (Ilog Pasig) para mas mapadali ang paglalakbay, napakaganda ng Sampiro, lalo na ang itinayong simbahan ng mga heswita na tinatawag nilang Buenavista dahil sa nakapuesto ito sa magandang lugar, lugar kung saan natatanaw ang ilog pasig na kahit sino ay maakit sa ganda, dumaan kami noon sa San Pedro Makati para puntahan ang kamag anak nila Carlos at para bumili na din ng mga adobe at ladrillo (brick) na gagamitin nila Carlos para sa ipapatayong capilla (Kapilya) nila para sa mga taga San Francisco na nakaalinsunod sa apilyido nila. Masaya kaming sinalubong ng pamilya nila sa Sampiro, may simpleng handaan, mga isdang nahuli mula sa ilog at mga tanim na galing sa lupa ng San Pedro Makati, may mga manok din na alaga ng kapamilya nila Carlos. Masaya ang naging salo salo namin noon, at dumaan din kami panandalian sa Tagig, para bumili ng bigas dahil sikat ang tagig sa bigas na inaani nila. Naging masaya ang buong araw na iyon, hinding hindi ko malilimutan iyon, kaya ito ako ngayon mas lalong nangugulila kay Carlos, sana ay nandito siya sa tabi ko ngayon, sana kasama ko siya ngayon para hindi ako nangungulila ng lubos. Patuloy ako sa pagisisip kay Carlos nang may kumatok sa aking pintuan.

"Señora Esperanza pasensya na po sa distorbo pero Señora mayroon pong naghahanap saiyo sa labas" Si Rosalinda pala ang kumakatok, agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan at nginitian

"Sino daw ang aking panauhin?"

"Si Heneral Ethan po Señora"

"Ano daw ang kanyang sadya at bakit siya naparito?"

"Hindi ko din po alam Señora pero mayroon po siyang dalang bulaklak baka po manliligaw sainyo ay mali, pasensya nap o señora hindi nap o mauulit ang pagiging lapastangan ko" nginitian ko si Rosalinda at hinawakan sa braso

"Ayos lang Rosalinda, huwag kang manghihingi ng tawad saakin wala ka namang ginawang kasalanan" nginitian ko ulit siya at binitawan ko na ang kaniyang braso, inalalayan ako ni Rosalinda pababa ng hagdanan, dahan dahan kaming bumaba ng hagdan at nakita ko si Ethan na nakatingin saamin, nakangiti siya at nakaayos talaga siya, nakaplantsa nang maayos ang damit at nakapomada pa siya, hindi ako sanay sakanyang ayos pero masasabi ko na mas naging guapo siya. Nilapitan ko siya, binate niya ako at ganoon din ako, iniabot niya ang bulaklak saakin at inilapag ko muna iyon ng panandalian sa lamesa.

"Ano pong sadya niyo ngayon Señor?"

"Uhm ano kasi Esperanza, uhm"

"Ano po iyon Señor?"

"uhm kasi, ba-balak ko sana, uhm I will going to court you, I mean li-ligawan ki-kita" Nagulat ako sa tinuran ni Ethan, hindi ko lubos maisip na liligawan niya ako, napatulala ako sakanya

"Ku-kung a-ayos lang"

"Pero po Señor, alam niyo naman po ang sitwasyon ko ngayon, ako po ay pitong buwan na pong nagdadalang tao"

"Ayos lang saakin Esperanza, I will going to take care of you and your child, aalagaan ko kayong dalawa"

"Señor kasi, pasensya na po pero mahal ko pa din po si Carlos"

"Handa akong maghintay Esperanza, I'am willing to wait anytime, kahit gaano pa katagal, kahit abutin pa ako ng ilang taon ay handa ako dahil mahal kita Esperanza" napapikit at napayuko ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, naawa ako kay Ethan, hindi ko alam kung hanggang kailan siya maghihintay, ayaw kong paasahin si Ethan, ayaw ko siyang saktan pero anong sasabihn ko

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Where stories live. Discover now